Jomel's POV
nakatitig lang ako sa salamin habang inaalala ang nangyari at muli akong napaluha. Hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos. Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na siya nagparamdam sa akin at dahil doon ay nakaramdam ako ng pangungulila sa kanya.
marami akong gustong itanong sa kanya, marami akong gustong malaman tungkol sa kanya. Kung bakit niya iyon ginawa, kung bakit hindi niya ako hinintay. Napagod na ba siya? Nainip? Kaya siya naghanap ng iba.
bakit si George pa? Bakit kaibigan pa namin? Paano ko na sila haharapin? Magiging kaibigan pa ba nila ako pagtapus nito?
"Mel, are you ok there?" sigaw ng kaibigan kong si Navid sa labas ng banyo. Pinunasan ko ang aking luha at lumabas.
"are you sleeping in the powder room?" nakangisi nitong tanong. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nauna ng lumabas.
"Uncle, why you want me to go there?"
ngumiti lang si papa na kanina pa naghihintay sa amin sa labas ng bahay.
"your parents told me to bring you with us because you're too greedy of girls..." sarkastiko kong sagot sa kanya.
"it's fine, there's also a lot of beautiful girls in the Philippines..."
hinampas ko siya dahil sa kanyang sinabi. Kahit kailan talaga napakababaero neto.
hindi ko nga alam kung bakit kami naging close nito sa loob lang ng dalawang taon. Kung hindi lang close si papa sa parents niya at kailangan ko ng kakilala dito sa amerika hindi ko 'to papansinin.
"you know what, I think you should stay here. you annoys me..." sumakay na ako sa loob ng kotse.
"really, you don't think I'm handsome?"
"handsome my ass!"
napatigil kaming dalawa nang magsalita na si papa.
"maayos ang lagay ng mama mo, sinabihan ko na rin sila na darating tayo bukas ng hapon..."
tumango lang ako bago ilagay ang aking earphone sa aking tainga at pumikit.
nangako si papa na bibigyan niya ng trabaho si mama upang may pagkaabalahan ito pero ang sabi niya hindi naman daw mahirap ang trabahong binigay niya kay mama. Ginawa niya ito ng walang consent ni lola, yung mama ni papa na napakamaldita. Hindi rin iyon alam ng current wife ni papa dahil ang pangako niya dito ay ako lang ang kanyang tutulungan sa pag-aaral. Pumayag na rin ako kay papa na siya na ang magbayad ng tuition ko sa college. Humingi siya sa akin ng pangalawang pagkakataon na hindi ko naman pinagkait. Narealize ko kasi na gusto lang naman talaga ni papa na tulungan ako at maging ama sa akin. Hindi ko alam kung tanggap na ni mama ng buo na hindi na talaga sila magkakabalikan ni papa pero ipaparamdam ko nalang sa kanya na kahit wala na sila ay nandito pa ako. Si papa na rin nagsabi na hindi niya ako kukunin kay mama basta hayaan ko lang siyang tulungan ako sa aking pag-aaral.
sa tingin ko mas ok na yun kaysa kimkimin ko ang nangyari. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon...
idinilat ko ang aking mata, tumingin sa labas ng bintana at tinanaw ang aming nadadaanan.
hindi ko alam kung paano siya haharapin kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Alam kong masakit pero kailangan kong malaman ang nangyari. Ayaw kasing ikwento sa akin ni Adrian dahil alam niyang masasaktan lang ako lalo. Ayaw rin magkwento ni Kyle at ng iba pa.
huminga ako ng malalim at bumalik sa pagtulog. Nagising ako ng huminto ang sasakyan at nagsalita si papa.
"we arrived guys, put out the luggages..."
Adrian's POV
"tita kamusta na po? Nagsabi po sa akin si Jomel na babalik na siya dito..."
umupo ito at inilapag ang dala niyang juice para sa amin.
"sinabihan na rin ako ng papa niya..."
nagkaroon ng saglit na katahimikan bago ako muling magsalita.
"galit po ba kayo kay Mantha?"
alam kong alam ng mama ni Jomel ang tungkol sa kanilang dalawa at alam ko ring alam niya ang nangyari kaya gusto ko siyang tanungin tungkol dito.
"hindi na bumibisita dito si Mantha simula nung araw na iyon at alam kong naguguilty siya sa ginawa niya. Hindi ako galit kung hindi mas nag-aalala ako sa nararamdaman ngayon ng anak ko..."
"pasensya na po sa ginawa ng kaibigan namin..." sabi ni Kyle.
"ayaw niyo na bang maging kaibigan ang anak ko?" nabigla kaming apat sa tanong ng mama ni Jomel.
"bakit niyo naman po nasabi yan, bunso po namin si Jomel kaya hindi namin siya iiwan..." nakangiting sagot ni TJ.
"nasira ang samahan niyo dahil sa nangyari, kinuwento sa akin ni Jomel na dati pa kayong magkakaibigan..."
"hindi naman po dahil sa kanya kaya nasira kami, dahil po yun sa ginawa ng kaibigan namin sa kanya..." tugon ni Brent.
ngumiti ang mama ni Jomel.
"salamat dahil nagkaroon siya ng kaibigan na kagaya niyo..."
...
"Ang sikip Kyle! Umusog ka nga!" reklamo ni TJ.
"umusog na ako!" sagot naman ni Kyle.
"bakit kasi sasakyan pa ni Adrian ang ginamit natin eh pwede naman yung van mo nalang..." sabi ni Brent.
"ang iingay niyo hindi ba kayo nahihiya kay tita?" tumingin ako sa front mirror upang pagsabihan sila pero hindi sila nakinig at tuloy lang sila sa pagrereklamo.
"bakit ba kasi ang laking bulas mo Brent? Kinakain mo ba refrigerator nyo?" pang-aasar ni Kyle.
napatingin ako sa mama ni Jomel na tuwang-tuwa habang pinagmamasdan silang tatlo sa back seat. Hinayaan ko nalang silang mag-ingay hanggang sa makarating kami sa airport.
kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, para akong naiihi sa sobrang excitement. Matagal rin kaming hindi nagkita at aaminin kong namiss ko siya. Na-miss ko ang kanyang mukha, na-miss kong hawakan ang kanyang buhok at makita ang kanyang ngiti.
hindi ko tuloy maiwasan na kiligin tuwing aalalahanin ko yung paggagala namin sa mall, pagkain namin sa canteen nang magkasama, pagkukwentuhan namin, pangongopya ko sa kanya, at pagtuturo niya sa akin ng kung anu-ano.
ilang saglit pa ang aming hinintay hanggang sa marinig ko ang sigaw ni TJ.
"nandyan na sila!"
napatingin ako sa direksyong tinuturo niya at nakita ko ang lalaking naglalakad habang hila niya ang kanyang luggage. Natulala ako nang makita siya.
ang lalaking gumugulo sa isip ko ay narito na...
..........................................................................................
Author's Note:
Dito na po nagtatapos ang unang yugto ng MY HEROIN. Maraming salamat po sa pagbabasa at sana abangan nyo po ang ikalawa dahil mas marami pa po kayong aabangan dahil marami pang mangyayari at uungkatin natin ang istorya nila Mantha, George, Kyle, at Navid. Muli, maraming salamat po!
-Kit_Kat_Mel
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...