Jomel's POV
ngayong araw ay huwebes at gaya ng napag-usapan namin ni Devenance ay pupunta ako ng kanyang birthday party. alas-diyes palang ng umaga at tapus ko na ang lahat ng gawaing bahay kaya ako ngayon ay nakahiga lang at nakatitig sa kisame.
hindi maalis sa isip ko ang nakita kong wallpaper ni Devenance..
muli kong pinuntahan ang profile ni Adrian at hinanap ang litratong iyon.
Ito nga yun.. hindi ako pwedeng magkamali.. Paano kung siya pala si Adrian? Ngunit tinanong ko sila Brent at Kyle kung kakilala ba nila si Devenance ngunit hindi ang naging sagot nila..
ano bang nangyayari sa akin?
napatigil ako sa aking pag-iisip ng tumunog ang aking cellphone.
From: Adrian
hello.
napaupo ako sa aking pwesto. Tinitigan ko lang ang kanyang mensahe. Maya-maya pa ay may nagmessage na unregistered number.
Fro:0928*******
Rivera, si Devenance 'to. Punta ka mamaya ah? 3:00 p.m. ang simula ng party. Ito ng aking address. *************************************
napahinga ako ng malalim. Sabay silang nagtext ni Adrian.. Imposible sigurong siya si Devenance. Napatigil ako nang bigla kong maalala yung nangyari nung nakaraang araw..
FLASHBACK
nag quiz kami sa Social Science, nung mag checheck na kami ay balak ko sanang makipagpalitan sa kanya..
"uy Devenance, palit tayo ng papel.." iniabot ko sa kanya ang aking papel ngunit tumanggi ito at napatingin sa kanyang papel.
"ahh..ehh.. meron na akong kapalitan eh.." sabi nito at agad niyang ibinigay ang papel sa aming kaklase sa likod kaya wala akong nagawa kung hindi makipagpalitan nalang sa iba.
"ilan ang score mo?" matapus naming mag check sa humarap ako sa kanya at itinanong iyon.
"48/50.." sagot nito.
"weh? patingin nga.." aagawin ko sana ang kanyang papel ngunit agad niya itong nailayo..
"ang kulit mo no? 48 nga nakuha ko.." napansin kong parang nainis siya kaya agad kong itinanong kung ok lang siya.
"wala. Tara na nga kumain na tayo, nagugutom na ako kanina pa.."
END OF FLASHBACK
...
mabuti nalang at hindi mahirap hanapin ang bahay nila Adrian, ito kasi ang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong executive village na tinitirhan niya.
napatingin ako sa aking sarili. Ayos lang kaya yung suot ko?
Kung titignan mo ang mansion na 'to eh mahihiya akong pumasok lalo na't naka t-shirt lang ako.
mabuti nalang at may guard na lumabas at tinanong ko kung ito ba ang Devenance Residence. Tinanong ako nito kung bisita daw ba ako ni Mr. Devenance at syempre um-oo ako. Pinapasok ako nung guard sa loob. Medyo nalula ako sa mga magagarang dekorasyon sa loob ng bahay na ito..
habang naglalakad ako papasok ng mansion meron akong nakasalubong na grupo ng kalalakihan. Napatulala ako ng makilala ko ang mga mukha nila, maging sila eh nagulat ng makita ako maliban kay Mantha.
"uy Mel, buti nakapunta ka.."
nakatulala pa din ako sa kanila. Napansin ni Mantha na para bang tumahimik ang paligid.
"huy anong meron? bakit tahimik kayong lahat?"
"a-ah mel, kamusta?" halata kay Brent na parang kinakabahan ito..
"oh nandito lang pala kayo.." napatingin kami sa isang babaeng hindi katandaan. Maganda ang kutis nito at mahahalata mong alagang-alaga ito.
napatingin ito sa akin at ngumiti.
"You must be Rivera, right?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.
"kilala niyo ba siya?" tanong niya kila Mantha.
"ahh opo tita, kaibigan din po namin siya.."
habang tumatagal ay lumilinaw ng lumilinaw ang mga nangyayari ...
"lagi nga siyang nababanggit sa akin ni Adrian.."
hindi ko na kaya, kailangan kong makita at malaman kung totoo ba 'tong na sa isip ko..
"si Adrian po, na saan po siya?" tanong ko.
"na sa taas siya iho.."
"pwede ko po ba siyang puntahan muna?" tumango lang ito sa akin.
"samahan ka na namin, pupuntahan din namin siya.." sabi ni Mantha at nagpaalam na kami.
pag-akyat namin ng pangalawang palapag ay hindi ako mapakali, parang sasabog na ang aking dibdib sa kaba.
"uy Adrian.." napalingon ako sa lalaking tinawag ni Mantha. Naroon ito sa terrace at nakatalikod sa amin. Humarap ito paunti-unti at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Devenance..
hindi nga ako nagkamali.. iisa nga lang sila.
noong una ay hindi ako nito napansin ngunit ng mapatingin ito sa akin ay nagulat rin siya. Lahat sila ay napatingin sa aming dalawa..
"ahhh oo nga pala ngayon lang kayo nagkita hindi ba?" tanong ni Mantha.
"tumahimik ka nga dyan, kumain na tayo sa baba.." rinig kong bulong ni George.
"a-ahh Adrian.. Una na muna kami sa baba. Maiwan muna namin kayo ni Mel.." sabi ni Kyle at hinila na niya yung apat paalis. Naiwan kaming dalawa na nakatulala pa din sa isa't isa.
"so nalaman mo na ngayon na ako si Adrian.." ngumiti ito sa akin na para bang na-prank niya ako..
"bakit hindi mo agad sinabi?" yun ang unang tanong na lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam pero parang may puwang sa utak ko na para bang sa wakas ay nakita ko din siya. Lahat ng ala-ala sa utak ko nung gabing iyon sa resort ay bumabalik..
"akala ko kasi matatandaan mo ako eh kaya hindi ko nalang sinabi.. galit ka ba?" napakunot naman ang noo ko. Sa totoo lang nakaramdam ako ng kirot na para bang pinagmukha akong tanga pero kung iisipin eh dapat nga ba akong magalit?
"hi-hindi ah.. Sabi na nga ba at ikaw si Adrian.." kahit na hindi pa din ako makapaniwala at marami pa akong gustong itanong sa kanya pero pinili ko nalang na wag maging awkward..
"mabuti naman, ngayong alam mo na, ayos pa ba tayo?"
"aba oo naman, kaibigan kita eh at saka wala ka namang ginawang masama.. exept sa pinaniwala mo ako na magkaibang tao si Devenance at Adrian.." natawa lang ito sa sinabi ko at inaya akong tumingin sa view ng kanilang terrace.
"nakakainis ka kasi eh, hindi mo naalala yung itsura ko.." para siyang bata sa asal niya.
"sila Mantha rin naman hindi ko nakilala pero hindi nila ako ginanyan.."inis kong sabi sa kanila..
"hahaha pasensya na, gusto ko lang talagang sabihin sa iyo yung tungkol dito kaso naghahanap pa ako ng tyempo.." habang tinitignan ko siya ay napansin kong wala nga siyang pinagkaiba sa lalaking nakilala ko sa resort. Siya nga talaga si Adrian..
oo nga pala may nakalimutan ako. Kinuha ko ang isang maliit na box mula sa aking bulsa at ibinigay ito sa kanya.
"ano 'to?" tanong niya.
"birthday mo hindi ba? pasalamat ka at kararating lang ng allowance ko galing sa school kung hindi wala akong regalo sayo.."
natawa lang ito at binuksan na ang maliit na kahon. Pagbukas niya ay agad siya napangiti..
"necklace.. salamat.." sabi nito.
"happy birthday.."
nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"thank you so much.."
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
Любовные романыWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...