28

1.5K 52 0
                                    

Jomel's POV

"nakaayos na ba lahat?" tanong ni Kyle na ngayon ay na sa driver's seat.

"si Adrian nalang ang kulang, kasama niya yung girlfriend niya..." sabi ni Mantha na aking katabi sa upuan.

kakatapus lang ng exam namin kahapon at ngayon ang simula ng holiday at ngayon araw rin kami aalis papunta sa pagbabakasyunan namin. Hindi sana ako sasama sa kanila dahil nga wala akong pera pero kasi sinundo ako ni Mantha sa bahay kaninang umaga...

FLASHBACK

mahimbing ang tulog ko dahil napagod ang aking utak sa mga sinagutan naming exam kahapon. Iniisip ko na sa wakas ay makakapagpahinga ako sa bahay namin.

maya-maya pa ay nakarinig ako ng kalabog mula sa pinto. Pilit akong bumangon dahil narinig ko ang boses ni mama mula sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil may kasama pala siya at ito ay si Mantha na nakaporma at may dalang luggage.

"bakit hindi mo sinabi sa akin na may out of town pala kayong magkakaibigan? Dalian mo na at magbihis ka na!" nakatulala lang ako dahil hindi ko ineexpect na pupuntahan ako ni Mantha sa aking bahay. Nawala rin kasi sa isip ko yung out of town na sinasabi niya.

"pero ma wala akong pe--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Mantha.

"hindi nga kailangan ng pera. Nagpromise na rin ako kay tita na aalagaan ka namin don..." kinindatan pa ako nito pagtapus.

"ano ka ba naman anak, wala ka namang gagawin dito sa bahay kung hindi humilata lang maghapon kaya sumama ka na sa kanila..."

hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni mama at ganyan siya magsalita sa akin ngayon.

"eh paano ka ma?" tanong ko.

"wag mo ko alalahanin. May trabaho na ako kaya sige na maghanda ka na..."

napakamot nalang ako ng ulo habang naglalakad pabalik sa kwarto.

"tulungan na kita Mel, maligo ka na kasi..." sumenyas ito sa akin na parang nababahuan siya. Hinampas ko ito at inilabas na ang aking mga damit.

END OF FLASHBACK

"pasensya na guys at sobrang late kami..." dumating na si Adrian kasama si Rica. Hindi ko alam na isasama pala niya si Rica sa out of town na 'to pero bakit hindi diba?

saglit kaming nagkatinginan ni Adrian. Nginitian niya lang ako at dumiretso na silang dalawa sa upuan malapit sa likod. 

"nandito na lahat ng gamit sa likod!" sigaw ni Brent sa likod.

umupo na ang lahat at sinimulan ng paandarin ni Kyle ang makina. Ang sabi sa akin ni Mantha ay sa resort daw kami nila Kyle pupunta sa may Zambales. Mayayaman talaga ata silang magkakaibigan, nahihiya tuloy ako dahil isang simpleng mamamayan lang ako ng Pilipinas.

nakatitig lang ako sa salamin habang tinatanaw ang mga nadadaanan namin habang ang iba ay may kanya-kanyang ginagawa. Sina Brent at TJ ay naglalaro ng online games sa likod, napakaingay nila at nagtatawanan silang dalawa. Sina Adrian at Rica naman ay nagkukwentuhan lang din ng tahimik. Si Kyle naman ay busy sa pagdadrive at katabi niya si George na mahimbing ang tulog. Nang makita ko siya ay hindi ko tuloy maiwasang maghikab dahil naalala kong maaga pala ako nagising.

Mantha's POV

nakikinig lang ako ng mga kanta sa tabi ni Jomel na ngayo'y humihikab-hikab. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Siguro ay napagod siya sa exam kahapon. Maya-maya pa ay naramdaman kong dumantay siya sa aking balikat, tinignan ko ito at nalaman kong nakatulog na pala siya.

Ang cute niya tignan habang natutulog, isabay mo pa ang mabango niyang amoy na nakakaadik. 

may gusto ako sa kanya, hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay sumasaya ang araw ko. Hindi siya marunong magpatawa pero napapasaya niya ako. 

nakita kong kumunot ang noo niya. Hinawakan ko ito at hinilot, nawala ang kunot ng noo niya at kumalma na ang ekspresyon ng mukha niya. Nanatili lang nakabantay sa kanya ng napansin kong parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa front mirror at nakita ko si George na nakatingin sa akin. Umiling ito at ibinaling na ang tingin sa bintana. Hinayaan ko lang siya at nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan. 

Nakababa na ang iba ngunit hindi pa siya nagigising at mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya kaya hinayaan ko lamang siya.

"gisingin mo na siya." sabi ni George. Napatingin ako sa kanya dahil galit ang tono ng boses nito.

"mauna na kayo, hihintayin ko nalang siyang magising.." 

dahil siguro sa pag-uusap namin, hindi pa nakakalayo si George ay naramdaman ko ang paggalaw niya. Kinusot niya ang kanyang mga mata at narealize niyang nakatulog pala siya habang nakadantay sa balikat ko. Tumingin ito sa paligid...

"na sa loob na sila ng resort..." sabi ko

"pasensya na, napasarap ata ang tulog ko..."

gusto ko sanang tumawa dahil sa itsura niya ngayon pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka magalit ito. Magloko ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

"ayos lang, tara na baka hinihintay na nila tayo sa loob..."

paglabas namin ng van ay nakasalubong namin si Adrian sa front door ng resort

"nandyan na pala kayo..." sabi nito at bumalik rin agad sa loob.

...

Jomel's POV

pagtapus kong ayusin ang aking gamit sa taas ng kwarto ay pumunta ako sa sala kung saan nakita ko silang nagtuturuan kung sino ang magluluto ng hapunan.

"bakit kasi walang chef dito sa resort niyo?" pagrereklamo ni TJ.

"nakabakasyon kasi silang lahat ngayon kasi nirerenovate pa 'tong resort..." sagot ni Kyle.

"reklamo ka ng reklamo TJ ikaw nalang kaya magluto..." sabi ni George.

"wag baka puro sunog kainin natin." natatawang tugon ni Brent.

natatawa ako sa kanila dahil ni isa sa kanila ay walang marunong magluto.

"ako nalang ang magluluto." umabante ako sa aking pwesto at lumapit sa kanila.

"sure ka?" tanong ni Mantha. Tumango lang ako at nagpaalam na sa kanila.

 Sinamahan ako ni Kyle at Mantha papunta ng kusina. Nagulat ako dahil napaka industrial ng kusina. Kumpleto ang gamit at halatang mamahalin ang mga ito.

"tulungan na kita..." offer ni Mantha pero tinaggihan ko ito at sinabing maghintay na lang sila sa dining area.

"marunong ka magluto ng pochero?" tanong nito. Natawa ako dahil specialty ko ang pochero at yun ang paborito ni mama. 

"oo naman." sagot ko.

"ipagluto mo ako nun ah? Pero ako lang kasi hindi sila kumakain nun.." malambing nitong litanya. 

"ano ka may utusan?" masungit kong tanong. Nagulat ako ng um-aray ito bigla habang hawak-hawak ang balikat niya.

"ang sakit ng balikat ko, sino ba kasing dumantay dito ng napakatagal..."

naalala kong may utang pala ako sa kanya dahil sa ginawa ako. Hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako pag naalala ko yun.

hays! Pagbibigyan ko na nga siya.

"oo na sige na umalis ka na dito." tinulak-tulak ko siya palabas ng kusina

"aray! teka masakit yung balikat ko!" pagrereklamo nito pero hindi ko siya pinansin at tuluyan ko siyang napalayas sa kusina.

nag-unat ako at tinignan ang mga hilaw na karne at gulay.

sana masarapan sila sa luto ko...

To Be Continued...

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon