Jomel's POV
nagulat ako ng tawanan lang ako nito.
"ano bang piangsasabi mo? tek nga lang at magbibihis muna ako para makapagalmusal na tayo..." pumasok ito sa kwarto niya at naiwan akong mag-isa sa sala.
bakit siya nakatopless?
ano bang pinag-iisip ko? Lalaki kami pareho kaya paano niya magagawa ang ganoong bagay?
Umiling-iling ako. Bumalik na siya at nagsimula na kaming kumain ng almusal.
...
pagtapus naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanyang umuwi ngunit nagprisinta siyang ihatid ako sa amin kaya ito kami ngayon at pababa na sa parking lot.
May tatlong nakaparke na kotse sa parking lot. Isa ay yung sasakyan na palagi niyang dala. pupunta na sana ako doon ng bigla siyang magtanong.
"anong gusto mong sakyan natin diyan?" nagtaka ako sa tanong niya.
"akin 'tong tatlong kotse na nakapark dito..." nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inakala na ganito pala siya kayaman
"sayo 'tong mga sasakyang 'to?" hindi ako makapaniwala dahil isang taon lang ang tanda niya sa akin.
"yung isa dyan bigay ni mama't papa pero itong dalawa galing 'to sa ipon ko at sahod ko sa kompanya..."
napa 'wow' ako. Napakayaman pala talaga nila pero pumasok bigla sa isip ko ang trabahong ginagawa niya sa company ng papa niya.
"bakit ka nga pala nagtatrabaho sa kompanya ng papa mo?"
"parusa yun sa akin dahil bumagsak ako nitong nakaraang taon at isa pa training ko na rin iyon dahil ako ang tagapagmana ng kompanya na iyon..."
akala ko sa pelikula lang may ganoon, hindi ako makapaniwala na mayroon palang ganun sa totoong buhay.
"kung gusto mo ng part time pwede kita bigyan sa company..."
"eh kaso scholar ako ng CMU, hindi ako pwedeng mag part time..."
"pwede naman siguro kasi partners ang kompanya namin at CMU..."
napaisip ako dahil ilang araw ng na sa isip ko ang pagpapart time dahil gusto kong tulungan si mama.
"magkano sinasahod mo sa pagtatarabaho mo sa papa mo?" tanong ko.
"around twenty thousand or thirty, depende kasi sa posisyon mo sa kompanya yun eh.." napatango-tango ako habang pinag-iisipan ko. Malaki pala ang sahod pero kasi kailangan ko pang tanungin si mama tungkol dito. Ayaw ko namang magdesisyon mag-isa dahil baka magalit ito,
"ganun ba.."
"so anong kotse sasakyan natin?" hindi niya pa rin talaga nakakalimutan yun ah. Tinignan ko ang tatlong kotse.
"etong blue na kotse..." sabi ko
"wow, bagong bili lang 'tong kotse na 'to, ikaw ang unang makakasakay dito..." Nahiya naman ako sa sinabi niya.
"ay wag nalang bagong bili pala yan, dito nalang tayo sa sasakyan na lagi mong dala..."
hinila ako nito palapit sa blue na kotse.
"ano ka ba ayos lang yan, gusto ko rin kasing i-try..."
....
pagdating namin sa bahay ay tinignan ko ang reaksyon ni Adrian. Blangko lang ang mukha at para bang ayaw niyang mabasa ko ang na sa isip niya.
"mas maliit ito kumpara sa dati nyong bahay..." sabi nito. Tumango lang ako at bumaba na ng kotse.
"salamat sa paghatid sa akin ah? Pati na rin sa pagsama sa akin kagabi..." nakita ko ang pagkurba ng ngiti sa labi niya.
"sana gumaan na ang loob mo ngayon..."
tumango ako bago isara ang pinto ng kotse. Naglakad na ako papasok ng bahay nang salubungin ako ni mama. Nakasimangot ito at parang nagtitimpi siya ng kanyang galit.
"Saan ka galing kagabi?" galit niyang tanong.
napakagat-labi ako dahil hindi ko alam ang irarason ko.
"goodmorning po tita..." nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Adrian sa aking likuran. Napalingon ako sa kanya. Nginitian niya lang ako bago muling tignan si mama.
"sa amin po siya natulog kagabi. Pasensya na po at hindi siya nakapagpaalam sa inyo..."
sobrang lambing ng tono niya habang sinasabi niya iyon. Tinignan ko ang unti-unting pagbabago ng eskpresyon ni mama.
"ganun ba, nag-almusal na ba kayo? Kumain ka muna dito bago ka umalis..."
nagulat ako dahil nagbago ang ikinilos ni mama. Kanina parang babalatan na niya ako ng buhay sa mga titig niya tapus ngayon bigla siyang naging mabait.
"hindi na po. Hinatid ko lang po siya.." ako lang ba o nagpapacute talaga siya sa harapan ni mama ngayon?
"ahh ganun ba, sige iho ingat ka sa pag-uwi..."
nagpaalam na si Adrian bago siya tuluyang lumabas ng bahay. Nagkatinginan kami ni mama ilang saglit matapus lumabas ni Adrian.
"mauna na po ako sa kwarto.
nagmadali akong pumasok sa kwarto. Bigla kong naalala yung trabaho na sinasabi ni Adrian. Mayroon kayang bakante sa kompanya nila?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...