19

1.7K 56 0
                                    

Jomel's POV

sumusulyap-sulyap ako sa kanya habang siya naman ay busy sa pagkain. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa pamilya namin ngunit may pumipigil sa akin, dahil siguro nakikita ko siyang nag-aalala. Normal lang naman na mag-alala ang isang kaibigan hindi ba? 

ngunit tuwing titignan ko siya hindi ko masabi ang nangyari, iniisip ko kasi na baka lalo lang siyang mag-alala at ayaw ko namang mangyari iyon dahil ayaw ko silang madamay.

"Mel, kung may bumabagabag sayo pwede ka magsabi sa akin..." sa pagkakataong iyon ay nakita niya akong nakatingin sa kanya. 

bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Alam kong mabait silang lahat sa akin ngunit sa kanilang lahat eh parang si Adrian ang higit na nakakaintindi sa akin at ayaw kong masira iyon...

"salamat..."

...

nauna na akong umuwi dahil ang sabi ni Adrian eh magkikita daw sila ng girlfriend niya. Gusto niya nga sana akong isama dahil gusto daw akong makilala ng girlfriend niya ngunit hindi ako pumayag dahil ayaw kong maging istorbo sa kanila.

Palabas na ako ng campus ng marinig ko ang boses ni Adrian sa aking likod 

"bansot punta tayo ng mall, hindi kami natuloy ng girlfriend ko..." tumatakbo siya papalapit sa akin habang sinasabi iyon.

"Mel!" napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa malayo. Si Mantha ito, kumaway siya at lumapit sa akin.

"magpapasama sana ako sayo sa mall..."

napatingin naman ako kay Adrian na ngayo'y nakatingin kay Mantha.

"may pupuntahan kami ni Mel ngayon eh..." sagot niya kay Mantha.

"ganun ba, saan ba kayo pupunta?" tanong nito.

"sa mall daw sabi niya..." ewan ko pero nakaramdam ako ng awkwardness dahil pareho silang nag-aya mag mall.

"talaga? tara sama ako..." sabi nito.

"kayo nalang kayang dalawa pumunta? Tutal pareho naman kayo ng pupuntahan..." suggest ko sa kanila na agad namang hindi tinanggap ni Adrian.

"sumama ka na Mel, sayo ako nagpapasama eh..." kahit kailan talaga napakabossy nitong si Adrian, akala niya siguro lahat ng bagay kaya niyang gawin, pero naisip ko na wala naman akong gagawin pag-uwi dahil wala namang assignment kaya pwede siguro akong sumama, isa pa alam ko namang kakain nanaman kami sa mamahaling restaurant. Syempre sayang din yun hahaha.

"kaya nga Mel tara na sumama ka na..."

...

"bakit  ba tayo narito arcade? Akala ko ba magpapasama lang kayo?" magkaibigan nga ata sila dahil pareho nilang napagdesisyunan na pumunta ng arcade. Actually hindi naman ako mahilig maglaro ng mga ganito dahil hindi naman ako sporty na tao pero itong dalawa eh mukhang hindi pa nakakaalis sa pagkabata at gusto pa ring maglaro ng mga ganito.

"wag ka na umangal, tara laro tayo marami akong token dito..." sabi nito. Winagayway ko ang aking kamay dahil ayaw ko talagang maglaro kaya ang ending eh silang dalawa lang ang naglaro at ako naman ay nanunuod lang.

Noong una eh para lang silang magkaibigan na naglalaro hanggang sa nakikita kong nagkakainitan sa sila dahil palaging panalo si Mantha. 

ewan ko pero parang nag-uusap sila ng mata sa mata at hindi ko alam kung para saan ang bagay na iyon.

"isa pa! makakabawi rin ako sayo." nagtaka ako sa tono ng boses ni Adrian dahil mukhang seryoso na siya. Mukhang kailangan ko na silang awatin dahil maggagabi na rin.

"a-ahh guys, tama na yan..." sabi ko sa kanilang dalawa.

"teka lang Mel, hindi pa ako nakakabawi kay Mantha eh..." para siyang bata sa asal niya. Mukhang hindi ata siya magpapaawat kahit na tinatawanan na siya ni Mantha

"osige pupunta lang ako ng bookstore, may titignan lang ako saglit..." paalis na ako ng sumunod bigla yung dalawa sa akin.

"oh akala ko maglalaro pa kayo?" 

"ahh hindi na, hayaan mo na yan si Adrian ganyan lang talaga yan..." sagot ni Mantha.

"may gusto rin akong tignan sa bookstore..." napatingin kaming dalawa ni Mantha kay Adrian dahil sa sinabi niya.

"nakakagulat yung sinabi mo ah..." natatawang sabi ni Mantha. Akala ko ako lang ang nakakapansin pero mukhang alam ata nilang lahat na hindi mahilig sa libro si Adrian kaya pareho kaming napatingin ng sabihin niya iyon.

...

Ewan ko pero nakakaramdam na ako ng kakaiba sa dalawang 'to simula pa ng pumasok kami sa mall, para bang nagkokompetensya silang dalawa?

"eto Mel oh maganda 'tong librong 'to bagong release..." ngayon naman eh kung anu-anong ipinapakita nilang libro. Nawawalan na tuloy ako ng gana magbasa basa dahil sa ingay ng dalawang 'to.

"ayaw ko na nagugutom na ko..." bulong ko sa sarili ko ngunit narinig pala ng dalawang iyon.

"nagugutom ka na? Saan mo gustong kumain?" tanong ni Mantha.

"wag na tayong magmamahaling restaurant kasi kaunti lang 'tong dala kong pera..." litanya ko.

"ano ka ba, lilibre naman kita eh. tara na..." sabi ni Adrian sabay hila sa akin pero hinila ko pabalik ang aking kamay at tumanggi.

"wag na sa fast food restaurant nalang tayo..." nagkatinginan silang dalawa matapus kong sabihin iyon.

"osige..." sagot nilang dalawa.

To Be Continued...


My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon