Jomel's POV
dahil na rin siguro sa pagod at antok ay nakatulog nalang ako. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na ginagawa ni mama. nag-aayos na pala ito ng mga gamit dahil uuwi na kami.
"mabuti naman at gising ka na. Dalian mo na dyan at ayusin mo na ang mga gamit mo dahil maiiwan na tayo ng sasakyan.."
kinusot-kusot ko ang aking mata bago tuluyang kumilos at ayusin ang aking mga gamit.
ng matapos ay inalalayan ko pa ang iba kong kamag-anakan. Kahit papaano ay nag-enjoy ako sa dalawang araw at isang gabi naming reunion kasama ang mga kamag-anakan namin. May mga nakilala akong bagong kaibigan, teka nga. Parang hindi ko pa sila nakikita. Kanina pa ako nag-iikot dito sa resort pero hindi ko pa sila nakikita.
"anak! aalis na tayo." sigaw ni mama sa malayo. Tumango ako at nagmadaling kinuha ang aking bag bago lumabas ng resort.
siguro nauna na silang umalis. Hindi ko man lang natanong ang kanilang facebook account pero hayaan mo na.
paglabas ko ay nagulat ako ng makita ko silang nag-aayos ng gamit sa kanilang sasakyan.
napansin ako ni Adrian. Kumaway ito sa akin at lumapit.
"aalis na kayo?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.
nagkaroon ng kunting katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagkikibuan at naghihintay kung sino ang unang magsasalita o magbabato ng tanong.
"pwede ko bang.." sabay naming sabi. Natawa kami pareho dahil sa nangyari.
"sige na ikaw na mauna.." nagpaubaya na ako dahil nahihiya din akong itanong ang facebook account niya. Syempre lalaki kami at awkward yon para sa amin.
"gusto ko lang sanang hingiin yung number mo.. uhmm kasi hindi ba sabi mo sa CMU ka mag-aaral ng senior highschool syempre baka magkita tayo doon at saka gusto rin talaga kita maging kaibigan.." sabi nito.
napangiti naman ako sa hindi malamang dahilan. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at ibinigay ito sa akin. Nilagay ko naman ang aking numero at ibinalik ito sa kanya.
"I-tetext nalang kita. Salamat Mel, kitakits nalang sa CMU.." kumaway ito sa akin bago tuluyang bumalik sa kanilang sasakyan.
"Ano pa bang ginagawa mo diyan? Sumakay ka na at baka maiwan ka ng sasakyan.." napalingon naman ako kay mama na hinihintay ako sa baba ng sasakyan.
"nandyan na ako ma.." nagmadali akong sumakay at umupo sa tabi ni mama.
maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Tinignan ko ito at nakita ko ang mensahe ng isang hindi rehistradong numero.
From: 094567*****
Hi, nice meeting you. See you sa CMU!
alam kong si Adrian ito kaya sinave ko agad ang kanyang number. Napangiti ako at nagreply.
To: Adrian
Nice meeting you din. Sana magkita pa tayo ulit
inilagay ko na ang aking cellphone sa aking bag at binuklat ang librong binabasa ko ngunit nang magsimula akong magbasa ay hindi ako makapag focus dahil na sa isip ko ang itsura niya.
tumingin ako sa tanawin habang inaalala ang kanyang mukha. bumibilis ang tibok ng puso ko at muling kumurba ang ngiti sa aking labi.
sana magkita tayong muli at sana sa muling pagkikita natin ay mas makilala pa kita.
Pagbalik namin ng bahay ay agad akong humiga sa aking kama at nagpahinga, masyado kasing maaga ang uwi namin kaya parang nabitin ang aking tulog.
paggising ko ay tanghali na. Tinignan ko ang aking cellphone at nakita ko ang isang mensahe mula kay Adrian.
From: Adrian
pwede ba kitang tawagan?
hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nirereplyan siya.
To: Adrian
sige lang.
maya-maya pa ay nag ring na ang aking cellphone.
"Oh bakit gusto mo kong tawagan?"
"wala lang. Bawal ba?"
"hindi naman gusto ko lang malaman kung bakit.."
"wala nga lang. Nakauwi na kayo?"
"kanina pa, nakatulog na nga ako eh.."
"ahhh ibig sabihin hindi ka pa nagla lunch?"
"hindi pa, ngayon pa lang.."
"ahh ganun ba. Sige na kumain ka na muna.."
"ok sige.."ibinaba ko na ang tawag. Ewan ko pero nakaramdam ako bigla ng awkwardness nung tumawag siya. Napailing nalang ako at lumabas na ng kwarto. Sakto namang kakaluto lang ni mama ng tanghalian kaya kumain na kami diretso. Pagtapus nun ay wala naman na akong ginawa kung hindi magbasa ng libro sa kwarto..
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...