Jomel's POV
Simula na ng klase at wala pang professor, late siguro ito darating kaya naglaro muna ako ng aking cellphone. Maya-maya pa ay naramdaman kong may kumalabit sa akin, si Devenance lang pala ito.
"uy Rivera may itatanong ako sayo.." mukhang seryoso ang itatanong niya base sa tono ng pananalita niya. Itinigil ko muna ang paglalaro at inilapag ang cellphone sa aking lamesa.
hinintay ko siyang magsalita, kinakabahan ako dahil parang seryoso talaga ang itatanong niya hanggang sa bumuka na ang bibig nito.
"nagka girlfriend ka na ba?" napakunot ako ng noo. Hindi ko ineexpect na yun pala yung itatanong niya.
"ikaw nagsisimula ka nanamang mang-asar.." bumalik na ako sa aking pwesto at kinuha ang aking cellphone.
"seryoso ako! ano nga?" hindi ako makapaglaro dahil inuuyog niya ako. Humarap akong muli sa kanya upang itigil na niya ang pag-uyog sa akin
"bakit ba?" tanong ko.
"wala lang, kasi lagi tayong magkasama pero hindi ko nakikita na may iba kang kinakausap bukod dun sa mga lalaking kakilala mo sa higher level.." oo nga no, ngayon ko lang din narealize na siya lang at sila Mantha ang kakilala ko dito sa buong school. Well hindi naman kasi ako sikat at iilan lang din ang gustong kumausap sa akin.
"wala akong girlfriend.." medyo awkward talaga sabihin na wala akong naging girlfriend lalo na at senior highschool na ako. Ewan ko, ako lang ata..
"kahit isa?" tumango lang ako at bumalik na sa paglalaro.
"sabagay sa itsura mong yan baka lalaki ang magkagusto sayo.." dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya ng masama.
"dun ka na nga! Nang-aasar ka lang eh.." tinulak ko ang upuan niya palayo upang lubayan ako. Tinawanan lang ako ng mokong at sakto namang pumasok ang professor..
...
tapus na ang klase namin sa umaga at sa wakas break time na. Nag unat-unat ako ng aking katawan pagtayo ko.
"uy paslit tara samahan mo ko sa canteen kain na tayo.." rinig kong sabi ni Devenance. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin.
kung anu-ano nalang tinatawag sa akin ng mokong nito.
"uy dali na paslit nagugutom na ako.." susubukan niya sana akong hawakan ng hampasin ko ang ulo niya.
"may pangalan ako kung anu-ano pang tinatawag mo sa akin.." nakita ko naman siyang nagkakamot ng kanyang ulo.
"grabe ka naman. Napakaliit mong tao pero ang lakas mo mamatok.." pumantig muli ang tenga ko at sinamaan siya ulit ng tingin.
"oh joke lang you, ikaw naman hindi ka mabiro.."
bumaba na kami at pumunta ng canteen. Pagtapus naming bumili ng makakain at umupo ay nagsimula ng magkwento si Devenance sa mga bagay-bagay. Nanatili lang akong kumakain habang nakikinig sa mga kwento niya. Actually natatawa talaga ako sa kanya kasi napakadaldal niya. Tumigil siya saglit at kumain na, mabuti naman at kumalma na siya.
"ay teka lang.. may nakalimutan pala akong sabihin sayo.."
hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.
"may party pala sa amin sa thursday, gusto sana kitang i-invite.."
"kaninong party?"
"sa akin, sa thursday na ang birthday ko at gusto ko nandun ka, gusto ka din makilala ni mommy kasi lagi kitang nababanggit sa kanya.."
medyo nahiya naman ako sa part na nababanggit niya ako sa mommy niya.
"hindi ko alam, pag-iisipan ko.." actually hindi ko din talaga sure dahil may pasok nun..
"cancelled ang class sa thursday kasi holiday so wag mo ng i-excuse na may klase tayo.." binabasa niya ba na sa isip ko?
"oo na sige na pero saglit lang ako ah, bawal ako gabihin.."
"sige, isesend ko nalang sayo yung address ng bahay namin.."
"hindi ko alam number mo.." sagot ko.
natahimik ito saglit...
"s-sige akin na number mo.." ibinigay niya ang kanyang cellphone at tinype ko ang aking cellphone number. Ako na rin nag save ng aking number at pagtapus nun ay napindot ko ang gitnang button ng kanyang cellphone at nag back ito, napatulala ako ng makita ko ang pamilyar na picture sa wallpaper niya. Lalaking nakatalikod... pamilyar ang imahe na iyon..
"akin na, ano bang tinitignan mo dyan?" tanong nito at kinuha na ang kanyang cellphone mula sa aking kamay.
hindi kaya siya si..
A/N: sorry for very short update :/ nakakawalang gana kasi ;/
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
Storie d'amoreWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...