Jomel's POV
kinabukasan pagpasok ko ng classroom ay wala si Adrian, kakatapus lang namin magreview kahapon tapus hindi nanaman siya papasok?
tinext ko ito pero hindi naman siya sumasagot. Siguro kasama nanaman niya si Rica.
Hinayaan ko nalang ito at inilapag na ang aking bag. Pagtapus ng klase namin sa umaga ay break time na. Kasama ko ngayon sila Mantha habang kumakain.
"may gagawin ka ba mamaya Mel?" tanong ni Mantha na katabi ko sa upuan.
"gagawin ko lang yung assignment na binigay sa amin kanina. Bakit?" tugon ko.
"wala naman... Balak ko sanang bumili ng libro, baka may mairekomenda ka sa akin kaya gusto ko sanang magpasama..." napatingin naman ang apat sa kanya na para bang nagulat ito.
"kailan ka pa nahilig sa libro?" tanong ni Brent.
"nagbabasa ka pala ng libro Mantha?" tanong rin ni TJ. Natawa naman ako sa reaksyon nila dahil parang naninibago ata sila sa sinabi ni Mantha.
"parang lahat ata dito nagiging hilig na ang pagbabasa simula ng maging kaibigan natin si Mel ah..." sabi ni Kyle
"ano ka ba, nag iiba-iba ang hilig ng mga tao..." depensa naman ni George. Nginitian ko ito dahil sa ginawa niya. Kumindat ito at bumalik na sa pagkain.
"hindi siguro kita masasamahan kasi marami kaming assignment ngayon..." sabi ko kay Mantha.
"ganun ba, sige next time nalang siguro..."
...
pababa na ako ng unang palapag nang makasalubong ko si Kyle. Parang may hinihintay ata siya. Nang makita niya ako ay kumaway ito sa akin. NIlapitan ko siya upang tanungin kung sino ang hinihintay niya. Nabigla ako ng sabihin niyang ako ang hinihintay niya. Hindi kami masyadong nakakapag-usap nitong si Kyle pero mayroon na akong alam tungkol sa kanya. Sobrang masiyahin daw siya dati ayon kay Adrian ngunit mayroon daw nangyari kaya nagbago siya bigla. May pagkamisteryoso kasi 'tong si Kyle at hindi ko mabasa ang ugali niya hindi gaya nila TJ at Brent na napakakulit at masayahin.
tinanong ko siya kung bakit niya ako hinihintay ngunit ang sinabi lang niya ay inutusan daw siya ni Mantha na samahan ako sa pag-uwi. Ang sabi daw ni Mantha ay hindi niya daw ako masasabayan sa pag-uwi dahil sa mga responsibilidad niya bilang journalist.
"bakit inutusan ka pa niya eh kaya ko naman umuwi mag-isa..."
"hindi mo pa siguro naiintindihan ang nangyayari pero hindi ko muna sasabihin sayo dahil gusto ko sa kanya manggaling iyon..."
nagtaka ako sa litanya nito. Para bang may alam siya na hindi ko nalalaman. Gusto ko sanang magtanong pero gaya ng sabi niya hindi niya sasabihin kaya hindi nalang ako nag-aksaya ng oras na magtanong. Hinayaan ko nalang siya na samahan ako sa aking pag-uwi ka na sa totoo lang ay medyo nakakailang dahil hindi naman kami nagkakasabay ni Kyle umuwi dati.
"parang gusto ko pumunta sa mall..." ewan ko kung binubulungan niya ang sarili niya o nagpaparinig sa akin.
may libreng oras pa naman ako kaya pwede siguro akong maggala muna.
"tara punta tayo." aya ko sa kanya. Napangiti naman ito na para bang nagtagumpay siya.
...
pumunta kami ng mall at napili niyang maglaro sa arcade. Bakit ba ang hilig nilang magkakaibigan sa arcade?
nakaupo lang ako sa tabi niya habang siya ay naglalaro.
"bakit nga pala wala si Adrian?" alam kong out of the blue yung question ko pero bigla kasi siyang pumasok sa utak ko.
"baka kasama niya si Rica, hindi kasi sila ok nitong mga nakaraang araw kaya siguro bumabawi siya ngayon..."
"ahhh ganun ba?" pareho pala kami ng iniisip.
"alam mo nung makilala ka namin sa resort, naisip na agad namin na maging isa ka sa amin..." nakaramdam ako ng galak ng malaman ko iyon ngunit hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magkwento habang naglalaro.
"ewan ko ba, para mo kaming ginayuma nung una nating pagkikita sa resort kaya hinanap ka namin. Eto namang si Adrian hindi sinabi na nakuha niya pala ang number mo..."
napangisi ako dahil naalala ko yung mga nangyari, yung mga pagpapanggap ni Adrian at nung araw na nagkakilakilala kami sa resort.
"kung babae ka siguro baka pinagkaguluhan ka naming dalawa dahil ganyang ugali ng babae ang gusto namin..."
nagulat ako sa sinabi nito at binatukan siya.
"sinasabi mo bang para akong babae?" sinamaan ko siya ng tingin ngunit natawa lang ito.
"hindi naman sa ganun... anyway, sumama ka sa out of town natin pagtapus ng exam ah?"
actually hindi ko talaga iniisip yang out of town na sinasabi nila, wala rin sa isip kong sumama sa kanila dahil wala akong pera at hindi pa rin ako nagpapaalam kay mama.
"pinag-iisipan ko pa..." iyon lang ang naging sagot ko.
"ganun ba, pag nakapagdesisyon ka na sabihan mo lang kami..."
pagtapus niyang maglaro ay kumain kami. Isa sa mga naobserbahan ko kay Kyle ay napakabait nito. Parang sa kanilang lahat ay siya ang mapagkakatiwalaan. Yung tipong pwede mong sabihin lahat ng sikreto mo sa kanya.
gusto ko sanang magtanong about sa kanya pero nahihiya ako at isa pa hahayaan ko nalang na siya mismo ang magkwento ng buhay niya.
natapus ang araw at feeling ko nakilala ko ng lubusan si Kyle. Hinatid niya pa ako pauwi sa amin gamit ang kanyang kotse.
"pwede mo kong pagsabihan ng problema kung may problema ka..." bababa na sana ako ng kanyang kotse ng magsalita siya. Lumingon ako sa kanya at tinanong kung bakit niya iyon sinabi.
"yung mata mo kasi parang malungkot, basta pag may problema ka magsabi ka lang sa akin, sa amin... kaibigan mo kami..."
ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya bago ako tuluyang bumaba.
pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si mama, hawak ang kanyang telepono habang umiiyak. Napahinto ako sa mga oras na iyon. Pinilit kong maglakad palapit sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko kung sino ang kausap niya at kung bakit siya umiiyak.
"tahan na ma..."
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...