Jomel's POV
halos magkanda dapa-dapa na ako kakaakyat ng hagdan dahil sa pagmamadali. Ngayon ko lang din napansin na wala ng tao sa corridors at tanging ako nalang ang nagtatatakbo dito.
pagbukas ko ng pinto ay nanlumo ako ng makita ko ang professor na nahinto sa pagdidiscuss, lahat ng aking kaklase ay napatingin sa aking biglaang pagdating.
"you are late mr. Rivera.. and also mr. Devenance.." napatingin ako sa aking likod at nakita ko ang walang iba kung hindi ang mokong, hingal na hingal rin ito at kagaya ko mukhang tumakbo rin ito upang hindi mahuli sa klase but unfortunate.. late pa rin kami..
"you can wait outside until my class ended, bagsak kayo sa quiz ngayong araw."
humakbang kami papalabas ng kwarto at sinarhan kami ng pinto ng professor.
napawalling kaming dalawa sa pader ng classroom hanggang sa mapaupo kami.
"bakit ka late?" tanong nito. Hindi ko ito sinagot at inisnob lang siya.
"galit ka pa rin ba?" tanong nito ulit. Hindi pa rin ako sumagot dahil napagod ako kakatakbo.
"ang sungit mo naman.."
tinignan ko siya dahil naalala ko nanaman ang nasabi ko sa kanya. Bumalik ang konsensya ko at ito na ang pagkakataon upang humingi ng tawad sa mga nasabi ko.
"pasensya na sa mga sinabi ko kanina.."
nagulat ito sa sinabi ko at humarap sa akin.
"hindi ko sinasadya ang sinabi ko kanina. Hindi naman ako galit, nabigla lang ako dahil kinulit mo ako kahit na hindi naman tayo magkakilala.."
tumingin ako sa kawalan at patuloy na nagsalita.
"sa totoo lang hindi naman talaga ako galit sayo, nainis lang ako sa ginawa mo pero hayaan mo na yun.. pasensya na kung nasaktan man kita dahil sa sinabi ko.."
ilang segundong tumahimik ang paligid hanggang sa magsalita siya.
"actually gusto ko lang naman talaga makipagkaibigan sa iyo.. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ganun ako kumilos pag nakikita ka.."
humarap ako sa kanya at ngumiti.
"pwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mong makipagkaibigan, papansinin naman kita.."
nag-isip ito saglit hanggang sa excited itong humarap sa akin.
"ganito nalang, magpapakilala ako then magpapakilala ka rin. Ok lang ba iyon sayo?"
tumango lang ako suhestiyon niya at humarap din sa kanya.
"sige sisimulan ko na.. My name is Ad.. AJ Devenance. 19 years old, actually repeater ako dahil bumagsak ako nung nakaraang taon. Mahilig ako sa mga adventurous na bagay.. ikaw naman.."
natawa ako dahil para siyang bata habang ginagawa yun pero nagulat ako nung malaman kong repeater siya.
"Ako naman si Jomel Rivera. 17 years old, Mahilig ako sa mga cute things, at isa akong scholar dito sa CMU.."
napahinto siya saglit matapus kong magpakilala. Parang may naalala siya bigla dahil nagbago ang ekspresyon niya.
maya-maya pa ay ngumiti ito at in-offer ang kanyang kamay.
"so friends na tayo?" nakipagkamay ako sa kanya.
"friends."
at pagtapus nun ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga buhay namin. Nakwento ko sa kanya kung paano ako nakapasok sa scholarship dahil ang sabi niya mahirap daw makapasok sa scholarship ng CMU. Napagkwentuhan din namin ang mga travel story niya dahil mahilig siyang pumunta sa kung saan-saang lugar.
iyon lang ang ginawa namin habang hindi pa tapus ang klase. Hanggang sa matapus na ito at kinausap kami ng professor. Tulad ng sabi niya nung una ay bagsak kami sa quiz ngayon at sinabi niya rin na huwag na kaming malelate ulit. Mabuti na lamang ay may concern pa rin ang professor sa amin kahit papaano.
pumasok na kami sa loob upang tapusin ang iba pa naming klase.
...
nag-aayos na ako ng aking gamit ng tumawag si Mantha sa akin.
"uy Mel, pauwi ka na ba?"
"oo, palabas na ako ng classroom.."
"sunduin ka namin dyan. Pupunta kami sa bahay nyo.."
"hah!? Anong pupunta?Hoy!"ibinaba na niya ang tawag. Gusto ko sanang pigilan ang balak nilang pagpunta sa bahay dahil hindi maganda ang bahay namin. Hindi ito kalakihan at dahil alam kong mayayaman sila ay nahihiya akong ipakita ito sa kanila.
"uy sabay ka na sa akin, uuwi na ako.." sabi ni AJ..
"ay susunduin ako ng mga kaibigan ko dito eh. Papunta na sila.."
mukhang nagulat ito at nagmadaling magpaalam sa akin.
"sige na, una na ako. see you bukas!"
nagtaka ako sa inasal ni AJ. Bakit nagmamadali siya?
maya-maya pa ay dumating na sila Mantha. Para silang boy group na sobrang sikat sa campus, pinagtitinginan sila sa labas ng mga kababaihan. Naglalakad sila at parang hinahanap nila ang classroom ko. Ng makita nila ako aya agad nila akong nilapitan.
"dito ang classroom mo?" tanong ni Kyle.
"hindi ba dito yung classroom ni Adrian?" tanong ni Mantha. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
Dito ang classroom ni Adrian? Eh wala naman akong kaklase na ang pangalan ay Adrian.
"hindi! sira ka talaga Mantha. Hindi dito yung classroom niya.." nag-iba ang asal ni Kyle at pinagpawisan ito. Ganun din sina TJ at Brent.
"tara na nga.." sabi ni TJ at naglakad na kami palabas.
"gaya nga ng napagdesisyunan namin, pupunta kami sa bahay nyo ngayon upang makitambay, ayos lang ba iyon sayo Mel?" tanong ni Kyle.
hindi ko alam ang aking isasagot, ayaw kong maging rude sa kanila pero ayaw ko rin namang makita nila ang bahay namin na hindi naman ganoon kaganda.
"ayos lang pero kasi hindi malaki yung bahay namin.." sabi ko.
"ano ka ba! Ayos lang yan as long as may banyo kayo.." sabi ni TJ at nagtawanan sila.
"kanina pa kasi natatae yan si TJ, ayaw naman niya tumae dito sa school." nagtawanan kami sa sinabi ni George. Nagkantyawan pa sila habang naglalakad kami hanggang sa humarap si Brent sa akin.
"nagkita na ba kayo ni Adrian?" tanong nito. Tumahimik sila bigla at tumingin sa akin. Namula tuloy ako sa hiya dahil para akong ineinterrogate.
"hindi pa eh.."
"ganun ba, hayaan mo na makikita mo rin siya.." sabi nito.
medyo nahiwagaan ako sa sinabi ni Brent at parang may alam siya kung na saan si Adrian.
yung lalaking yun. Bakit ba ayaw niyang magpakita?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...