21

1.7K 54 0
                                    

Adrian's POV

nakatingin lang ako sa aking pagkain, hindi ko alam kung galit ba sa akin yung lalaking yun ngayon dahil sa naging akto ko kahapon. Hindi rin kami nakapag-usap bago umuwi dahil si Mantha ang naghatid sa kanya. Hindi rin siya nagrereply sa text ko at nagbabasa lang siya sa groupchat namin.

siguro ay nagtampo siya... Bakit ba kasi ako nag ginanun kahapon!?

"ayos ka lang ba babe?" dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni Rica. Narito kami ngayon sa isang restaurant, nakipagkita si Rica sa akin upang magpasama na bumili ng kanyang damit na gagamitin niya sa isang okasyon. Hindi niya dinetalye ang okasyon na iyon pero hinayaan ko nalang at sinamahan ko siya dahil wala naman kaming pasok ngayon.

"ok lang ako, sige na kumain ka pa..." yun lang ang naging tugon ko at kumain na. Pinilit kong ialis sa isip ko si Jomel at magfocus kay Rica.

"pumunta kayo ng mall ni Mantha kahapon hindi ba?" nabigla ako dahil binanggit niya iyon. Sinabi ko iyon sa kanya kagabi kaya alam niya.

"kayong dalawa lang ba ni Mantha ang magkasama kahapon?" tanong nito.

"kasama rin namin si Jomel, naglaro lang kami ng arcade games at kumain then umuwi na rin kami..." sagot ko.

"gusto kong makilala yang si Jomel, feeling ko kasi sobrang close niyo..." ewan ko pero meron akong inis na naramdaman ng sabihin niya iyon

"hindi naman sa ganun, magkaklase kasi kami kaya siya palagi kasama ko at isa pa close din naman siya sa iba pa naming kaibigan..."  akala ko ay makukuntento na siya sa sagot ko pero alam kong kukulitin nanaman niya ako na makipagkita kay Jomel gaya nung nakaraan.

"magkita tayo bukas, isama mo si Jomel. Kakain tayo..."

tumango lang ako at hindi na sumagot.

...

Jomel's POV

"oh anak napadalaw ka..." nawala ang ngiti ni papa ng makita niya ang nakasimangot kong itsura pagpasok ng office niya. Ngayong araw ko napili na pumunta at kausapin si papa. 

gusto ko siyang kausapin tungkol sa ginawa ni lola ngunit hindi ko magawang magsalita dahil sa sobrang inis ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari nung nakaraan. Para kaming inaagawan ng karapatan na mabuhay. 

"alam ko anak kung bakit ka nandito... kinausap ko na ang lola mo, hindi na niya ulit kayo papakialaman..." 

naglabas ito ng tali-taling pera at iniabot ito sa akin.

"makakatulong--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tabigin ko ang hawak niyang mga pera na ngayon ay nagkalat na sa sahig.

"hindi namin kailangan ng pera niyo, ang gusto ko lubayan na kami ni lola dahil matagal na kayong hiwalay ni mama..." 

hindi ko maiwasang maluha dahil rin sa sinabi ko. Nakita niya iyon at aktong lalapit sa akin ngunit umatras ako at lumabas na ng kanyang office. Tuluyan na akong lumabas ng farm at umuwi. Habang na sa byahe ay hindi ko maiwasang malungkot dahil naalala ko nanaman ang paghihiwalay nila ni mama.

yung masaya naming pagsasama-sama dati, kaming tatlo lang...

wala akong ibang pinangarap kung hindi maging masaya kaming tatlo pero mas pinili ni papa ang karangyaan, pinili niya si lola at hinayaan kaming dalawa ni mama.

pinilit ko namang tanggapin na hindi na talaga kami mabubuo, tinanggap ko na wala na talagang pag-asa pero masakit talaga. Sobrang sakit dahil hindi na muling magiging masaya ang pamilyang mayroon ako.

hapon na ng makauwi ako sa aming bahay. Pagdating ko ay hinanap ko si mama dahil gusto ko siyang yakapin at maglabas ng sama ng loob ngunit wala siya. Tanging mga nakakalat na application form lang ang nakita ko sa lamesa.

nahihirapan siguro si mama na maghanap ng bagong trabaho. Nakakalungkot lang na nakikita ko kung paano nahihirapan si mama, may ibang paraan pa ba upang matulungan ko si mama?

...

Adrian's POV

lunes na at narito ako ngayon sa aking silya at hindi mapakali. Hindi ako pinatawad ng konsensya ko dahil sa tingin ko eh mukhang nagtatampo talaga siya sa ginawa ko. Hindi siya nagrereply sa message ko kahapon at nung isang gabi,

nakita ko siyang pumasok sa pinto ng classroom. Nakaramdam ako ng kaba at napayukob na lang habang hinihintay siyang umupo sa aking tabi. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng tapik sa aking ulo, pagtingin ko eh siya pala yun.

"anong ginagawa mo? Puyat ka ba?" natameme ako saglit dahil sa itsura niya. May amnesia ba siya o hindi talaga siya galit?

"sorry nga pala sa ginawa ko nung nakaraan..." nakita kong kumunot ang noo niya at pagtapus non ay ngumiti siya.

"ano ka ba, wala yun..." nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib ngunit nakaramdam din ako ng hiya dahil mukha akong tanga dahil iniisip kong nagtatampo siya.

Umayos na ako ng upo at umakto na ng normal.

"bakit hindi ka nagrereply sa akin? Hindi ka rin nagchachat sa groupchat natin..."

umupo na ito sa aking tabi at inilapag ang kanyang bag.

"busy ako kahapon dahil may pinuntahan ako..." sagot nito.

tumango-tango nalang ako at haharap na sana sa pisara ngunit may naalala ako,

"kakain pala kami ng girlfriend ko sa labas pagtapus ng klase, sumama ka..." 

"ayaw kong makaistorbo sa inyo..." sagot nito habang naglalabas ng libro sa kanyang bag.

"gusto kang makilala ng girlfriend ko, kinukulit niya ako eh..." sa puntong iyon ay napatingin siya sa akin.

"bakit gusto akong makilala ng girlfriend mo?" tanong niya.

"ewan ko basta sumama ka nalang mamaya..." 

hindi ito sumagot at nagbasa na ng libro.

"sasama ka hah? Subukan mo lang maunang umuwi..." paninigurado ko..


To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon