Adrian's POV
"umayos ka nga ng lakad mo." matapus naming uminom ay naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot ng mall kung saan nakaparke ang aking kotse.
nagpapagewang kami dahil sa kasama ko na ngayon ay pinipilit tumayo kahit na pupungay-pungay na kanyang mga mata.
"maayos naman ang lakad ko ah? Nakita mo ba? Hindi pa ako lasing!" nakakatawa ang itsura niya ngayon pero imbis na pagtawanan ko siya eh para bang gusto ko siyang kurutin dahil ang cute ng itsura niya ngayon.
napailing ako dahil sa mga naiisip ko at inalalayan siya.
"lasing ka na, kailangan na nating umuwi..." sabi ko pero mukhang wala ata siyang balak umalis sa pwesto niya kaya pinuwersa ko na siyang pumasan sa aking likuran.
"oy bakit mo ako pinapasan? Hindi pa naman ako lasing ah!" sigaw nito sa tainga ko.
"pag hindi ka tumigil kakareklamo ilalaglag kita." mukhang umepekto naman ang pambabanta ko dahil tumigil na siya sa kakasalita. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng hikbi mula sa kanya.
naiintindihan ko kung bakit kami uminom ng napakarami ngayon pero hindi ineexpect na ganito ang mangyayari at isa pa ngayon ko lang siya nakitang malasing.
"ayos lang yan, magiging maayos din ang lahat..." bulong ko sa kanya.
nang makarating na kami ng parking lot ay agad ko siyang ipinasok sa kotse, tinignan ko ang aking wrist watch. ala-una na ng madaling araw, tinignan ko ang kanyang cellphone ngunit mayroon itong password. Hindi ko alam kung saan siya uuwi dahil hindi ko pa napupuntahan ang bago nilang bahay. Wala naman akong number ng mama niya, sinubukan ko siyang gisingin ngunit hindi talaga siya sumasagot. Sinubukan ko ring tawagan si Mantha dahil alam niya ng bahay ni Jomel ngunit hindi siya sumasagot.
sa condo unit ko nalang muna siguro siya papatulugin.
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ito. Pagdating namin ay binuhat ko nalang siya paakyat dahil hindi talaga siya gumigising. Pagpasok namin sa unit ay agad ko siyang dinala sa aking kwarto. Paglapag ko ay natisod ako kaya pareho kaming bumagsak sa sahig. Magkalapit ang mukha namin at tanaw ko ang maamo niyang mukha. Nakaramdam ako na para bang nag-iinit ako at pinagpapawisan. Tumayo ako sa aking kama at sinampal-sampal ang sarili.
Ano bang iniisip ko!? Ano ba 'tong nararamdaman ko!?
dahil dito ay kinumutan ko nalang siya at napilitan akong matulog sa aking sofa.
Jomel's POV
nagising ako sa isang malambot na kama, nagtaka ako dahil hindi naman ganoon kalambot ang kamang mayroon ako sa bahay. Pinilit kong idilat ang aking mga mata at napansin kong iba ang paligid.
na sa ibang bahay ako?
ang huling ala-ala ko ay naglalakad kami ni Adrian at pagtapus nun ay nakatulog na ako. Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng ulo ko.
kaninong bahay ito?
paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang mga mamahaling gamit at magagarang dekorasyon na nagpapaganda sa living area ng bahay. Nakarinig ako ng tunog galing sa hindi kalayuan. Sinundan ko ang tunog na iyon at nakita ko ang kusina, nakita ko si Adrian, nagluluto ito at wala siyang saplot pang-itaas. Napalunok ako ng makita ko ang napakasexy niyang likod. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa aking direksyon. Nagkunwari akong nakatingin sa ibang parte ng kusina upang hindi niya mahalatang nakatitig ako sa kanya.
"gising ka na pala, dinala kita dito sa condo unit ko kasi hindi ko pa alam ang dati mong bahay..."
"ganun ba, salamat at pinatuloy mo ako dito..." tugon ko.
"maluluto na 'tong almusal natin, tignan mo muna yung cellphone mo kasi kanina pa yun tunog ng tunog, baka hinahanap ka na sa inyo. Na sa sofa yung bag mo..."
naalala ko bigla na hindi nga pala ako nagpaalam kay mama. Sigurado akong nag-aalala na iyon. Nagmadali akong pumunta sa living area at kinuha ang aking cellphone sa aking bag. Nakita ko ang ilang mensahe at missed call mula kay mama. Nasapo ko ang aking noo dahil pinag-alala ko si mama. Nagreply ako sa message niya at sinabing ayos lang ako at nakitulog ako sa aking kaibigan.
"masakit ba ang ulo mo? May gamot dito, bibigyan kita pagtapus nating mag-almusal..." dumating na si Adrian mula sa kusina dala-dala ang dalawang plato na may lamang pagkain.
"ayos lang ako. Ano palang nangyari kagabi?" tanong ko.
"hindi mo naalala?" tanong nito.
inisip ko naman ang nangyari ngunit hindi ko talaga maalala ang nangyari pero bigla akong may naalala, nakahiga kami sa kama niya, magkalapit ang mukha namin..
hindi kaya...
"anong ginawa mo sa akin!?"
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...