Adrian's POV
kasalukuyan akong nakaupo ngayon, kararating lang ng in-order kong pagkain ngunit hindi ko muna iyon ginalaw dahil hinihintay ko ang aking girlfriend na si Rica. Hindi ko nga alam kung bakit siya nakipagkita ngayon, hindi tuloy ako nakapasok sa eskwelahan. Mabuti na rin ito upang magkaayos at magkaintindihan kami.
Nitong mga nakaraang araw ay naguguluhan ang isip ko. Hindi naman ako ganito nung hindi ko pa 'sya' nakikilala at ito ang pinag-awayan namin ni Rica. Napagtaasan ko siya ng boses nung araw na iyon at iyon ang unang beses dahil hindi naman mainitin ang ulo ko. Bigla-biglang pumapasok sa isip ko si Jomel na para bang naka droga ako at dahil dito ay nawawala ako lagi sa ulirat tuwing kausap ko si Rica.
"hey babe..." dahil nakatulala nanaman ako ay hindi ko napansin ang pagdating niya. Ngumiti ako sa kanya at siya naman ay umupo na. Nakokonsensya ako sa tuwing naiisip ko ang nagawa ko sa kanya. Sigurado akong nagulat siya nung araw na iyon.
"babe, kamusta ka?" tanong ko sa kanya.
"ok naman babe, pasensya na late ako may dinaanan pa kasi ako..." nakangiti nitong sagot.
"babe, pasensya na pala kung nasigawan kita nung nakaraan..." mukhang nabigla ata siya sa sinabi ko. Huminto siya ng ilang segundo at muling ngumiti.
"ok lang yun babe, alam ko namang hindi mo sinasadya yun hindi ba?" tumango lang ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong napatawad na niya ako.
habang kumakain ay nagkamustahan kami patungkol sa school. Magkaiba kasi kami ng pinapasukang eskwelahan. Siya ay pumapasok sa isang exclusive all-girls school. Pinag-usapan rin namin ang nangyari nung birthday dahil hindi siya naka-attend nung araw na iyon dahil busy siya. Naiintindihan ko naman iyon at isa pa maganda naman ang mga nangyari nung araw na iyon...
"eh kamusta na pala yung bago niyong kaibigan? Balita ko may bago na kayong kaibigan ah?" napahinto ako sa pagkain dahil sa tanong niya.
"paano mo nalaman na may bago kaming kaibigan?" nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.
"sinabi sa akin ni George..."
"ahhh ganun ba? ok naman siya. Alam mo ba napakatalino nun, biruin mo nakapasok siya sa scholarship ng CMU eh napakahirap ng exam dun..." at pagtapus nun ay ngumiti ako ng napaka awkward.
"talaga? Gusto ko tuloy makilala yang bago niyong kaibigan. Mukhang close kayo..." patagal ng patagal ay pa misteryoso ng pa misteryoso ang mga sinasabi niya.
Ano pa kayang mga sinabi ni George sa kanya.
"magkaklase kasi kami..." yun na lamang ang sinagot ko at kumain ng muli.
...
"pumunta tayo doon oh, may bibilhin lang ako..." tinuro niya ang isang bilihan ng damit na sa pagkakatanda ko eh napuntahan ko na kasama si Jomel.
siya nanaman ang naisip ko...
hindi na ako hinintay ni Ricca sumagot at pumunta na sa loob habang ako ay nakatitig lang sa logo ng tindahan. Kamusta na kaya siya?
ilalabas ko sana ang aking cellphone ngunit naiwan ko nga pala ito sa condo.
"tara dito babe, ang ganda nito oh..." lumapit si Rica sa akin at may ipinakitang dalawang dress. Ngumiti lang ako at tumango.
"bibilhin ko 'to..." sabi nito at pumunta na sa cashier.
pagtapus nun ay nagikot-ikot pa kami,nung tanghali na ay doon na rin kami kumain ng tanghalian hanggang sa inabot na kami ng hapon sa mall. Nanood kami sa cinema at paglabas namin ay gabi na. Doon na rin kami naghapunan.
pagtapus nun ay pumunta na kami ng parking lot. Nagpresinta akong ihatid nalang siya pauwi upang masulit namin na magkasama kami dahil ngayon lang ito ulit nangyari. Pagpasok namin ay agad niyang napansin ang malaking panda stuffed toy sa back seat.
"oh bakit may ganito ka? Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganyan..."
"ahh hindi, kay Jomel yan naiwan niya lang dito nung nagpasama ako sa kanya mamili ng stock ko sa room..." sagot ko.
"talaga? kasing cute siguro nitong stuffed toy yung bago niyong kaibigan, bakit siya pa sumama sayo dapat ako nalang..." umupo na siya sa pasengger seat at pinaandar ko na yung makina ng kotse.
"hindi ka pwede nung araw na yun kasi may pasok ka."
"ayy oo nga pala."
...
"salamat sa paghatid sa akin ah..." sabi nito at hinalikan na ako sa pisngi.
"wala yun, sige na pumasok ka na sa inyo at gabi na..."
"sige ingat ka pauwi babe..." tumango ako bilang sagot. Isinara na niya ang pinto at pinaandar ko an ang kotse.
nung makauwi ako sa aking condo unit ay chineck ko agad ang aking cellphone. Nabasa ko ang text ni Jomel at iba ko pang kaibigan. Lahat sila ay nagtataka kung bakit hindi ako pumasok ngunit si Jomel ang may pinakamaraming text. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakangiti dahil ramdam ko ang pag-aalala niya.
maya-maya pa ay nag ring ang aking cellphone at ito ay si Mantha.
"uy pre na saan ka ba? bakit hindi ka sumasagot?"
"naiwan ko yung cellphone ko dito sa condo unit eh bakit parang nagpapanic ka?"
"si Jomel kasi eh..."
"anong nangyari?"
"lumipat na daw sila ng bahay, ngayon lang. Baka daw palipatin siya ng mama niya sa ibang school..."
napahinto ako at napatulala...
aalis na si Jomel?
"uy pre? ok ka lang?"
"ganoon ba, tatawagan ko si Mel para magtanong..."
"sige pre."
pagbaba ng tawag ay sinubukan kong tawagan si Jomel ngunit hindi siya sumasagot. Nakailang tawag na ako ngunit wala talagang sumasagot. Nakaramdam na ako ng pag-aalala at kinabahan.
Ano ng mangyayari ngayon?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
Lãng mạnWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...