Jomel's POV
habang paakyat ng classroom ay naisipan kong ilabas ang aking cellphone at tignan ang inbox, binasa ko ang huling pag-uusap namin ni Adrian
kamusta na kaya siya? Na saan naman kaya iyon?
"Bumagsak siya nung nakaraang taon, hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero sa pagkakaalam ko ay dahil sa girlfriend niya.."
yun ang sabi sa akin ni Mantha.. Kawawa naman siya dahil bumalik siya sa grade 11..
Pag-akyat ko ay nakasalubong ko yung lalaki na katabi ko kanina. Tumingin ito sa akin, ako naman ay lumihis ng tingin dahil naiinis ako sa awra niya. Para siyang makulit at spoiled brat..
nagkasabay kaming pumasok at sabay din kaming napaatras sa pinto.
nang-aasar ba talaga 'tong lalaking 'to?
"Una ka na.. MISS.." tuluyan na akong nainis sa sinabi niya, bago ako pumasok sa sinipa ko ang kanyang binti, iniwan ko siyang uma-aray habang hawak-hawak ang kanyang binti at pumasok na sa loob ng classroom.
pag-upo ko ay siya namang sumunod na nakita kong naglalakad palapit sa akin. Tinignan ko siya ng masama upang hindi na niya ako tignan, mukha kasing natutuwa pa siya sa pang-aasar sa akin dahil nakikita ko siyang ngumingiti-ngiti.
Kulang pa ba yung ginawa ko?.
maya-maya pa ay nagsimula na ang klase, pinilit kong mag focus sa klase ngunit itong katabi ko ay nakatitig sa akin. Nakakailang ang ginagawa niya at parang gusto ko ng isampal sa kanya ang mga papel na hawak ko.
"Hi.." bulong nito. Hindi ko ito sinagot at nanatiling makinig sa professor. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng tumutusok sa tagiliran ko.
Tinignan ko siya ng masama dahil sa ginagawa niya. Wala ba siyang balak na makinig sa lesson? Ako kasi meron..
mukhang hindi siya natinag sa pagtitig ko sa kanya ng masama dahil kinakalabit naman niya ako. Ilang beses niya iyon ginawa. This time ay humarap na ako sa kanya.
"ano bang problema mo?" madiin kong bulong sa kanya.
"bakit ba ang sungit mo?" bulong rin nito.
"tumahimik ka nga.."
"ayaw ko nga, hanggat hindi mo ako sinasagot.."napabalikwas kami pareho ng makarinig kami ng malakas na kalabog sa harapan. Nakatingin ang professor sa aming harapan at bakas sa mukha nito ang inis.
"hindi ba kayo titigil sa kwentuhan niyo?" madiin nitong tanong.
hihingi sana ako ng sorry ngunit naunahan naman ako nitong lalaking katabi ko.
"pasensya na mam, may itinatanong lang po ako sa kanya.."
mukhang naniwala naman ito sa sagot netong mokong na 'to at bumalik na sa discussion.
humarap yung katabi ko at nginitian ako. Inirapan ko lang ito at bumalik na sa pagbabasa.
....
Last subject na ngunit napakatagal ng professor dumating kung kaya nilabas ko ang aking cellphone at earphone at nagpatugtog. Yumukob ako at ipinikit ang mata upang mag relax saglit.
ngunit hindi pala ako makakapagrelax dahil yung mokong na katabi ko ay nagsimulang hilain ang isang parte ng earphone at ipinasak ito sa kanyang tenga.
"ano 'tong pinapakinggan mo?" tanong niya. Inangat ko ang aking ulo at tinanggal sa kanyang tenga ang kabilang parte ng earphone.
"wala ka ng pakealam dun.." yun lang ang sinagot ko at muling yumukob. Akala ko ay hindi na niya iyon uulitin pero nagkamali ako dahil kinuha nanaman niya yung kabilang parte ng earphone.
"mahilig ka pala makinig sa mga tugtog na ganito huh?" sabi nito.
muli kong inangat ang ulo ko at tinanggal ang kabilang parte ng earphone sa tenga niya.
"bakit ba napakapakialamero mo hah? Hindi ka ba nakakaintindi?" sa sobrang inis ay nasabi ko iyon.
akala ko ay titigil na siya pero kinuha niya ulit yung earphone.
"bakit ba ang damot mo?" sabi nito. Sa sobrang inis ay kinuha ko iyon sa kanyang kamay ngunit hindi ko alam na mahigpit ang pagkakakapit niya sa earphone ko kaya ang nangyari ay nahigit ito ng sobra at naputol.
napatigil kami saglit at pareho kaming nakatitig sa putol na earphone.
tinignan ko siya ng masama. Nakakabwisit na talaga 'tong lalaking 'to.
"Anong ginawa mo!?"
pinilit niyang ngumiti at nag piece sign.
"sorry.."
pinigilan ko ang sarili ko at tumalikod sa kanya at inilagay ang putol na earphone sa aking bag.
akala ko pa naman ay magiging ok ang first day ko, masaya na sana kung hindi ko lang nakatabi 'tong lalaki na 'to.
Nakakainis! gusto ko sanang pabayaran sa kanya ito pero hinayaan ko nalang dahil ayaw ko na siyang pansinin. Bakit ba nagkaroon ako ng kaklase na ganito!???
maya-maya pa ay pumasok na ang professor sa last subject namin. Huminga ako ng malalim at nirelax ang sarili.
Wag mo nalang pansinin 'tong mokong na katabi mo Mel... Kaya mo 'to, isang semester lang naman kayo magkakasama..
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...