8

2.4K 89 0
                                    

Jomel's POV

habang naglalakad paakyat ng classroom ay chineck ko ang aking cellphone sa aking bag. Hindi ko kasi ito na-check kanina dahil nagmamadali akong pumasok, anong oras na rin kasi ako nagising.

pagbukas ko ng aking cellphone ay bumungad sa akin ang dalawampung mensahe galing kay Adrian.

lahat naman ito ay puro Hi/Hello lang.

ano bang problema nun?

dahil sa pag-iisip ay hindi ko napansin na may kasama na pala akong naglalakad at ito ay yung katabi kong mokong na makulit, pasaway, at pakialamero.

inirapan ko lang ito at binilisan ko na ang aking lakad. Ayaw kong masira ang araw ko dahil lang sa lalaking iyon.

pagdating ko ay umupo na agad ako at inilabas ang aking libro. Sunod namang umupo yung mokong kong katabi. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ngunit alam kong nakatingin ito sa akin at dahil dito ay hindi ako maging komportable sa aking kinauupuan. Tinakpan ko ang mukha ko ng libro upang hindi siya makita. Maya-maya pa sumilip ako kung nakatingin siya at napatikwas ako ng makita siyang nakatingin pa rin sa akin.

"bakit ka nakatingin sa akin?"

may kinuha ito sa bulsa niya, isang transparent na box ito at may laman na earphone.

"para sayo oh, pasensya na talaga kung nasira ko ang earphone mo.."

matutuwa sana ako hanggang sa magsalita siya ulit.

"imported yan from Singapore, original at hindi mabilis masira kaya magpasalamat ka at hindi pipityugi ang binigay ko sayo.."

sinamaan ko siya ng tingin upang tumahimik siya sa kapreskuhan niya. Ibinato ko ito sa kanya dahil sa inis.

"sayo na yan.. Hindi ko kailangan niyan.."

hinawakan ako nito at inalog-alog.

"bakit ba nagagalit ka nanaman? Pinalitan ko na nga eh.."

humarap ako sa kanya.

"hindi mo alam? Napakayabang mo kasi, Masyado kang feeling-close eh hindi nga kita kilala."

dahil sa sinabi ko ay natahimik ito. Napayuko siya at mukhang nasaktan talaga siya sa sinabi ko. Ewan ko pero nakaramdam ako ng konsensya.

napasobra ba yung sinabi ko? Masyado bang masakit yung sinabi ko?

inilapag nito ang box ng earphone sa aking table.

"basta tanggapin mo yan, pasensya na.."

pagtapus nun ay tumalikod na siya sa akin at hanggang matapus ang klase namin ay hindi na niya ako kinulit.

...

nakatingin lang ako sa earphone na bigay nung mokong kong katabi. Hindi ko alam pero nakokonsensya ako sa sinabi ko sa kanya, hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang ako kasi napakakulit niya at napakapresko pero kung susumamuhin ay mabait naman siya kahit na medyo naiinis ako sa pagkapresko niya.

hindi tuloy ako makakain ng lunch ko dahil sa lintik na yun.

dahil wala ako sa sarili ay napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng magvibrate ang aking cellphone mula sa aking bulsa. Kinuha ko ito at sinagot.

"hello.."

"Oy Mel, na saan ka ngayon?" Si Mantha pala ang tumawag..

"uy, nandito ako sa canteen, malapit sa stall na binibilhan ko.."

"sige dyan ka lang, pupuntahan ka namin.."

pagtapus nun ay ibinaba na niya. anong sabi niya? namin? kasama niya siguro yung iba niyang kaibigan.

maya-maya pa ay may bumulaga sa akin.

"kamusta?" tanong ni Mantha. Tinignan ko ang iba pa niyang kasama at hindi nga ko nagkamali, sila yung iba pa niyang kaibigan. Nakangiti ito sa akin at napaka awkward ng feeling..

"ang tagal ka naming hindi nakita ah! Hindi ka man lang nagparamdam sa amin.." sa pagkakatanda ko ay si Kyle 'to..

"eh hindi ko kasi nahingi facebook account nyo eh.." sagot ko sa kanila.

"sa pagkakaalam ko friend mo si Adrian sa facebook ah?" tanong ni Brent.

"oo nga, hindi ba niya sinabi sa inyo?"

nagkatinginan naman sila.

"makasarili talaga yung mokong na yun.." sabi ni Mantha at nagtawanan sila.

"teka na saan nga pala siya? Sabi niya sasama siya sa atin hindi ba?" sabi ni George.

"nagtext siya sa akin kanina na hindi nalang siya sasama, masama daw pakiramdam niya kaya magpapahinga nalang daw siya sa clinic ngayong break time.."

tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang iniisip ko si Adrian.

kamusta na kaya siya ngayon?

"Teka lang Mel ah, bibili lang kami ng pagkain.."

"bilhan nyo nalang ako ng pagkain, samahan ko na dito si Mel.."

napatingin silang tatlo kay Mantha at nagkatinginan silang tatlo.

"tara na nga, bahala ka dyan Mantha.." sabi ni George.

"basta bilhan nyo ko ah!" sigaw ni Mantha sa mga kasama.

umupo ito sa upuan na kaharap ko. Magkatapat na kami ngayon. Nakatitig ito sa akin at dahil dito ay nagtanong ako.

"bakit ka nakatingin? May problema ba?" tanong ko.

inilapit nito sa akin ang kanyang kamay hanggang sa dumampi ito sa gilid ng aking labi.

"may dumi ka sa bibig.."

naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumayo ako at pinunasan ang aking labi.

"talaga? pasensya na. Nakakahiya.."

"ayos lang.." sabi niya.

...

tapus na kaming kumain at nagkukwentuhan nalang kami. Natutuwa ako sa kanila dahil tinuturing talaga nila akong kaibigan, hindi nila pinaparamdam sa akin na out of place ako at para kaming magkakaibigan na hindi nagkasama ng ilang buwan. Madami silang kinuwento sa akin. Ako rin ay nagkuwento kung anong nangyari sa akin nung bakasyon.

hanggang sa hindi namin namalayan ang oras at si Brent at TJ ang unang nakapansin na tapus na pala ang break time.

napatingin ako sa aking orasan at nagulat ako na sampung minuto na ang nakalipas matapus ang break time. Ibig sabihin nito ay late na ako ng sampung minuto!

nagmadali akong inayos ang gamit ko at nagpaalam na sa kanila.

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon