2

4.4K 131 0
                                    

Jomel's POV

gaya nga ng napag-usapan. Pumunta ako sa cottage nila. Nakasalubong ko pa nga sila sa labas dahil balak pa nila ako sunduin sa kwarto.

"hindi naman ba awkward na makikipag-inuman ka sa mga hindi mo kakilala?" tanong ni Mantha.

"hindi naman masyado.. I mean kilala ko naman na pangalan niyo eh hahaha"

kahit siya ay natawa siya sa sagot ko.

"ang cute mo naman.." hindi ko naintindihan masyado ang sinabi niya kung kaya tumingin ako sa kanya at nagtanong. Umiling lang ito at nagsimula na siyang uminom ng alak.

"anong year level mo na?" tanong naman ni Adrian.

"graduating palang ako ng junior highschool.."
"oh? Saan mo balak mag senior highschool?"
"sa CMU.."
"wow talaga? Doon kami nag-aaral eh.."

maya-maya pa ay nakisabay na rin ang iba pa niyang kaibigan sa kwentuhan namin.

"Sino nagrecommend sayo nung school?" tanong ni George.

"yung papa ko..." nakaramdam ako ng lungkot ng mabanggit ko si papa.

hiwalay na kasi sila ni mama. Naghiwalay sila nung 15 years old ako. Bago sila maghiwalay palaging binabanggit sa akin ni papa na doon ako mag-aral dahil tiyak daw na giginhawa ang buhay ko pag nakatapos ako.

nakakalungkot lang dahil may iba na siyang pamilya.. Iniwan niya ako na kaisa-isa niyang anak.

"bakit parang malungkot ka?" tanong ni Kyle.

"ahh wala. Tara inom na tayo.." itinaas ko ang aking baso at sabay-sabay kaming lumagok ng alak.

...

maghahating-gabi na nang maubos namin ang dala nilang alak. Medyo nahihilo na din ako habang sila naman ay nagkwekwentuhan na ng kung anu-ano.

nakakatuwa dahil napakakomportable nilang kasama. Sa konting oras lang ay parang kilala ko na sila.

"ok ka lang ba?" lumapit sa akin si Adrian at tinanong iyon. Tumango lang ako at muling ininom ang huling alak sa baso ko.

"pasensya na kung maingay kami ah, sana hindi awkward para sayo.."

"ano ka ba. Ok lang yun.. Ako nga dapat mahiya sa inyo kasi di niyo naman ako kilala.."

"well, actually gusto ko talagang magsorry sayo kanina kasi nabangga kita.." napatingin naman ako sa kanya.

"Ayos lang yun.."

"gusto mo bang magswimming? Just to sober up.." aya niya sa akin.

"hindi ako marunong lumangoy eh. Hanggang babad lang ako.."

"edi magbabad nalang tayo! Tara!" pagtapus nun ay hinila na niya ako palabas ng cottage papunta sa swimming pool.

tumalon siya sa swimming pool habang ako ay gumamit ng hagdan hanggang sa lumubog na ang katawan ko sa tubig.

lumangoy siya papunta sa akin.

"tara turuan kita lumangoy.." hinawakan niya ang kamay ko.

"ayaw ko, baka malunod ako.." pagtanggi ko.

"tara na. Ako bahala sayo.." gusto ko sanang tumanggi pa ulit. Kung hindi lang ako komportable sa kanya ay hindi talaga ako papayag pero kasi may parte sa utak ko na parang gusto ko magtiwala sa kanya.

dahan-dahan kaming pumunta sa malalim na parte ng swimming pool. Hindi ko na nararamdaman ang tiles. Napakapit ako sa kanya ng subukan kong kapain ang tiles pero muntik na kong malunod.

"relax lang, hindi ka malulunod.."

ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko. Ang lapit namin sa isa't isa.

maya-maya pa ay may narinig kaming pag-splash ng tubig at lumitaw sa aking harapan si Mantha.

"anong ginagawa niyo dito? Hindi man lang kayo nag-aya.." nakapout nitong sabi.

"si Adrian yung humila sa akin dito.." sabi ko at winisikan siya ng tubig sa kanyang mukha.

dalawa na silang nagturo sa akin lumangoy ngayon. Ang bait nilang dalawa, sa pagkakaalam ko silang dalawa ang malapit na magkaibigan, ang komportable ng pakiramdam ko habang tinuturuan nila ako.

habang sinusubukan kong lumangoy ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking binti at dahil hindi ko makapa ang ilalim ay lumubog ako at nagsimulang mag panic.

mabuti nalang at tinulungan nila agad ako.

"ang sakit ng binti ko.." pinipilit kong igalaw ang kaliwang binti ko ngunit sobrang sakit.

"pinulikat siya Mantha, alalayan natin siya papunta sa hagdan.."

dahan-dahan nila akong dinala sa hagdan. Pinaupo nila ako at sinimulang i-stretch ang aking kaliwang binti. Medyo masakit siya sa unan pero nung nai-stretch na ay nawala na paunti-unti yung sakit.

"ok ka na ba? Pasensya na.." sabi ni Adrian.

"ayos lang ako. Di ko din naman inaasahan na pupulikatin ako.." sabi ko.

"babalik na ako sa kwarto, baka pagalitan na ako ni mama. Ubos naman na yung alak hindi ba?"

ewan ko pero nakita ko ang malalim na paghinga ni Adrian.

"ganun ba? Aalalayan nalang kita papunta sa kwarto niyo.." gaya ng sabi niya. Inalalayan niya akong makatayo.

"tulungan ko ba kayo?" tanong ni Mantha.

"Hindi na Mantha, Tignan mo nalang yung iba dun sa cottage baka nagkalat na sila dun.."

"ay oo nga! Baka sumuka nanaman si George, lasing pa naman na yun.." nagmadali siyang tumakbo pabalik sa cottage at naiwan naman kami ni Adrian na naglalakad pabalik sa kwarto.

habang naglalakad ay paulit-ulit siyang humihingi ng pasensya. lagi ko naman sinasabi na ayos lang at hindi niya kasalanan.

nang makarating kami ay inalalayan niya pa akong buksan ang kwarto.

"so ano na?" tanong nito.

"anong ano na?" natatawa akong binalik ang tanong sa kanya.

"kita kits nalang bukas.." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya, kumaway at nagpaalam.

isinara ko na ang pinto at kumuha ng tuwalya't damit at nagbanlaw sa comfort room.

pagtapus kong magpatuyo ng buhok ay humiga ako at tumitig sa kisame. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Lalo na si Adrian..

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon