"uy Joms, hindi ka pa ba maliligo?" tanong ng isa sa mga pinsan ko. Inilagay ko ang aking binabasang libro sa aking bag at tumayo.
"mamaya na siguro, maglalakad-lakad nalang muna ako.." pagtapus nun ay lumabas na ako.
narito kami ngayon sa isang resort sa Marilao, Bulacan. Nagkaroon kasi ng reunion ang pamilya namin at sa resort nila ito gustong ganapin. Sa totoo lang hindi naman ako mahilig sa swimming pool. Hindi naman kasi ako marunong lumangoy, hindi tuloy ako nag-eenjoy dito.
Anyway ako nga pala si Jomel Rivera, isang Grade 10 student at graduating na this March. Meron na kong pinagpipiliang school kung saan ako mag-aaral ng senior highschool at isa dito ay ang isa sa mga sikat na unibersidad dito sa Maynila. Ang College of Montenegro University. Mahal ang tuition sa school na iyon at para sa kagaya kong ipinanganak ng may pilak na kutsara ay kailangan kong kumuha ng scholarship. Nag-apply at exam ako sa unibersidad at buti nalang nakapasa ako. Ngayon ay hinihintay ko na lamang ang aking graduation para makakuha ng iba pang requirements.
dahil lutang ang isip ko ay hindi ko nakita ang isang lalaki na sumalubong sa akin pagliko ko. Natumba ako at masakit ang pagkakabagsak ko.
ang laking bulas naman nitong lalaki na 'to. tinignan ko ang itsura niya. Singkit, medyo mahaba ang buhok, mga 6'2 ata ang tangkad niya, sakto lang ang pangangatawan at medyo maputi.
"ayos ka lang?" sabi nito at tinulungan niya akong makatayo ngunit pagtayo ko ay agad din akong umalis. Hindi ko din alam sa sarili ko bakit ko siya inalisan. Ang rude no? Ewan ko ba..
Nang makabalik ako sa kwartong nirentahan namin ay sinalubong ako ni mama.
"saan ka ba nagpunta? Kumain ka na ba?" tanong nito.
"kakatapus ko lang ma, nagikot-ikot kasi ako sa labas.." sagot ko.
"sige, maligo ka na at isasara ko itong kwarto.."
"hindi ba pwedeng dito nalang ako ma?""ano ka ba naman anak, resort 'to. Wala ka ng tigil sa kakabasa. Mag-enjoy ka nalang muna tutal graduation mo naman na sa susunod na linggo.." hindi ko inexpect ang sumunod na ginawa ni mama. Hinila niya ako palabas ng kwarto at sinama sa swimming pool. Mabuti nalang at naka swimming attire na ako.
so ayun nga nagbabad ako sa swimming pool, hindi naman ako marunong lumangoy. Mabuti na lang at walang masyadong tao dahil kahit papaano ay hindi crowded yung pool.
maya-maya pa ay may dumating na anim na lalaki. Hindi ko sila kakilala pero ang alam ko lang yung isa sa kanila ay yung nakabanggaan ko kanina.
ang angas ng dating nila at para silang boy group band kung titignan.
inilayo ko ang tingin ko at hindi na sila pinansin at umahon na ako sa pagkakababad. Babalik sana ako sa loob ng kwarto upang kumuha ng damit kaso nilock nga pala ni mama yun kaya wala akong nagawa kung hindi maglakad-lakad nalang muna hanggang sa makasalubong ko yung anim na lalaki. Nakatingin sila sa akin at parang pinag-uusapan nila ako.
sinamaan ko sila ng tingin at nilagpasan sila ngunit bigla akong tinapik ng isa sa kanila at yun yung nakabanggaan ko kanina.
"Hi.." sabi niya ng lingunin ko siya.
"Ako nga pala si Adrian, inimbita lang kami dito ng kaibigan namin dahil may reunion daw sila.."
medyo nabigla ako sa sinabi nila. Aba may reunion din sila.. pero anong paki ko dun?
gusto ko sana siyang barahin pero baka mamaya sapakin ako nito. Lugi ako.
"ahhh ganun ba.."
"ikaw anong pangalan mo?"
"Jomel.."maya-maya pa ay sumulpot na ang iba niyang kaibigan.
"ako nga pala si Mantha." sabi ng maputi na nakatopless.
"ako naman si George.." sabi ng katabi nung Mantha.
"Kyle.." ito naman mukhang heart throb."TJ.." "Brent.." sabay na sabi ng dalawa. Nagkatinginan pa sila sabay tawa.
"hello po sa inyo.." pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay ang awkward.
ganito ba talaga yung feeling pag may nakikipagkilala sayo?
"so yun nga. Nakahiwalay kasi kami ng cottage sa pamilya nitong kaibigan namin.. gusto ka sana namin ayain na mag-inom.." Hindi ko alam pero parang ngiting-ngiti naman 'tong si Adrian to the point na nakakatawa na siyang tignan.
"hindi ako malakas uminom eh. Iba nalang ayain niyo.."
"dali na.. Hintayin ka namin sa cottage ah. Dun yun banda.." sabay turo sa may hindi kalayuan.
kinulit din ako ng iba niyang kasama para sumama kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi um-oo nalang.
pagbalik ko sa kwarto ay bukas na ito at na sa loob si mama.
"ma, pwede ba akong mag-inom? dun lang banda sa may cottage na iyon oh.." itinuro ko iyon dahil kita naman sa bintana.
napakunot ang noo ni mama pagtapus nun.
"bakit doon pa?" nagulat ako sa reaksyon ni mama dahil parang galit siya.
"hindi naman ako maglalasing ma.."
parang natauhan si mama pagtapus nun at kumuha ng damit.
"sige, bahala ka. Basta wag masyadong magpakalasing..."
"sige po ma.."
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...