Adrian's POV
araw na ng linggo, dapat ay nagpapahinga ako ngayon ngunit hindi ako mapakali. Nagsabi ako kay Rica na magkita kami ngayon ngunit may gagawin daw siyang project kaya hindi siya pwede ngayon. Nag-iwan din ako ng mensahe kay Jomel ngunit hindi ito sumasagot. Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw, tinutulungan niya ako magreview at nagkukwentuhan naman kami pero napansin ko kasi nitong nakalipas ay para bang may dinadala itong problema. Nagtanong rin ako sa iba pa naming kaibigan ngunit wala silang nalalaman. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi siya sumasagot.
haaaaay! bakit ba ako nagsasayang ng oras kakagulong-gulong dito sa kama ko?
tumayo ako at nagbihis. Balak kong maglibang dahil wala naman akong gagawin ngayon at mamaya pang hapon ang punta ko sa kompanya ni daddy. Napunta ako sa mall at naglaro ako sa arcade, inubos ko ang buong hapon doon hanggang sa maggabi na. Naglalakad-lakad ako sa kalsada nang may madaanan akong isang bar. May pamilyar na lalaking nagpupumilit pumasok sa loob nito ngunit hindi siya pinapayagan ng dalawang guard.
"hindi nga pwede bata dito..." sabi nung guard.
"hindi naman ako bata eh..." naiinis na sabi nito. Doon ko lang nalaman na si Jomel pala iyon. Mukha itong batang gustong magwala sa labas ng bar. Nilapitan ko sila dahil mukhang balak na siyang buhatin ng mga guard palayo.
"teka lang kasama ko siya..." inilabas ko ang membership card na galing sa bar nila at ipinakita ito sa guard. Nakita ko naman kung paano magbago ang reaksyon ni Jomel nang makita ako. Kinindatan ko lang ito at muling tumitig sa mga guard.
"ganoon ba, hindi ba siya underage?" tanong ng isang guard. Natawa ako dahil sinumangutan siya ni Jomel.
"hindi, magkaedad lang kami..." sagot ko. Tumango ang dalawang guard bago kami tuluyang papasukin.
dumiretso kami sa bar counter at umupo.
"alam mo bang exclusive bar 'tong pinuntahan mo?" tanong ko.
"may ganoon pala? Akala ko kasi pwede akong pumasok dito anytime kasi ganoon naman sa ibang bar."
tinawag ko ang waitress at um-order ng dalawang vodka.
"bakit namumugto yang mata mo? May problema ba?" tanong ko.
hindi niya ako sinagot at tumingin lang sa paligid.
"kaya siguro gusto mong uminom kasi may problema ka..." hindi niya pa rin ako pinansin at tumitig lang siya sa kawalan.
"sige sasamahan kita, mahirap na at baka may mangyari sayong masama pag nalasing ka..."
"wag mo nga kong itratong parang bata..." inis na sabi nito.
"nag-aalala lang ako sayo..."
dumating na ang order namin, tinungga niya agad ito na para bang umiinom lang siya ng tubig. Nanghingi pa siya ulit ng isa at tinungga niya ulit ito. Sunod-sunod ang inom niya kaya pinigilan ko na ito dahil baka malasing siya agad.
"easy ka lang, hindi naman tatakbo yang alak..." ibinaba na niya ang kanyang baso at nagsimula ng magsalita.
"hiwalay na si mama at papa, dahil yun sa lola ko. Ayaw niya kay mama kaya pinaghiwalay niya ito. Nung una ay ok pa kami pero nagulat ako dahil mas pinili pa rin ni papa na sumunod kay lola kaysa ipaglaban si mama..."
ramdam ko ang lungkot sa bawat salita niya. Ito siguro ang kinikimkim niya nitong mga nakaraang araw.
"pero kahit na naghiwalay sila, mahal pa rin siya ni mama. Umaasa pa rin si mama kahit na alam namin pareho na hindi na pwede..."
nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan.
"mahirap pala pag hindi buo ang pamilya mo. Hindi ko alam kung nakakatulong pa ba ako o hindi dahil pakiramdam ko nahihirapan na si mama..."
ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Kung titignan mo kasi ay matapang siya, matalino pero sa kabila pala nun ay mayroon siyang tinatagong hirap.
"hindi ako galit kay papa pero ayaw ko na siyang makita ulit dahil nasasaktan si mama sa tuwing naaalala niya si papa..."
niyapos ko ang kanyang mga buhok at idinikit ang kanyang ulo sa aking dibdib.
"sige iiyak mo lang yan, ilabas mo lang lahat..."
ilang minuto kaming nanatili sa ganung posisyon, umiiyak siya habang hinihimas ko ang kanyang likod upang pakalmahin siya.
maya-maya ay naramdaman kong humupa na ang kanyang pag-iyak. Umayos na siya ng upo at tumungga ulit ng alak.
"pasensya na, nakita mo tuloy akong ganito..."
"ok lang yun, kailangan mo ng karamay ngayon kaya dapat kitang samahan..."
"salamat kasi nagkaroon ako ng kaibigan na gaya mo..."
napahinto ako saglit ng banggitin niya ang salitang 'kaibigan'. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nakaramdam ako ng kakaiba..
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...