Mantha's POV
last day na namin ngayon sa resort, dalawang araw kaming naglibot sa Zambales at ngayong araw ay napagdesisyunan naming mag island hopping.
"ito lang ang dala mo?" tanong ko kay Jomel na ngayon ay naghahanda ng gamit para sa gagawin namin ngayong araw. Nakita ko kasing isnusuksok niya ang isang damit. Tumango lang ito bago pumunta ng banyo.
mukhang ngayon lang talaga siya nagbakasyon sa malayong lugar.
kinuha ko ang isang damit at short at isinuksok ito sa kanyang bag.
Pagtapus niyang maghanda ay pumunta na kami sa pampang. Kami nalang pala ang hinihintay nila dahil nakita ko ang naiinis na ekspresyon ni Kyle.
"ano bang ginawa niyong dalawa at ang tagal niyo?" nagulat ako ng masamid si Jomel. Natawa ako dahil alam ko ang na sa isip niya.
umalis na kami gamit ang bangka. Una naming pinuntahan ang Anawangin island, marami kaming nakitang mga tao at mukhang sikat itong isla.
Nilabas ko ang aking camera at nagsimulang kumuha ng litrato ng mapansin ko ang masayang si Jomel. Nakita ko siyang nagtatalon na parang bata. Sinimulan kong kumuha ng kanyang litrato at dahil dito ay hindi ko maiwasang ngumiti pero napahinto ako ng makita ko si George na nakatingin sa akin. Umalis din ito agad ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
Ano nanaman bang nangyayari sa kanya?
...
Jomel's POV
"may pupuntahan pa tayong ibang isla?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kanila.
"oo kakain tayo dun sa susunod nating pupuntahan..." sagot ni Mantha.
napansin ko ang hawak niyang camera na nakatutok sa akin, tinignan ko siya ng masama.
"wag mo nga kong kunan ng picture!" sinabi ko iyon dahil nahihiya ako sa aking itsura. Tinawanan niya lang ako at tinuloy ang pagkuha ng litrato sa tanawin.
nang makarating kami sa isla ay kumain muna kami dahil malapit nang magtanghali. Nakakapagod din pala ang ganito pero nag-eenjoy ako at narerelax sa tanawin. Unang beses ko palang na mapunta sa ganito kagandang lugar.
pagtapus namin kumain ay napagdesisyunan nilang maglaro habang ako naman ay nanatili lang sa ilalim ng puno habang pinapanood sila.
maya-maya pa ay nakita ko si Adrian na naglalakad palapit sa akin. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang na nakatingin sa mga naglalaro.
"pasensya na pala sa inasal ko nung nakaraang araw..." sa tatlong araw naming pagsasama ay ngayon niya lang ako ulit pinansin. Napansin ko kasing parang iniiwasan niya ako kaya hinayaan ko lang siya dahil ayaw ko rin naman alamin ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon.
"ayos lang yun..." maikling sagot ko.
"hindi ka galit?" tanong niya. Ngumisi ako at tumingin sa kanya.
"bakit naman ako magagalit?"
hindi siya sumagot. Maya-maya pa ay naalala ko bigla yung tungkol sa kompanya nila.
"may itatanong sana ako..." sana may bakante sa kompanya ng daddy niya...
"may bakante ba sa kompanya ng papa mo?" nabigla ito sa tanong ko. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya ata ineexpect na iyon ang itatanong ko.
"m-meron naman, gusto mo bang magpart time?" lumingon ako sa kanya at tumango.
"sure ka na dyan?" tanong pa niya pero tinanguan ko lang ulit siya. Huminga siya ng malalim bago muling magsalita.
"pwede nating kausapin si daddy, ipapakilala kita sa kanya..." sabi nito.
"oy pre! maglaro ka na dito!" tawag ni Kyle sa kanya. Nagpaalam ito sa akin bago umalis.
...
kinabukasan ay umuwi na kami. Pagdating namin kila Kyle ay hinatid ako ni Mantha pauwi.
"gusto mo ba munang kumain?" tanong ko paghinto ng kanyang sasakyan sa harap ng bahay.
"hindi na, sa bahay nalang siguro ako kakain..." tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Pababa na sana ako ng kanyang sasakyan ng magsalita siyang muli.
"may gusto sana akong sabihin sayo..." lumingon ako sa kanya at hinintay siyang muli magsalita.
"pero wag nalang, saka ko na sasabihin..." sabi nito. Tumango lang ako ulit bago tuluyang bumaba ng kanyang kotse.
pag-alis niya ay pumasok na ako sa bahay. Nakita ko si mama sa sala habang nanunuod ng telebisyon.
"kamusta? nag-enjoy ka ba?" tanong nito. Ngumiti ako at yumakap sa kanya.
"kamusta ka dito ma?" tinignan ko ang mukha niya at napansin ko ang maputla nitong labi.
"ayos naman ako. Pumunta ka na ng kwarto, sigurado akong pagod ka..."
kahit na nag-aalangan akong pumunta ng kwarto ay sinunod ko siya. Nagpaalam ako sa kanya at pumunta ng aking kwarto. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng malakas na kalabog sa sala. Nagmadali akong pumunta sa sahig ay nakita ko si mama na nakahandusay.
"Ma!" nilapitan ko ito at tinapik-tapik ang kanyang mukha. Tinignan ko ang pulso niya, nang maramdaman ko ang pagtibok sa pulso niya ay agad akong tumawag sa ambulansya.
napuno ng takot at pangamba ang aking puso. Hindi ko napigilang humagulgol habang pilit kong ginigising si mama.
kasalanan ko 'to! Hindi ko dapat pinabayaan si mama na maiwan mag-isa!
"gumising ka ma, gumising ka ma!"
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...