Jomel's POV
Kinabukasan, hindi ko alam pero pagdilat ng mata ko ay cellphone agad ang aking hinanap. Tinignan ko ito at walang mensahe. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot, dissappointment? Saan? Kanino? Kay Adrian?
tss. Hindi ako dissappointed ok?.
pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ni mama. Hindi siya mukhang excited pero sigurado akong may gusto siyang sabihin sa akin.
"oh ma, anong nangyari?" tanong ko.
"pinapapunta ka ng papa mo sa probinsya, doon ka nalang daw muna magbakasyon habang walang pasok. Wala naman akong magagawa kasi papa mo naman yun.. Ano pupunta ka ba?"
medyo nagulat ako sa sinabi ni mama. Mukha ngang galit siya dahil kay papa. Well sino ba namang hindi magagalit. Kahit ako ay nakakaramdam ng galit pero dahil nirerespeto ko si papa ay isinasantabi ko ang mga iyon. Masama ang loob ko dahil iniwan niya kami ni mama pero ayos lang, hindi naman namin siya kailangan. Kaya naman naming mabuhay ng kami lang ni mama, madadagdagan lang ang dalahin ni mama kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang relasyon.
tumango ako bilang sagot. Pumayag ako dahil alam kong magkakaroon ako ng pansamantalang trabaho doon para kahit paano ay makaipon ako. Alam ko namang pinapapunta lang ako ni papa sa probinsya upang matuto akong mamahala ng kanyang business. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na mayaman ang side ni papa at isa yun sa dahilan kung bakit sila naghiwalay. Maarte at matapobre kasi ang lola ko o ang ina ni papa. Magaling yun manghamak ng tao. Mahaba ang kwento pero kung paiikliin, ayaw ni lola kay mama kaya bago pa sila maging mag-asawa ay binigyan na ni lola si papa ng ibang asawa at may anak din sila na mas ahead sa akin ng isang taon.
ewan ko nga bakit sumama pa si papa kay mama ng labing limang taon bago niya tuluyang hiwalayan si mama at sumama dun sa isa pa niyang asawa. Ang saklap no? Hindi ko nga din alam na may ganito pa. Uso pa pala yung mga ganyan gayong na sa 20th century na tayo.
matapos namin mag-usap ni mama ay sinabihan niya akong maghanda na ng damit dahil susunduin daw ako dito bukas ng umaga.
sa totoo lang, ayaw ko din naman talagang pumunta dun kaya lang syempre kailangan ko ding mag-ipon ngayong magse senior highschool na ako, sakto lang rin kasi ang sahod ni mama kaya kailangan ko talaga ng part time habang bakasyon.
kinabukasan ng umaga, paglabas ko palang ng bahay ay nakasalubong na agad sa akin ang driver ni papa. Habang na sa byahe kami ay tahimik lang akong nagbabasa ng libro habang nakikinig ng music sa aking cellphone hanggang sa makarating kami sa malaking farm.
pagbaba ko ay bumungad sa akin ang magandang tanawin ng farm. Maayos na arrangement at alignment ng mga halaman na ngayo'y namumulaklak. Ang ganda nilang tignan.
habang naglalakad ako patungo sa opisina ni papa ay mayroon akong napansing dalawang lalaki sa malayo. Hindi ko sila makita ng maayos dahil na sa kabilang parte sila. Pamilyar sila ngunit hindi ko makilala ang mga itsura nila. Lumingon lang ako saglit sa ibang direksyon pagtingin ko ay wala na yung dalawang lalaki. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagdating sa opisina, pagpasok ko ay nakita ko si papa na nakaupo at nakangiti.
"mabuti at pumunta ka anak, kakaalis lang ng kapatid mo sayang lang at hindi mo siya naabutan.."
yung tinutukoy niya ay yung isa niya pang anak. Gusto niyang kapatid ang ituring ko doon pero syempre hindi ako pumayag, ni hindi ko nga kilala yun at hindi ko pa yun nakikita kahit kailan. Hindi ko rin naman gustong makita.
"bibigyan kita ng trabaho dito para ma-train dahil alam mo naman na maaari kang maging tagapagmana ng mga ito.."
actually ayaw ko maging tagapagmana, nung una natutuwa ako pero simula ng maghiwalay sila ni mama parang ayaw ko na. Pero since kailangan ko mag-ipon ngayon, ok na siguro muna ito. Atleast matutulungan ko si mama.
...
kinabukasan ay nag start na ako. Wala namang naging problema dahil lahat ng trabahador at farmer ay close ko. Pamilyar na ako sa trabaho dito at kilala ko halos lahat ng nagtatrabaho sa taniman na ito dahil bata palang ako ay lagi na akong nandito.
"noy, dalhin mo na ito sa stock room. Samahan mo ako doon.." sabi ni aleng Helen. Tumango at nagsimulang buhatin ang mga kahon.
nung makarating ako sa stock room ay inilapag ko na ang mga kahon. Nakakita ako ng mga shadow sa labas ng stock room noong una ay akala ko si aleng Helen iyon dahil mas nauna ako sa kanyang dumating ngunit ng makalapit ako sa pinto ay nakarinig ako ng pamilyar na boses ng mga lalaki.
"nandito yung kapatid mo?" tanong ng isang lalaki.
"oo ewan ko nga ba bakit nandito yun..." sabi ng isa pang lalaki.
"bakit ka ba galit doon? Sabi naman ni tito mabait yun hindi ba?"
"Ayaw ko sa kanya.."
"hay nako tara na nga, umuwi nalang tayo. Bakit kasi pumunta-punta pa tayo dito.."
maya-maya pa ay wala ng ingay, wala na ring yung mga shadows.
nandito yung kapatid ko?
hinanap ko sila kung saan-saan. Nagmadali akong hanapin siya. Bakit pamilyar ang boses niya? Parang narinig ko na ang boses na iyon..
nakita ko siya sa malayo ngunit nakatalikod siya at may kasama siyang isa pang lalaki.
hindi ko sila makilala dahil malayo sila sa akin.
Sino kaya siya?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...