13

2K 69 1
                                    

Jomel's POV

nagising na lamang ako ng niyugyog ako ni Devenance. Kahit na mapungay pa ang aking mata ay pinilit kong tumingin sa kanya at itanong kung bakit niya ako ginigising.

"punta tayo ng mall, nakakabored dito.." sabi nito. This fast few days sa tuwing magkasama kami nitong si AJ ay may napapansin na ako sa ugali niya. Ewan ko kung sa akin lang o sadyang napakakulit niya talaga, dominante din siya sa mga bagay-bagay at gusto niya siya lang ang nasusunod, well sinusunod din naman niya ako pero sa tuwing may gusto siyang gawin gaya nalang ng pagsama ko sa comfort room sa kanya. Babae ba siya para samahan ko pa? Tapus minsan pag kakain kami eh siya na madalas pumipili at bumibili ng kakainin namin. Hindi naman ako umaangal dahil hindi naman ako mapili, hinahayaan ko lang siya sa ganung ugali niya at iniintindi. 


"anong gagawin natin dun?" tanong ko

"may bibilhin lang sana akong stock para sa condo unit na binili ko kumakailan lang.." nagulat ako sa sinabi nito. Bumili siya ng condo? Ilang taon lang naman ang agwat naming dalawa hindi ba?

"bumili ka ng condo?" tumango lang ito sa akin ng kaswal at parang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Siguro nga mayaman talaga 'tong si Devenance.

"eh bakit dito ka nagpunta imbis na sa condo mo?" tanong ko.

"wala akong kasama dun eh at saka gusto ko rin makita 'tong bahay mo.." tumayo na ito at nag-unat. Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway ng mapansin ko ang malaking bukol sa gitna ng pantalon nito. Nakatapat kasi ito sa akin kaya napansin ko agad. Umiwas naman ako ng tingin at tumayo na rin.

"sige magbibihis lang ako..." hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad ng tumakbo sa kwarto baka kasi makita niya ang namumulang mukha ko. Ano ka ba naman Mel! Kung anu-anong napapansin mo!

...

"sure ka bang ikaw lang mag-isa dun sa condo unit mo? Eh napakarami naman ata nitong binili mo.." wala naman talaga akong pake kung madami yung bibilhin niyang essentials at pagkain pero ang akin lang, balak niya bang bilhin 'tong buong supermarket? Eh ilang cart 'tong dala namin habang nakapila kami sa counter. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao pero itong si Devenance eh mukhang wala namang pakialam.

"syempre stock ko na rin yan para di na ko lalabas para bumili.."

"kaya binili mo na lahat ng paninda dito?" sarkastiko kong tanong. Natawa ito at ginulo ang buhok ko.

"ok lang yan, hindi naman tayo magbibitbit niyan kasi ipapadala yan lahat sa condo ko.." may sinabi ba akong nag-aalala ako na baka kami ang magbitbit ng lahat ng 'to? Kahit na sabihin niyang kami magbitbit nito hindi ko 'to bibitbitin no! Iwanan ko talaga siya mag-isa.

"oh bat nakasimangot ka? May nasabi ba ako?" 

"wala, may iniisip lang ako.."

"pagtapus nito may pupuntahan pa tayo.." ewan ko pero kinabahan ako sa tono ng pananalita niya, nakakadagdag pa ng kaba yung itsura niyang parang nang-aasar..

"saan naman?"

...

"bibilhin ko 'to, pati na yan.." minsan naiinis talaga ako sa mayayaman, kung bakit ganyan sila gumastos. Tinitignan ko palang yung presyo ng mga kinukuha niyang polo eh napapatulala nalang ako. 15k para sa isang polo? Anong klaseng tela ginagamit nila dito? Pilak? Ginto?

"tara dito may ipapakita ako sayo.." dahil hindi pa rin ako makaget over sa mga nakikita ko eh hindi ko namalayan na hinila na pala ako ni Devenance sa isang toy shop.

bumalik ako sa aking sarili ng makita ko ang isang malaking panda stuff toy. Nilapitan ko iyon at unti-unting tinignan ang presyo. P3,999.99...

nilayuan ko agad ito at aalis na sana pero hinila ako pabalik ni Devenance.

"bilhin natin yan para sayo.." sabi nito. Tumanggi naman ako dahil hindi ko ata kayang tumanggap ng mga ganyan kamahal na bagay at saka hindi ko naman birthday.

"dali na, gift ko na yan sayo kasi sinamahan mo ako ngayon.." tatanggi sana ako ulit kaso binitbit na niya ito at ibinigay sa counter.

hindi ko ata talaga siya kayang pigilan sa mga gusto niyang gawin. Hayaan mo na nga, pera naman niya yan..

...

ilang oras pa kaming nagikot-ikot sa mall hanggang sa maisipan na niyang kumain. Sa wakas, kanina pa ako nagugutom, hindi ko lang sinasabi sa kanya kasi wala naman akong nakikitang mga kwek-kwek o tusok-tusok dito sa loob ng mall.

"ang mahal naman dito, mag fast food nalang tayo Devenance.."ako nalang mismo yung sumusuko sa pagiging magastos niya, nahihiya na ako dahil siya lahat ang gumastos tapus binilhan niya pa ako ng stuff toy. 

"pili ka lang dyan ako na bahala.." pero siya na rin naman nagsabi na ako na bahala hindi ba? Susulitin ko nalang 'to. Mukhang masasarap din ang pagkain sa restaurant na ito eh.

"oh hinay-hinay lang, nababasa ko na sa isip mo.." sabi nito at natawa kami pareho.

"eto nalang sakin, pati 'tong isa na 'to.. ay eto rin pala then last na.. ito din.." napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita ko siyang tumatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"oo na sige na pumili ka lang dyan.." 

...

"uyy salamat, hinatid mo pa ako sa bahay. Nakakahiya.." 

ngumiti lang ito sa akin.

"ano ka ba, ako nga dapat magpasalamat sayo kasi sinamahan mo ako.."

"salamat ah, sige una na ako. Ingat ka pauwi sa inyo.." kumaway na ako sa kanya at tumakbo na papasok sa bahay.

pagpasok ko ay sumalubong agad sa akin si mama..

"oh saan ka nanaman nanggaling? Akala ko kung ano ng nangyari sayo, hindi ka man lang nagpaalam sa akin.."

"pasensya na ma, sinamahan ko lang po yung kaklase ko sa mall kasi may binili.."

"ganun ba, sige na matulog ka na maaga pa ang pasok mo bukas.."

"ok po.." pagtapus nun ay pumasok na ako ng kwarto. Habang nagpapalit ako ng pambahay ay napahinto ako.

Naiwan ko yung teddy bear sa sasakyan niya!

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon