39

1.4K 42 0
                                    

Adrian's POV

"napasa mo na ba yung soft copy kay Mrs. Gonzales?" tanong ko sa aking groupmate. Narito kami ngayon sa canteen upang pag-usapan ang tungkol sa final project na ipinapagawa sa amin. It's been a year and a half. Maraming nangyari, grumaduate na yung iba kong kaibigan and now they are in their first year as college students, they take business management gaya ng napag-usapan namin. Hindi ako masyadong nakakasama sa mga hang outs nila kasi graduating na ako ng senior level but they keep me in touch with them and minsan dinadalaw nila ako sa room. Nalaman ko rin na nagkabati na pala sina Mantha at George, hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi pero atleast nabuo na kami ulit kahit na hindi kami masyadong nagkakasama.

hindi pa rin kami magkaayos ni Rica, palagi niya akong kinakamusta at pinupuntahan, pilit ko siyang tinatanggihan dahil ayaw ko na sa kanya at wala na kami ngunit ayaw niyang tumigil kaya hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya.

lagi pa rin kaming may komunikasyon kay Jomel sa amerika, limang araw sa isang linggo siyang tumatawag sa mama niya na lagi rin naming binibisita ng mga kaibigan ko upang kamustahin at pasayahin pero gaya nga ng sabi ko ay hindi kami magkakasama palagi kaya minsan ay sila lang o ako lang ang bumibisita. Sa pagkakaalam ko ay maayos lang silang dalawa ni Mantha pero hindi ko alam kung may lebel na ba ang relasyon nila dahil wala namang nababanggit si Jomel sa akin tuwing magkausap kami sa telepono.

matapus ang aming meeting ay agad akong dumiretso sa bahay upang magpahinga. Hindi na rin pala ako pinagtrabaho ni papa dahil alam niyang busy ako sa school kaya kumuha na siya ng bagong chief development.

dahil wala akong magawa ay naisip kong tawagan si Mantha upang mag-inom ngunit hindi siya sumasagot. 

Alam kong wala na kong pag-asa kay Jomel dahil alam kong si Mantha ang gusto niya pero naghihintay pa din ako . Pinilit ko namang magmove on at hindi siya kausapin ng ilang buwan ngunit lalo ko lang siyang na-miss kaya pinili ko nalang na mag stay sa ganito dahil gusto ko siyang alagaan  kahit bilang kaibigan lang...

Mantha's POV

"we are going to hang out til midnight so I won't be calling you in the evening ok?" nakangiti kong sabi kay Jomel na ngayo'y na sa kabilang linya.

"ok enjoy kayo..." ibababa ko na sana ang tawag ngunit may sinabi pa siyang hindi ko naintindihan pero nung itanong ko ulit sa kanya kung anong sinabi niya ay wala lang ang sinabi niya.

ibinaba ko na ang tawag at humarap kay George.

"hindi ka pa rin ba niya sinasagot?" tanong nito.

umiling lang ako bago uminom ng alak.

"baka naman sinagot ka na hindi mo lang napapansin..." sabi ni Kyle.

"wala naman siyang sinasabi sa akin..." 

"bakit hindi mo itanong sa kanya?" tanong muli ni George.

"wag na natin pag-usapan yun..."

halos dalawang taon na rin kaming nag-uusap, lagi kaming nagkakamustahan at lagi rin naming inuupdate ang isa't isa kung saan kami pupunta o anong gagawin namin ngunit ang problema ay hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung kami na ba o hindi.

pasado alas-dose na ang matapos kaming mag-inom, dahil wala ako sa mood at mukhang kulang pa ang aking nainom ay inaya ko si sila na mag-inom sa bahay ngunit tumanggi si Kyle dahil may klase siya bukas kaya si George lang sumama sa akin.

pagdating namin sa bahay ay nagdala kami ng alak sa aking kwarto at doon kami nag-inom.

"ayaw ka pa rin bang kausapin ng tunay mong magulang?" 

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon