23

1.5K 58 2
                                    

Adrian's POV

kinalabit ko si Jomel na ngayon ay busy sa pakikinig sa professor, tinignan lang ako nito at hindi nagsalita.

"ano nga palang balak mo sa holiday?" tanong ko. Balak kasi naming isama siya sa out of town naming magkakaibigan since kasali na siya sa grupo namin. Napag-usapan na rin namin 'to ng iba ko pang kaibigan at ako ang naisip nilang kumausap sa kanya dahil magkaklase kami.

"sa bahay lang magbabasa ng mga libro..." 

hindi ba siya napapagod kakabasa ng mga libro? Hindi ba siya naboboring-an sa buhay niya?

"talaga? Wala ka bang balak na--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"wag ka ngang maingay, hindi ko naiintindihan yung ineexplain ng professor..." sabi nito. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking bibig.

"gusto ko lang naman na--" hindi ko nanaman natuloy ang aking sasabihin ng makarinig ako ng kalabog sa pisara, nakita ko ang professor na nakatingin sa akin ng masama.

"Mr. Devenance would you please answer this question?" napatingin ako sa itinuturo niya. Shit! hindi ako nakinig sa discussion!

dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa pisara at hinawakan ang pentelpen.

tinignan ko si Jomel na ngayon ay tuwang-tuwa sa nangyayari dahil alam niyang hindi ako nakikinig sa itinuturo ng professor. Sinenyasan ko siya na tulungan ako pero umiling lang ito ang ngumiti ng nakakaloko.

yari ako nito! Bakit ba kasi hindi ako nakikinig.

muli akong humarap kay Jomel na ngayon ay may hawak ng notebook. May nakasulat dito, ito siguro yung sagot. Ginaya ko lang ang nakasulat sa hawak niyang notebook at pagtapus nun ay tumingin ako sa professor.

"you may sit down..." sabi nito. 

ngiting tagumpay naman ako at pag-upo ko eh nakipag apir ako kay Jomel.

"salamat..." 

"hindi na kita tutulungan sa susunod kaya tumahimik ka na..."

...

"bakit mo ba siya pinapakialaman? Wala naman siyang ginagawang masama hindi ba?" napahinto kami sa paglakad ni Jomel nang marinig ko ang boses ni Mantha sa loob ng comfort room.at 

tinignan ko kung sino ang kausap niya at nalaman kong si George ito. Umiling na lang ako dahil sa nakita ko. Nag-aaway nanaman sila..

"sino yun?" tanong ni Jomel.

"wala yun, hindi ko kilala.." tatanungin ko nalang si Mantha mamaya kung anong nangyari.

nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makapunta na kami ng canteen. Kumaway sa amin sina Kyle. Lumapit kami sa kanila.

"bumili na ako ng pagkain nyo. Umupo na kayo parating na sina Mantha at George..." sabi ni Kyle.

umupo nalang ako at umaktong parang walang nakita dahil alam kong hindi rin nila alam ang nangyayari sa dalawang iyon.

maya-maya pa ay dumating na rin ang dalawa. Mukhang mainit ang ulo ni Mantha base sa reaksyon ng mukha nito, si George naman ay mukhang wala sa mood lalo na ng makita niya si Jomel. Bakit ganun siya makatingin kay Jomel? Galit ba siya kay Jomel?

"nasabihan mo na si Mel?" bulong ni Mantha.

"hindi pa..." sagot ko.

"uy Mel, mag a-out of town kami this holiday, sama ka ah?" nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mantha ng kausapin niya si Jomel.

yung kaninang galit niyang reaksyon ay napalitan ng ngiti. May gusto siguro talaga siya kay Jomel...

"hindi ko alam eh, wala akong pera at isa pa kailangan kong tulungan si mama sa bahay..." sagot nito.

"ganun ba? Wala namang problema sa pera dahil may sasakyan naman at sagot ni Kyle ang resort na pupuntahan natin..." sabi ni Brent.

"ita try ko munang magpaalam kay mama..." sabi nito.

"gusto mo ipagpaalam kita sa mama mo?" suggestion ko.

"ay hindi na! Ako nalang..." 

natawa ako ng makita kong namula ang mukha niya. Ang cute niya kasing tignan.

nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Pagtapus namin kumain ay nagsiakyatan na kami.

nakalimutan kong malapit na pala ang exam namin para mid term. Napagdesisyunan kasi ng school na mag exam na kami ng maaga bago mag holiday.

"paano ka magrereview para sa exam?" tanong ko.

"sa bahay nalang ako magrereview..." 

"pwede bang tulungan mo ako mag review?" 

tinignan lang ako nito at ngumisi.

"seryoso ka?" tanong nito. Tumango lang ako at umakbay sa kanya

"ano ba yan mainit na nga dumidikit ka pa sa akin..." tinanggal niya ang brasong nakapulupot sa balikat niya.

"sabihin mo lang kung kinikilig ka pwede naman kitang akbayan palagi" pang-aasar ko sa kanya.

"anong kinikilig? Gusto mo masaktan?" tinawanan ko lang ang pambabanta niya.

"so tutulungan mo ako magreview?" tanong ko ulit. Nag isip-isip ito saglit bago sumagot.

"depende..."

"anong depende?" naisip ko na ang naiisip niya at sigurado akong pagkain nanaman iyon.

"depende sa ibibigay mong kapalit..." sabi nito. Ngumiti ako dahil alam ko na ang kahinaan niya.

"may bagong bukas na restaurant sa mall na pinuntahan natin nung nakaraan..." napatingin siya sa sinabi ko.

"sabi nila masarap daw ang pagkain doon at maraming dumadayo para lang kumain doon.." 

nakita ko ang pagbabago ng mga mata niya na para bang inaakit ako nito. 

"talaga?" gusto kong matawa sa kanya dahil nag-iiba ang mood niya tuwing pagkain ang pinag-uusapan.

"puntahan natin mamayang uwian?"

lalong nagningning ang mga mata nito.

at dito ko siya napapayag na tulungan ako mag review.

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon