Jomel's POV
pagdating namin sa bahay ay pinaupo ko muna sila sa sofa at naghanda ako ng juice. Wala pa si mama kung kaya kami lang ang nandito.
"malaki naman pala ang bahay nyo eh.." sabi ni Brent.
"actually kay papa talaga 'tong bahay namin at hindi sa amin.."
alam kong nagtaka sila matapus kong sabihin iyon pero hindi sila nagtanong kaya hinayaan ko nalang..
"na saan ang comfort room nyo Mel?" tanong ni TJ
"sabi sayo natatae talaga yang si TJ kanina pa eh." kantyaw ni George at nagtawanan kami.
"naroon sa kanan.." pagturo ko sa daan papuntang banyo.
hindi naman sila masyadong nagtagal sa bahay kaya hindi rin sila naabutan ni mama. Kumain lang kami at nagkwentuhan saglit at pagtapus nun ay umuwi na sila.
pagtapus namin kumain ng hapunan ni mama ay nagtungo na ako sa aking kwarto at nakipagchat sa kanila. Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Adrian.
From: Adrian
Hello. Kamusta? Kumain ka na ba?
hindi ko nga pala siya nareply-an kaninang umaga.
-
To: Adrian
pasensya na ngayon lang kita nareply-an. Ok naman ako, bakit nga pala wala ka kanina?matagal siya bago nagreply.
-
From: Adrian
masama kasi ang pakiramdam ko kanina kaya hindi ako nagpakita, pasensya na kung hindi ako nagpakita kanina ah?
-
To: Adrian
ayos lang, pero ok ka naman na ngayon?
-
From: Adrian
hindi pa medyo nilalagnat ako.
-
To: Adrian
ahhh ganun ba. Pagaling ka..
-
From: Adrian
sige, matutulog na ako para makapagpahinga. Goodnight.gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung totoo bang repeater siya pero hindi ko na iyon naitanong. Marami pa akong gustong itanong sa kanya sa personal kaso nga hindi ko pa siya nakikita..
...
"Rivera, lunch tayo.." pag-aaya ni AJ. Ewan ko pero kami lang ata yung magkakilala na apilyedo ang tinatawag sa isa't isa. Mukha kaming pormal pero ayos lang yun. Kung doon siya komportable eh makikisabay nalang ako.
Tumango ako at sabay kaming naglunch sa canteen.
Habang kumakain ay napatingin ako sa kanya dahil parang may sinesenyasan siya sa aking likuran.
napatingin ako sa aking likod at nakilala ko ang mga likod nina Kyle at Brent na ngayo'y naglalakad palayo. Tinawag ko sila pareho at sabay din silang huminto. Lumapit sila at napansin kong parang hindi sila mapakali.
"kumain na kayo? Ay siya nga pala si AJ.." pagpapakilala ko sa kaharap ko.
ngumiti sila at nagkamayan ngunit halata sa kanila na hindi sila mapakali.
"anong nangyayari sa inyo?" tanong ko sa dalawa.
"ah.eh.. wala naman.. sige na una na kami kasi gagawin pa kami ni Brent.. Hindi ba Brent?" siniko ni Kyle si Brent na siya namang tumango.
"ahh oo, may gagawin pa kami eh.." pagtapus nun ay kumaway na sila sa amin at nagmadaling umalis.
Anong nangyari sa dalawang yun?
muli akong humarap kay AJ at nakita kong hindi rin siya mapakali at pinagpapawisan siya.
"huy, anong nangyari sayo?" tanong ko at hinawakan ang kanyang noo.
"may sinat ka ah? Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.
"a-ayos lang ako.. May sakit kasi ako kagabi. Hindi pa siguro ako masyadong magaling pero ayos naman ako.."
sa sinabi niyang iyon ay naalala ko bigla ang sinabi ni Adrian. Masama din ang pakiramdam niya kagabi hindi ba? Ayos na kaya siya ngayon?
muli akong napatingin kay AJ na ngayon ay kumakain na ulit. Hindi kaya.. ay nako napakaimposible. Hindi nga siya kilala nila Brent at Kyle.
"bakit ka nakatingin? Ayos nga lang ako! Kumain ka na dyan.." sabi nito. Nagsimula na ulit akong kumain at hindi na nagsalita...
...
maagang natapos ang klase namin kaya maaga din kaming pinalabas. Nagpaalam na si AJ na uuwi na siya habang ako naman ay nagiikot-ikot sa aming building. Sabi nila dito lang banda sa amin ang classroom ni Adrian...
sinubukan kong tawagan si Adrian. Hindi niya ito sinagot ngunit nag-iwan siya ng mensahe.
From: Adrian
Bakit ka tumawag? nagkaklase pa kami..
-
To: Adrian
Saan ang classroom mo? Puntahan sana kita..ilang minuto ang lumipas ngunit hindi ito nagreply. Siguro nga ay nagkaklase pa siya. Tumingin tingin ako sa labas ng mga classroom ngunit hindi ko matandaan ang itsura niya.
ang tanga ko din eh. Hinahanap ko siya eh hindi ko nga makilala ang mukha niya.
at dahil dun ay nagdesisyon nalang akong umuwi. Pag-uwi ko sa bahay ay nagpalit ako ng pambahay. Matapus kong gawin ang lahat ng kailangan gawin sa bahay ay nagdesisyon muna akong manood ng palabas sa sala. Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Mantha.
"Mel, punta ka sa birthday ko bukas.."
"hah? Birthday mo na bukas?"
"oo hahaha di ko nasabi sayo kanina kasi marami kaming ginagawa eh.."
"ganun ba? Sige wala namang klase bukas.."
"ok sige.."pagbaba niya ng tawag ay agad akong nagtext kay Adrian.
To:Adrian
pupunta ka ba bukas sa birthday party ni Mantha?ilang minuto ang lumipas bago ito nagreply.
From: Adrian
siguro, kailangan ko kasi tumulong sa business ni papa bukas. Pero pag maaga akong natapos ay pupunta ako.hindi na ako nagreply at nagpatuloy sa panonood pero hindi ko maiwasang maexcite sa hindi malamang dahilan.
Pag-uwi ni mama ay kumain na kami ng hapunan. Habang na sa hapagkainan ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa birthday party ni Mantha bukas. Pumayag naman ito at papayag talaga ito dahil minsan lang ako pumunta sa birthday party. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga okasyon dahil mas gusto ko ang mga tahimik na lugar, nagbabasa ng libro o kaya nakikinig ng musika.
Pagtapus nun ay humiga na ako at binuksan ang aking cellphone. Mayroong message at ito ay galing kay Adrian.
From: Adrian
Hello. Kamusta? Naghapunan ka na ba?hindi muna ako nagreply dahil napaisip ako. Ilang gabi na niya akong minemessage ng ganito. Tatanungin niya kung kamusta ako o kung kumain na ba ako.
Hindi ko alam pero medyo awkward ang nararamdaman ko sa tuwing tatanungin niya ako ng ganito pero sa bukod pa doon ay bumibilis ang tibok ng puso ko at parang nakakaramdam ako ng saya. Napakaweird ng feeling..
tumihaya ako at tumingin sa kisame. Pilit kong inalala ang itsura niya ngunit hindi ko talaga maalala.
bakit ba hindi ko makilala ang itsura niya?
dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang iniisip siya..
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...