35

1.3K 45 2
                                    

Mantha's POV

"umamin na sa akin si Jomel, gusto niya rin ako..." sabi ko kay Adrian sabay lagok ng alak. Pagtapus ng unang araw ng sports festival ay nag-aya sa akin si Adrian na mag-inom.

"ganun ba?" nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

"alam kong may gusto ka rin sa kanya pero pinipigilan mo ang sarili mo..." 

kilala ko si Adrian dahil magkababata kami. Alam ko ang bawat kilos niya, may gusto na siya kay Jomel nung araw na nasa resort palang kami.

"wag mo siyang sasaktan..." 

hindi siya basta-basta bibitaw kay Jomel pero alam ko ang kahinaan niya. Kailangan niyang bumitaw, ayaw kong maguluhan ang isip ni Jomel dahil natatakot ako sa sinasabi ni George. Hindi ako mapalagay dahil malapit sila nito kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang tuluyan ng lumayo si Adrian sa kanya.

"wag ka mag-alala hindi ko siya sasaktan, magfocus ka nalang sa girlfriend mo..." 

maya-maya pa ay nag vibrate ang aking cellphone. Nagtext na si Jomel. Tumayo na ako at inilapag ang perang pambayad sa alak.

"una na ako, nagpapasundo na sa akin si Mel..." bago pa ako tuluyang lumabas ay may sinabi pa siya.

"kukuhain ko siya sayo sa oras na saktan mo siya..." 

nakaramdam ako ng kaba sa kanyang   ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Ngumisi lang ako bago tuluyang lumabas.

...

ngayon ang pangatlong araw ng sports festival at dahil last day na ito ay medyo nakaluwag na kaming mga journalist ng school kaya kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko.

"ang daming chicks dun pre oh!" sigaw ni TJ habang naglalakad lakad kami. Hindi ko siya pinansin dahil busy ako kakatitig sa lalaking umiinom ng juice na binili ko para sa kanya. Napakacute niya at konti nalang ay pipisilin ko na ang pisgi nito.

"marami pa tayong madadaanang pagkain kaya wag ka munang magpakabusog..." sabi ko sa kanya. Tumawa ito at humawak sa kanyang tyan.

"marami pang kasya dito." 

nginitian ko siya at ginulo ang kanyang buhok.

"na saan pala si Adrian? Ang sabi niya susunduin niya lang ang girlfriend niya ah" napatingin kami kay Kyle nang magsalita siya.

"humiwalay ata sa atin para hindi maistorbo" natatawang tugon ni Brent.

tatawa sana ako nang mapansin ko si George na hindi umiimik at pasulyap-sulyap sa akin.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa kanya. Alam kong nasasaktan siya at dahil dun ay nakokonsensya ako pero anong magagawa ko? 

Hindi ka niya gusto! Ang gusto niya si Adrian! Naguguluhan lang siya dahil sa mga pinapakita mo sa kanya...

napatingin ako kay Jomel, nagulat ako nang makita ko ang hindi mawari niyang ekspresyon habang nakatingin kay Kyle.

paano kung ang gusto niya talaga ay si Adrian?

nilingon niya ako at nagtanong kung bakit ako nakatingin sa kanya ngunit hindi ako sumagot at nginitian lang siya.

"nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap..." napalingon kami kung saan naglalakad si Adrian at Rica papalapit sa amin.

"Hi Mel, it's nice meeting you again..." natahimik kaming lahat ng batiin ni Rica si Jomel. Iba ang tono ng boses niya at kita sa kanyang mata ang kaplastikan.

alam kong naiinis siya kay Jomel dahil may gusto si Adrian dito. Alam niya ang totoo pero pilit niya pa ring sinasalba ang relasyon nilang dalawa. Naaawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya minsan..

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon