Jomel's POV
gaya nga ng sinabi ko, wala kaming pasok ngayon dahil weekend. Maaga akong nagising upang tulungan si mama sa gawaing bahay. Mamaya pa namang alas singko ng hapon ang birthday party ni Mantha kaya marami pa akong magagawa.
natapos ko ang lahat ng gawain ng alas onse ng tanghali, kumain na rin ako ng tanghalian dahil wala naman na si mama, medyo maaga pa kaya nagbukas muna ako ng aking cellphone. Pagbukas ko ay nakita ko ang message nila sa groupchat, mukhang may pinag-uusapan ata sila tungkol sa basketball, maglalaro ata sila. Hindi na sana ako magchachat ngunit bigla akong minention ni Mantha. Pinaalalahanan niya lang ako na pumunta ako mamaya. Nagreply ako ng oo at muling sinara ang groupchat. Nagiiscroll ako sa aking newsfeed ng maisipan kong puntahan ang wall ni Adrian. Hindi siya nagmessage sa akin nitong umaga, siguro nga ay busy siya.
gaya nga ng sabi ko, hinanap ko ang pangalan niya sa groupchat namin at doon ko nakita ang account niya at pagtapus nun ay pumunta ako sa wall niya. Wala naman siyang picture na kita ang mukha niya, ang tanging picture na nakita ko ay picture niya habang nakatalikod siya at yun lang. Hindi ko tuloy maiwasang imagine-in ang itsura niya.
Bakit ba hindi ko makilala yun? Sa tuwing inaalala ko ang itsura niya ay tanging liwanag lang ang nakikita ko sa mukha niya.
hayaan mo na nga, pupunta naman siya mamaya.
Nagbasa nalang ako ng aking libro upang magpalipas ng oras, pagdating ng ala-una ay naligo na ako at naghanda ng susuotin. Hindi ako mapormang tao dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang bagay sa akin sa hindi kaya kung anong meron akong pang-alis ay yun nalang.
saktong 2:30 ay umalis na ako, tinext sa akin ni Mantha kung saan ang kanyang bahay niya. Medyo malayo ito sa amin pero alam ko naman ang lugar. Pagbaba ko ng tricycle palabas ng bahay namin ay nagdecide nalang ako mag taxi.
...
4:30 ako nakarating sa tapat ng bahay nila. Pagbaba ko ay medyo nagulat ako dahil malaki ang bahay niya. Well hindi ko talaga inexpect na ganito kalaki, nakaramdam tuloy ako ng hiya.
sa labas pa lang, rinig ko na ang napakaraming tao at musika sa loob ng bahay nila. Nahihiya akong kumatok sa kanilang gate kaya nagtext nalang ako na nandito na ako. Maya-maya rin ay lumabas na siya kasama si Brent.
"mabuti at nakarating ka.." sabi nito.
"happy birthday, wala kong regalo ah." tugon ko.
"ano ka ba ayos lang yun, importante um-attend ka."
umakbay ito sa akin at naglakad na kami paloob ng bahay.
kung anong kinalaki ng harapan ng bahay nila ay dumoble pa ang laki nito sa loob. Kita mo ang matataas at magagara na chandelier, mga kubyertos na mamahalin, mga pagkain na sigurado akong sosyalin, at mga panauhin na magagara din ang mga damit. Nahiya tuloy ang minimal t-shirt ko at faded pants.
inilapit niya ako sa magulang niya, bumati ako at ganun din sila. Akala ko ay pagmamatahan nila ako gaya ng mga kamag-anak ni papa. Yung halos ipahiya na ako sa mga bisita. Ngunit mabait sila..
pagtapus namin doon ay pumunta na kami sa lugar kung saan nakapwesto ang iba pa naming kaibigan. Naroon sila sa bar area ng bahay at nakapwesto sa isang bilog na table. Marami pang tao sa lugar na ito, binati nila ako at binati ko rin sila. Pag-upo ko ay agad akong sinalukan ng alak ni TJ na mukhang nakainom na.
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
Roman d'amourWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...