Chapter 44

3.2K 87 13
                                    




Weeks after siyang nakabalik sa piling ng mga taong mahal niya ay lubos ang kanyang tuwa ng tuluyan ng nagising ang kanyang ama sa pagkaka-coma nito pero hindi pa rin ito makapagsalita. Noong una ay puno pa rin siya ng pangamba na baka hindi na tuluyang gumaling ang ama niya  pero nangako naman ang mga doktor nito na dobleng monitor ang gagawin ng mga ito sa Daddy niya. She knew that her father will eventually be well kahit di pa ngayon pero naniniwala siyang gagaling din ito.







She was just so thankful that DJ and his parents never left their side. She's more than glad that she was treated as a family ever since. Kung tutuusin ay napaka-swerte na niyang talaga.






Sinimulan na rin nila ni DJ na ituloy ang naantalang pag-aasikaso ng kanilang kasal. Para pa ngang ito ang mas tutok roon dahil sa halos ito na mismo ang personal na nag-aasikaso ng lahat although, DJ gave her all the right to have the last say. Naging busy din kasi siya sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanyang ama kahit pa may mga nurse itong kasama lagi.




Nakabalik na rin siya sa pagtatrabaho sa kanyang bake shop. During those times na wala siya ay nalaman niyang si DJ rin ang namahala pansamantala sa business nilang mag-aama. Tuloy ay di niya maiwasang mahiya sa fiancé niya. Napakahirap na nga ng pinagdaanan ni DJ ay dumagdag pa ang naiwan niyang trabaho. Paano niya hindi lalong mahalin ang nobyo gayong ginagawa nito lahat para sa kanya at sa kanyang Daddy?






"Are you okay, Love?" bigla siyang napalingon sa boses galing sa kanyang likod. DJ slowly snake his arms behind to her waist. Napangiti siya.


"I am just thinking..." mahinang sabi niya.




Naramdaman niya ang mainit na hininga ni DJ sa may kanyang leegan kaya naman halos ay magsitindigan na ang kanyang mga balahibo.


"Care to share?"



Buti na lang at nandito sila ngayon sa opisina niya. DJ came to take her out for dinner bago sila pupunta sa shop kung saan ay isusukat na niya sa wakas ang wedding gown na sadyang pinagawa pa talaga ni DJ para sa kanya.










Originally, her Mommy Karla should be the one that's going to come with her but DJ insisted na ito ang sumama sa kanya sa pagsusukat. Sinabi kasi nitong excited na itong makita siya sa kanyang wedding gown. Noong una ay ayaw niya sana dahil gusto niyang i-surprise si DJ pero kalaunan ay napapayag na rin siya ng boyfriend niya. Sino ba naman siya para sirain ang sobrang excitement na nararamdaman ng lalaking mahal niya.




Inihawak niya ang kanyang mga kamay sa brasong nakapalibot sa kanyang katawan saka huminga muna ng malalim bago pa siyang nagsalita.







"I am just so happy, Love." simula niya. Tahimik lamang si DJ na nakikinig sa kanya. " Hindi ko talaga akalain na darating pa ang araw na ganito. I thought, I wouldn't be able to come back and be with you again."


She heard him sigh and then she felt his lips planting small kisses on her neck down to her shoulder. Just a small touch makes her shiver and it sent thousands of volts in her system.




When she got the chance to turn around so that she could face him, she cupped his face in between her hands and looked at him intently in his eyes.





"I love you so much. I never thought I would love this way with anyone else." she told him dearly.




His expression went soft. At mas hinila pa siya lalo palapit sa katawan nito. Their face are now an inch apart.







Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon