Jomel's POV
Natapos ang klase at sa totoo lang, wala na ako sa mood, nasira na ang araw ko dahil sa mokong na katabi ko. Hays, sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako nakakilala ng taong sobrang kulit at napakapakealamero. Nasira tuloy yung earphone ko, Kailangan ko nanaman bumili ng bago pero feeling ko hindi ako makakabili dahil nakabudget na yung pera ko ngayong buwan. Ayaw ko rin namang humingi kay mama.. Hays bahala na nga, Pagbigay nalang ng allowance ko ako bibili..
"psst.." ito nanaman, magsisimula nanamang mangulit 'tong katabi ko. Napakafeeling close niya ha? Ni hindi ko nga alam pangalan niya at wala naman akong pake kung sino siya, ang akin lang bakit napakakulit niya.
ilang beses pa siyang sumitsit habang ako naman ay inaayos na ang aking gamit. Matapus kong ilagay ang lahat ng gamit ko sa aking bag ay tatayo na sana ako ng tumayo rin ang katabi ko at hinarangan ang dadaanan ko kaya wala akong nagawa kung hindi harapin siya.
"bakit ba ang kulit mo?" naiinis kong tanong sa kanya.
"uhm.. sorry kasi nasira ko yung earphone mo, hayaan mo na, papalitan ko nalang. Ikaw kasi hinila mo eh kaya naputol.."
nagsosorry ba talaga siya o sinisisi ako? Lalo lang akong nainis sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot at tinulak nalang siya upang tumabi.
sisihin daw ba ako? Eh siya nga yung nakasira.. Bwisit na lalaki yun..
...
pagdating ko ng bahay ay agad akong nagpalit ng damit pambahay at ginawa ang mga gawaing bahay, nagluto na rin ako ng ulam upang mamaya pagdating ni mama galing ng trabaho ay kakain nalang kami ng hapunan.
pagtapus kong gawin lahat ng iyon ay humiga na ako sa aking kama at nagbasa ng libro. Maya-maya pa ay nagvibrate ang aking cellphone. May nagmessage sa akin, hindi rehistrado ang number nito ngunit nakilala ko kung sino ito dahil nagpakilala siya.
From:0949*******
Hi Mel, si Mantha 'to. Nakauwi ka na ba?
hindi ko alam pero magkahalong tuwa at kuryusidad ang naramdaman ko dahil sa mensahe niya. Bakit niya ako tinatanong kung nakauwi na ako at saan niya nakuha ang number ko?
maya-maya pa ay may nag-add sa akin sa messenger groupchat. Si Mantha ang nag-add sa akin, Tinignan ko ang mga miyembro na kasali dito at nakita ko ang iba pa niyang kaibigan na kasama namin doon sa resort. Hinanap ko ang pangalan ni Adrian ngunit wala siya sa groupchat na iyon.
Brent: Welcome Joms!
Kyle: Hi Joms! kamusta?
TJ: Siya ba yung nakilala natin sa resort?
George: Siya ba yun?
Mantha: Oo siya yun, tropa na natin siya from now on.natuwa ako sa sinabi ni Mantha, Sa pagkakatanda ko kinwento sa akin ni Adrian na magkakaibigan na sila simula pa nung Junior Highschool. Ibig sabihin matagal na silang magkakaibigan..
Kyle:Welcome sa bago natin kaibigan na si Joms!
TJ: mas ahead tayo sa kanya ng isang taon so siya ang bunso sa grupo natin!
George: Napaka OA mo TJ.
Brent: Welcome Joms our new friendnatuwa ako sa mga pinagchachat nila.. Mukhang tama nga ako dati na mababait sila.. Hindi nila ako kinalimutan..
gusto ko sanang itanong kung bakit wala si Adrian sa groupchat pero nahihiya ako. Nag thank you ako sa kanila at sa pagwelcome nila sa akin bilang bago nilang kaibigan at pagtapus nun ay pumunta ako sa inbox ng messages. Hinanap ko ang pangalan ni Adrian, ng makita ko ito ay nagdalawang isip ako bigla.
ito pa kaya ang ginagamit niyang number?
pipindutin ko na sana ang kanyang pangalan ng bigla siyang nagmessage sa akin.
From: Adrian
kamusta? Long time no text ah?napatitig ako sa cellphone ko dahil hindi ako makapaniwala na nagmessage siya sa akin. Halos dalawang buwan siyang hindi nagmessage sa akin, akala ko nga nakalimutan na niya ako.
nagreply ako agad sa kanya.
To: Adrian
Hello, ayos lang naman. Kaya nga eh..
hindi ko alam kung ayos lang ba ang sagot ko sa kanya dahil pagtapus nun ay hindi na siya nagreply.
habang hindi pa siya nagrereply ay nakipagkulitan muna ako sa ibang kaibigan niya. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at dumating na si mama, Kumain na kami ng hapunan at pagtapus nun ay muli na akong humiga sa kama.
tinignan ko ang messages ngunit hindi pa rin nagrereply si Adrian.
Bakit hindi siya nagrereply?
nagvibrate ang cellphone ko. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang aking cellphone at nahulog ito sa aking mukha.
Tinignan ko agad ang message dahil akala ko ay si Adrian iyon ngunit si Mantha pala.
From: Mantha
Kamusta? Naghapunan ka na ba?
hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mensahe niya pero nagreply ako upang hindi niya isipin na medyo na awkward-an ako sa biglaan niyang pagtext.
To: Mantha
kakatapus ko lang kumain. Ikaw ba?
wala pa sigurong kalahating minuto ay nagreply na ito agad sa akin.
From: Mantha
Good. Magpahinga ka na see you sa school! Goodnight.
dahil sa reply na iyon ay napagisip-isip ko na baka nangangamusta lang si Mantha..
pagtapus ng usapan namin ay wala na, muli kong hinintay ang message ni Adrian ngunit hindi talaga siya nag message. Inantok nalang ako kakahintay pero wala pa din talaga.
Siguro hindi na talaga siya magrereply. Hayaan na nga natin. Kailangan ko ng matulog at may klase pa ako bukas.
To Be Continued...
A/N: May idinagdag and binago lang ako ng konti hehez.
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...