Jomel's POV
habang kumakain kami ay panay ang puri nila sa mga luto ko. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ito.
"bakit si Mantha iba yung ulam?" tanong ni Brent.
"nagpaluto kasi ako kay Mel ng paborito kong pochero, hindi ko inaakala na mas masarap kang magluto kaysa sa mga helper namin sa bahay..." tugon ni Mantha.
"may favoritism ka ah." sabi ni TJ habang nakatingin sa akin.
nabigla ako ng akbayan ako ni Mantha.
"syempre ako ata unang naging close niya, hindi ba Mel?" pagyayabang nito. Inasar lang siya ng iba dahil sa sinabi niya pero nagulat kaming lahat ng tumayo si Adrian. Walang sabi-sabi siyang umalis ng dining area. Tumahimik kaming lahat dahil sa nangyari.
"pupuntahan ko lang siya..." sabi ni Rica at umalis rin agad.
ano kayang nangyari sa kanya?
...
matapus naming kumain ay hindi pa rin bumabalik ang dalawa kaya napagdesisyunan kong hanapin silang dalawa hanggang sa makita ko si Rica na mukhang galit. Tinawag ko siya upang itanong kung anong nangyari pero wala itong sinabi at hindi ako pinansin.
nag-away nanaman ba sila?
hinanap ko si Adrian at nakita ko siyang nakaupo sa pampang habang nakatingin sa dagat. Lumapit ako dito at umupo sa tabi niya.
"bakit nandito ka?" galit na tanong nito. Ngayon ko lang napansin na mainit pala ang ulo nito.
"anong nangyari?" tanong ko.
"wala." mabilis na sagot nito. Kinulit ko ito pero nagulat ako ng tumayo ito.
"wala nga ang kulit mo ah." pagtapus nun ay umalis na siya at iniwan ako.
bakit ang init ng ulo nun?
pagbalik ko ay hindi ko na muna siya hinanap dahil sigurado akong hindi pa yun kalmado ngayon kaya nakipagkwentuhan muna ako sa iba naming kaibigan. Napagdesiyunan nilang umakyat na ng kwarto at manood ng nakakatakot. Nagpaiwan nalang ako sa baba dahil hindi ako mahilig manood ng nakakatakot.
Kumuha nalang ako ng pagkain sa refrigerator at umupo sa sala habang nakatanaw sa dagat. Nakakarelax pala mag out of town, parang nawala saglit sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin nung na sa bahay pa ako.
nakarinig ako ng kalabog mula sa malapit ng tingnan ko ay si Adrian lang pala ito. Hindi ko siya pinansin dahil baka mainit pa ang ulo nito. Hahayaan ko nalang muna siyang ganyan hanggang sa siya na ang kumausap sa akin.
...
"pasensya na Mel, tatlo lang kasi ang kwarto dito, yung isa para kila Adrian at Rica, tapus yung isa ginawa munang bodega habang nirerenovate pa yung ibang kwarto kaya hindi pwedeng gamitin..." ayaw ko sanang magreklamo kay Kyle dahil wala naman akong karapatan pero kasi hindi kami kasya sa kwarto. Dalawang queen-size bed lang ang meron dito sa loob ng kwarto at anim kaming hihiga dito.
"hayaan mo na sa sofa nalang ako hihiga sa may baba..." sabi ko. Kumuha ako ng isang unan at lalabas na sana ng pahintuin ako ni Mantha.
"teka ako din sa baba nalang din matutulog." lumabas na rin ito ng kwarto.
"sure kayo? Pwede naman tayong magsiksikan sa loob.." natatawang tanong ni Kyle.
Tumango kami pareho ni Mantha at bumaba na kami sa living room. Pagdating namin ay nagkatitigan kami dahil iisa lang ang mahabang sofa.
"ano?" tanong nito at pareho kaming natawa.
"sa lapag nalang tayo matulog may carpet naman eh..." sabi ko at pumwesto na. Sumunod naman ito sa akin at humiga na rin.
nakatingin lang kami sa kisame at nagpapakiramdaman. Nakaramdam ako ng awkwardness dahil narealize ko na first time kong makatabi siya sa pagtulog. Naalala ko kasi bigla yung nangyari nung birthday niya.
hays! bakit ba ngayon ko lang naalala ang bagay na iyon!
"wala tayong kumot, baka lamigin ka mamaya..." sabi nito. Hindi ko siya pinansin at nagbato ako ng ibang mapag-uusapan
"kamusta na yung balikat mo?" tanong ko.
"maayos naman..."
"pasensya na ah? hindi ko na uulitin..." may ibinulong ito pero hindi ko ito narinig. Tinanong ko kung ano iyon pero hindi niya sinabi.
"ang sarap mo magluto, ang swerte siguro ng makakarelasyon mo." nakaramdam ako ng malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.
humarap ito sa akin at niyakap ako.
"uy ano bang ginagawa mo?" naiilang kong tanong.
"mamaya lalamigin ka, wala tayong kumot kaya magbody heat nalang muna tayo..." sagot niya.
"hindi ka ba naiilang? pareho tayong lalaki..."
nararamdaman ko ang pagkabog ng malakas ng aking dibdib at ano mang oras ay parang sasabog ako.
"bakit naman? Wala namang masama sa ginagawa ko." sabi nito.
hinayaan ko nalang siya at maya-maya pa ay nakatulog na kami sa ganoong pusisyon...
Adrian's POV
bumaba ako upang uminom ng tubig ng mapansin kong may nakahiga sa lapag ng living room. Nakita ko sina Jomel at Mantha na natutulog ng mahimbing. Nakayakap si Mantha kay Jomel habang si Jomel naman ay nakapatong ang kamay sa ulo ni Mantha
nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, nagmadali akong kumuha ng tubig sa refrigerator at bumalik sa kwarto namin ni Rica.
Nakita ko si Rica na nakahiga at mukhang tulog na. Tumabi na ako at niyakap siya ngunit hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kani-kanina lang.
bakit ba ako nasasaktan? Ano bang nangyayari sa akin?
umayos ako ng higa at kinuha ang aking cellphone. Tinignan ko ang litrato ni Jomel na naka save sa aking cellphone. Kuha ito noong pumunta kami sa mall upang bumili ng stock sa bahay...
hindi kaya... may gusto na ako sa kanya?
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...