22

1.6K 54 0
                                    

Jomel's POV

narito kami ngayon sa harapan ng isang mamahaling restaurant habang hinihintay ang kanyang girlfriend. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit gusto akong makilala ng girlfriend ni Adrian. 

nung unang malaman kong may girlfriend si Adrian ay nagulat ako dahil hindi ko naman siya nakita sa birthday party niya pero sinabi ni Adrian na busy yung girlfriend niya nung araw na iyon kaya hindi naka attend.

"uy babe nandyan na pala kayo..." tinitigan ko siya upang makilala ko ang kanyang mukha.

Maganda ito at mukhang mabait, nakangiti akong binati nito. Nginitian ko siya pabalik.

"hello ako nga pala si Jomel, kaklase ako ni Adrian..." pagpapakilala ko.

"yeah I know I heard a lot about you..." nagulat ako sa sinabi niya dahil paano niya ako nakilala,

"don't get me wrong, nakukwento ka kasi ni Adrian sa akin..." depensa nito.

"I'm Rica, nice meeting you..." nakipagkamay ito sa akin pagtapus nun.

umupo na siya at sa puntong iyon eh nararamdam ko na ang pagiging thirdwheel ko dahil nagisisimula na silang magkwentuhan. Hinayaan ko nalang dahil malapit na rin namang dumating ang pagkain eh yun lang naman ang pinunta ko dito, upang makalibre ng pagkain.

...

"kamusta naman si Adrian sa school? May kinakausap ba siyang ibang lalaki?" napahinto ako sa pagkain ng kausapin ako ni Rica.

"wala naman..." umiling-iling pa ako upang makumbinse siya. Wala naman kasi talaga dahil lagi siyang nakabuntot sa akin, sa kahit saang parte ng eskwelahan eh magkasama kami.

"kasi nitong mga nakaraang araw parang wala siya sa sarili, tuwing nagdedate kami ay lagi siyang lutang at hindi nakikinig..."

napatingin ako kay Adrian dahil wala naman akong alam na pinagkakaabalahan niya bukod sa pumupunta siya sa company ng daddy niya pag-uwi upang magtrabaho.

"ahhh baka busy siya dahil sa kompanya ng papa niya, hindi ba pumupunta siya dun tuwing uwian upang magtrabaho?"  yun nalang ang aking ginawang excuse dahil naisip kong baka mag-away sila kung wala akong sasabihin.

"ay oo nga, siguro nga..." tinignan niya muna si Adrian bago muling kumain.

"anong akala mo sa akin babaero? Masyado ka kasing nagooverthink eh..." sabi ni Adrian ngunit hindi ito pinansin ni Rica at muli akong kinausap

"balita ko scholar ka daw sa CMU, napakatalino mo siguro..." puri nito sa akin

"hindi naman..." 

"ano ka ba, sobrang talino talaga. Siya at ako lang nakakaperfect sa klase namin tuwing quiz..." sabi ni Adrian. Hinampas naman siya ni Rica.

"malamang nakakaperfect ka kasi nangongopya ka sa kanya..." natawa naman ako sa sinabi ni RIca dahil tama ang sinabi niya, madalas ngang mangopya si Adrian sa akin pero ok lang yun dahil magkaibigan naman kami.

"wala ka bang tiwala sa talino ko? Ako ang magiging pinakabatang businessman pag pinasa na sa akin ni papa ang kompanya..." sabi nito. Tumawa lang si Rica at kumain ng muli.

...

"uhm babe gusto ko sanang mag out of town tayong dalawa..." nag open si Rica muli ng topic at ngayon naman ay si Adrian na ang kausap niya. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

"pero babe may out of town din kami ng mga kaibigan ko this holiday..."

"minsan lang naman tayo mag out of town eh..." 

"eh kaso nagpromise na ako sa kanila na sasama ako...."

"edi sumama ka sa kanila! Ano ba ako sayo!?" nagulat ako ng padabog itong tumayo at sinabi iyon ngunit hindi ako nangialam sa kanila at pinapanood lang silang dalawa.

"bakit ba nagagalit ka!?" si Adrian na ngayon ang nagtaas ng boses.

"sabihin mo lang kung ayaw mo akong kasama!" tinumba nito ang upuan at umalis na. Nakita ko naman si Adrian na napahimas ng noo. Umupo ito at kakain sana ulit ng pigilan ko ito.

"anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at mukhang clueless talaga siya.

"wala ka man lang bang gagawin kay Rica?" tanong ko.

"ganyan naman kami palagi, nakakasawa na kasi paulit-ulit nalang..." mukha ngang wala talaga siyang balak pero kahit na...

"sundan mo yun, baka mapano yun sa daan..." sagot ko habang tinatapik-tapik siya.

tumayo siya at tinitigan ako sa aking mga mata.

"gagawin ko ba?" napatigil ako saglit dahil nabigla ako sa pagtitig niya.

"o-oo naman, dalian mo na baka makalayo yun..."

nagsimula na siyang tumakbo at iniwan ako mag-isa sa table.

well mukhang ako nalang ata kakain ng masasarap na mga pagkain na ito...

....

Adrian's POV

kahit na ayaw ko talaga siyang sundan eh ginawa ko pa rin, yun kasi ang tama sabi ni Jomel. Ewan ko ba kung bakit sumunod ako sa mokong na yun.

nang makita ko si Rica ay agad ko itong hinabol at niyakap.

"pasensya na, hindi ko kasi maiwasang mag-isip..." sa ilang taong pagsasama namin, kilalang kilala ko na ang ugali nitong si Rica. Magagalit siya tapus maya-maya ay magsosorry din. Lagi talaga kaming ganito tuwing nag-aaway kaya minsan pinipili ko nalang na wag siyang sundan tuwing aalis dahil alam ko namang saglit lang ang galit na iyon.

"hayaan mo na yun, sumama ka nalang sa out of town namin this coming holiday..." 

"sige, ok lang kahit may iba tayong kasama basta kasama kita..."

niyapos ko ang kanyang buhok upang pakalmahin. Maya-maya pa ay bumitaw na ito sa pagkakayakap at pinunasan ang kanyang luha.

"bumalik na tayo, naiwan natin si Jomel sa restaurant. Nakakahiya dahil nakita niya tayong nag-aaway..."

"ngayon mo narealize ang ginawa mo? Masyado ka kasing nagpapadala sa emosyon mo..." 

"pasensya na ulit..." hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad pabalik ng restaurant.

To e Continued...


My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon