Jomel's POV
"gumising ka na at malelate ka na..." napaupo ako sa aking higaan ng marinig ko ang malakas na boses ni mama at kasunod nun ay malakas na kalabog mula sa labas. Napatingin ako sa aking cellphone upang tignan ang oras. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras dahil 7:30 na! Nagmadali akong tumayo, naligo at kumain. Nung matapos ako ay wala na si mama, siguro nakaalis na siya papuntang trabaho.
habang nakasakay sa jeep ay hindi ako mapakali dahil late na ako sa unang klase ko. Anong oras na rin kasi ako nakauwi kagabi kaya napuyat ako. Marami kaming pinagkwentuhan ni Adrian, hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na siya pala si Devenance. Lagi ko siyang kaharap at inaway ko pa siya nung unang linggo nang klase. Nakokonsensya ako na ewan dahil hindi ko siya nakilala.
Pagdating ko sa classroom ay nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala pang professor na nagtuturo. Nagtanong ako sa aking mga kaklase kung bakit wala pa ang professor at ang sagot nila ay na sa meeting lahat ng teacher ngayon. Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag at dumiretso sa aking upuan nang mapansin kong wala pa si Adrian.
nilabas ko yung cellphone ko at tinext sya.
To: Adrian
di ka papasok?naghintay ako ng kanyang reply. fifteen minutes... twenty minutes...
anong kayang nangyari sa kanya?
dahil sa kuryusidad ay nag message din ako kila Mantha sa grouchat namin
:Guys free ba kayong mamayang break time?
sa kanilang lahat si Mantha lang ang sumagot.
Mantha: oo sige. Magkita tayo sa tapat ng binibilhan natin ng pagkain.
hindi na ako nakapagreply dahil pumasok na ang professor. Itinago ko na ang aking cellphone at umupo ng diretso.
-----------------------------------------------------
tahimik lang akong kumakain ng mga binili ko... joke lang nilibre lang talaga ako ni Mantha. Katagalan eh nasasanay na ako sa kanila. Medyo close na kami at ramdam ko na para bang isa talaga ako sa kanila. Kahit kailan hindi nila ako pinabayaan at para bang tinatrato nila ako na parang bata.
napatingin ako kay Mantha ng makita ko siyang nakatingin lang sa akin at hindi kumakain.
"oh? bat di ka pa kumakain?" sabi ko sabay subo ng pagkain .
"wala lang , ang kulit mo kumain para kang bata" sabi nito habang ngumingiti ng nakakaloko.
napaismid nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya pa ay tinawag niya ako, tinignan ko lang siya at hindi sumagot.
"may itatanong sana ako sayo pero sana wag ka maooffend ah?" napatigil ako sa pagkain dahil parang narinig ko na ang litanyang iyon.
"nagka girlfriend ka na?" sabi na nga ba at iyon ang kasunod nun.
"alam mo bang ikaw na ang pangalawang nagtanong sa akin niyan?" hindi ko alam kung matatawa ako o maooffend dahil lagi nila akong tinatanong ng mga ganitong bagay.
"talaga?" mukhang natatawa pa siya dahil sinabi ko yun. Sinamaan ko siya ng tingin para tumigil siya.
"sorry ah? kasi naisip ko lang... Paano ka magkakagirlfriend kung mukha kang babae..." napaisip ako sa sinabi niya.
mukha ba talaga akong babae?
"uy uy. joke lang yun, wag kang magalit hahaha..."
...
naglalakad na ako palabas ng campus ng makatanggap ako ng message mula kay mama. Kinabahan ako dahil pinagmamadali niya akong umuwi. Hindi ko alam ang dahilan dahil wala naman siyang sinabi kaya sumunod nalang ako at nagmadaling umuwi.
pagpasok ko ng bahay ay bumungad sa aking ang mga luggages at mga nakakalat na damit sa sala. Gumulo ang utak ko at para bang sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Lumabas si mama sa kwarto ko habang hawak-hawak niya ang aking mga damit.
"oh nandito ka na pala, dalian mo na at aalis na tayo..." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
aalis? Saan kami pupunta?
"ano nangyari ma? Bakit tayo aalis?"
napahinto si mama sa kanyang ginagawa, doon ko lang din napansin na namamaga at namumula ang kanyang mga mata tanda na siya ay umiiyak bago ako dumating.
"may bumili na sa bahay na 'to... Natanggal na din ako sa trabahong pinapasukan ko... Nakahanap na ako ng bago nating lilipatan kaya tara na..."
dahil sa sinabi niya ay agad na pumasok sa isip ko si lola. Sigurado akong kagagawan nanaman 'to ni lola.
Dahil sa galit ay agad akong lumabas at tinawagan si papa.
"oh anak kamusta? Bakit napatawag ka?"
"Si lola... Siya ba ang dahilan kung bakit kami napaalis sa tinitirahan namin?"
"anak ano bang sinasabi mo?"
"Bakit ba hindi nyo nalang kami tigilan hah!?"
"anak hindi kita naiintindihan..."
"binili ni lola yung tinitirihan namin! Pinatanggal niya si mama sa trabaho! Ano masaya na ba kayo!? Masaya na ba kayo na naghihirap kami ni mama!? Hindi pa ba sapat yung inapi at pinahiya niyo si mama sa harap ng maraming tao!?"
pinatay ko na ang tawag at umupo sa tapat ng gate.
akala ko tapus na ang paghihirap namin sa kamay nung matandang yun. Hindi ko inexpect na gagawin nanaman nila sa amin 'to ni mama. Pangalawang beses na nangyari sa amin 'to.
Hindi ko tuloy maiwasang maiyak dahil lilipat nanaman kami ng bahay. Natatakot din ako dahil baka ilipat ako ni mama sa ibang school.
ano ng mangyayari ngayon? ano ng gagawin namin ngayon?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...