18

1.6K 60 0
                                    

Adrian's POV

ilang oras na akong nagpapagulong-gulong sa aking kama habang iniisip kung kamusta na ang lalaking iyon. Hindi man lang siya sumasagot sa mga text at tawag ko.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit masyado akong nag-aalala sa kanya, bakit ba ako nagkakaganito?

Argggh! 

muli akong nagpagulong-gulong sa aking higaan habang nakatingin sa aking cellphone hanggang sa may mag pop up na mensahe mula kay Mantha.

From: Mantha

Ayos na daw siya pre, nakausap ko na siya.

bakit siya lang ang kinausap? Bakit hindi niya ako sinasagot?Ano bang problema nun?

gusto ko sana siyang tanungin ngunit naisip kong huwag nalang dahil baka kung ano pang isipin nitong si Mantha. Bukas ko nalang siya kakausapin...

...

Jomel's POV

tahimik lang akong nakaupo sa labas ng bagong bahay namin habang nakatingin lang ako sa mga mensahe ni Adrian sa aking cellphone.

siguro ay alam na niya ang tungkol sa paglipat namin ng bahay at ang posibilidad na lumipat ako ng eskwelahan.

"anak, madaling araw na bakit na sa labas ka pa?" napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni mama.

"lilipat na ba ako ng school ma?" nakakalungkot isipin na kagagawan nanaman ito ng lola ko pero mas nakakalungkot isipin ang posibilidad na lumipat ako ng eskwelahan dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan. Marami akong kakilala ngunit wala akong masasabing kaibigan na kagaya nila. Isang buwan pa lang ang makalipas pero parang isang taon na kaming magkakaibigan..

"hindi ah.." natulala ako sa sagot ni mama. Natanggalan ng tinik ang aking dibdib sa sinabi niya.

"malapit lang naman ang eskwelahan mo dito at isa pa mahirap kung lilipat ka pa ng ibang eskwelahan. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan upang makahanap ng bagong trabaho..."

kita mo sa mata ni mama ang lungkot, naaawa ako sa kanya dahil nararanasan niya ang mga bagay na ito. Ang magagawa ko lang ay mag-aral ng mabuti at subukang huwag maging pabigat sa kanya.

"salamat ma..." niyakap ko siya matapos iyon. Kakausapin kong muli si papa tungkol dito, hindi pwedeng gawin ni lola ang mga 'to.

...

Adrian's POV

dalawang araw ng hindi pumapasok si Jomel, dalawang araw na rin siyang hindi sumasagot sa mga tawag at text namin. Hindi kaya lilipat na talaga siya ng school?

"Kyle nagreply na ba sayo si Mel?" tanong ko.

"hindi pa eh..." 

balak ko sanang magtext ulit kay Jomel nang magkatinginan kami ni Mantha. Hindi kaya nag-uusap sila?

"ikaw pre nagrereply sayo si Mel hindi ba?" tanong ko.

"ok naman daw siya, wala pa siyang sinasabi tungkol sa paglipat niya..." sagot nito.

maya-maya pa ay tumunog na ang bell at nagpaalam sa kanila. Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan si Jomel ngunit nagriring lang ito at hindi niya sinasagot hanggang sa makapasok ako sa classroom. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakayukob habang hawak ang kanyang cellphone.

umupo ako sa kanyang tabi at pinagmasdan siya. Mukhang pagod siya dahl mahimbing ang kanyang tulog.

maya-maya pa ay gumalaw ito at umayos na ng upo at saka niya lang ako napansin.

"oh kanina ka pa dyan?" tanong nito. Napangiti ako dahil ngayon ko lang ulit siya nakita. Nawala lahat ng inis ko sa hindi pagpansin sa sa mga mensahe ko.

"hindi ka na lilipat ng school?" 

nung tumango siya ay nakaramdam ako ng kaluwagan ng hininga, ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok.

"akala ko kung ano ng nangyari sayo, hindi ka sumasagot sa mga tawag at messages ko..."

"pasensya na kailangan ko lang mag isip-isip..." 

dahil sa sinabi niya ay napansin ko ang malalaki niyang eyebugs. Mukhang puyat ito at wala pang tulog.

"kumain ka na ba?" tanong ko. Umiling lang ito bilang sagot.

tinitigan ko ang namumutla niyang mukha habang hinuhulaan kung ano bang nangyari kung bakit biglaan ang paglipat nila.

"nagugutom ako..."sabi nito. Napangisi naman ako at tumingin sa paligid. Wala pa naman ang professor at mukhang matagal pa iyon bago pumasok.

"tara bili tayo ng pagkain sa baba, libre ko na..."

ngumisi lang ito na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

"ano nga? tara na habang wala pang professor..." hinila ko na siya patayo at bumaba kami papunta ng canteen.

tahimik lang siyang kumakain habang pinagmamasdan ko siya. Mukhang hindi siya kumain ng almusal dahil napakabilis niya kumain. Mabuti nalang at marami akong binili dahil napansin ko sa isa sa mga katangian niya ay malakas siyang kumain. Hindi ko nga alam kung saan napupunta ang mga kinakain niya dahil hindi naman siya mataba, maninipis ang mga braso at hita niya.

hindi ko pa rin alam kung anong nangyari at biglaan ang paglipat nila.

"gusto mo bang malaman kung bakit kami lumipat ng bahay?" tanong nito. Nagulat naman ako dahil nahulaan niya ang na sa isip ko, pero masyado atang personal iyon.

"hindi, wag na natin pag-usapan yun. Importante hindi ka lilipat ng eskwelahan..."

ngumiti lang ito at saka nagpatuloy sa pagkain. 

siguro naman ay ok lang siya, hindi na ako magtatanong dahil ayaw kong mailang siya dahil pareho kaming lalaki.

itatanong ko nalang siguro sa mga susunod na araw...

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon