Mantha's POV
nakatitig ako sa lalaking nakaupo sa aking harapan habang siya ay umiinom ng kape. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa paghihinala ko sa kanya.
"ngayong alam mo na, na hindi ako ang gumawa nun. Anong gagawin mo?" tanong niya.
"pasensya na kung pinaghinalaan kita, pwede bang maging magkaibigan na tayo ulit?"
ngumisi siya at inilapag ang kanyang kape.
"hindi mo ba talaga ako nakikita bilang karelasyon mo? Hindi pa huli ang lahat. Wala pa naman kayong relasyon ni Jomel hindi ba?"
"pero gusto ko siya George, bakit ba hindi mo ako maintindihan?"
ayaw ko siyang mawala dahil nag-iwan ako ng pangako sa kanya na hindi ako mawawala sa tabi niya, dahil kaibigan ko siya. Alam ko ang lahat ng pinag-daanan niya. Alam ko ang lahat ng sakit na naranasan niya. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil simula pagkabata ay kami na ang magkasama. Sandalan namin ang bawat isa ngunit hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi ko siya kayang magustuhan dahil kaibigan ko siya at ayaw kong masira ang pagkakaibigan na iniingat-ingatan ko.
"kasi alam kong naguguluhan ka lang..."
napatigil ako sa sinasabi niya. Bakit ba pare-parehas sila ng sinasabi? Hindi ko maintindihan kung bakit nila nasasabing naguguluhan lang ako.
huminga ako ng malalim at tumayo.
"ituturing pa rin kitang kaibigan ko, nangako ako sayo at tutuparin ko iyon. Mauna na ako..." at pagtapus nun ay lumabas na ako.
...
Adrian's POV
tatlong araw nalang at aalis na si Jomel ng bansa. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa aking tabi at inalala ang lahat. Mukhang hindi ko na siya makikita pa. Parang nung nakaraan lang kami nagkakilala, sa resort. Yung nakakagaan ng loob niyang ngiti, yung pisngi niyang nakakabuhay ng loob, at yung ugali niyang nakakatuwa.
kung ibang tao lang siguro siya ay maiinis ako pag sinungitan niya ako pero iba ang atake niya sa akin. Para niya akong ginayuma at lagi siyang pumapasok sa aking isip.
nagvibrate ang aking cellphone at nung makita ko kung sino ang nag-iwan ng mensahe ay agad kong binalik ito sa aking bulsa. Ilang araw ko ng hindi kinakausap si Rica matapus kong malaman na siya ang nag-utos sa mga lalaking iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala ngunit hindi ko rin siya kayang harapin at sabihin sa kanyang alam ko na ang totoo dahil nakakaramdam ako ng galit.
Paano niya nagawa iyon kay Jomel? Bakit kailangan pang umabot sa ganito?
ilang beses pang nagvibrate ang aking cellphone ngunit hindi ko iyon pinansin hanggang sa matapos ang klase ko sa umaga. Bumaba ako at inaya ang aking mga kaibigan na kumain.
"kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo, sino ba yan?" tanong ni TJ.
"baka si Rica yan kaya ayaw niya sagutin..." sabi naman ni Brent.
"hindi mo pa rin ba siya nakakausap?" tanong ni Kyle sa akin.
inilapag ko ang kutsara at tinidor sa lamesa.
"hindi ko siya kayang harapin, sa sobrang galit ko sa kanya parang ayaw ko nalang siyang makita. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun..."
"wala ka ba talagang balak na kasuhan siya?"
yan din ang gusto kong gawin pero naisip ko kasi na hindi sapat ang pagkakakulong para sa ginawa niya. Mawawala ng tuluyan si Jomel dahil sa kanya. Dahil sa kanya para akong mababaliw.
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...