Jomel's POV
"Hello po tita!" kasalukuyan kaming kumakaing tatlo sa loob ng kwarto nang may bumulaga sa amin. Si TJ ito kasama ang iba pa naming kaibigan.
"pasensya na po at ngayon lang kami dumating , may pasok po kasi kami" paliwanag naman ni Kyle.
"kaibigan mo rin sila anak?" tanong ni mama sa akin
"opo ma.." tuluyan ko silang pinapasok si kwarto. Nagkatinginan kam ni Adrian ngunit iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya. Ipinakilala ko sila kay mama.
"hindi ko alam na ang ganda pala ng mama mo Mel, may pinagmanahan ka..." sabi ni Brent. Natawa naman si mama habang ako ay sinamaan siya ng tingin.
"kaya pala mukhang bata si Mel kasi mukhang bata rin yung mama niya..." sabi naman ni TJ.
"sabi ko sa inyo wag kayong maingay eh, may sakit pa si tita oh." binatukan ni Adrian yung dalawang madaldal.
napansin kong wala si George kaya itinanong ko kung na saan siya ngunit ang sabi lang nila ay may ginagawa ito ngayon kaya hindi siya makakasama.
napansin kong natuwa si mama nang makita niya ang mga kaibigan ko. Nakipagdaldalan sila kay mama at mukhang magaling sila magpasaya ng nakatatanda.
habang busy sila lahat sa pagkukwentuhan ay lumapit sa akin si Adrian at inaya ako sa labas ng kwarto.
"bakit hindi mo sinabing may nangyari sa mama mo? Kaibigan mo ba talaga ako?" nabigla ako sa mga binato niyang tanong.
"eh kasi ayaw kitang maabala at isa pa narito naman si Mantha..."
mukhang nainis ata siya sa sinagot ko.
"porket nandyan si Mantha hindi mo na ako kailangan? Kakausapin mo lang ba ako pag kailangan mo ako?"
hindi ko maintindahan kung bakit ganyan ang reaksyon niya. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganyan.
"hindi naman sa ganun Adrian, ayaw lang talaga kitang maabala..."
hindi ko alam kung tama pa ba ang isinasagot ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Mabuti nalang at huminahon na siya at mukhang bumalik na siya sa kanyang sarili.
"pasensya na, hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko..."
tinapik ko lang ang likod niya at sinabing ayos lang iyon. Alam kong marami rin siyang iniisip ngayon at ayaw kong makadagdag sa mga iniisip niya.
"ang sabi ni daddy, pwede ka daw magpart time sa company pero as trainee lang at hindi employee pero sasahudan ka pa rin naman. Kailangan mo lang kumuha ng permit sa school dahil scholar ka pero sure naman ako na papayagan ka ng school dahil partners ang school at company ni daddy..."
nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya.
"talaga?" ngunit naisip ko din si mama dahil hindi ko pa siya nakakausap.
"kailangan mo rin ng parent consent at resume. Pwede mong ipasa through e-mail. Ibibigay ko sayo yung e-mail na pagsesend-an mo..."
tumango lang ako bilang sagot at pumasok na kami muli ng kwarto. Masaya pa rin silang nagkukwentuhan. Parang masaya talaga si mama habang kausap sila.
kailangan ko talagang magtrabaho para hindi na siya mahirapan. Kaya ko naman siguro magtrabaho. Kakayanin ko gaya ni mama...
...
the next day habang na sa ospital pa si mama ay nagbigay sa akin ng mensahe si Adrian na gusto daw akong makausap ng kanyang daddy. Kinakabahan ako ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko.
Hindi ko pa rin nasasabi kay mama ang aking desisyon pero sa ngayon kailangan kong makapasok sa company ng daddy ni Adrian.
nagpaalam ako kay Mantha at sinabi niyang siya muna ang magbabantay sa mama ko. dalawang araw na akong hindi pumapasok at ganun din siya. Sinabihan ko siya na ayos na kami ni mama pero ayaw pa rin niya umuwi.
"ayaw kitang iwan dito mag-isa..."
yun ang sabi niya sa akin ngunit iba ang naging dating sa aking ng mensahe niyang iyon. Nakaramdam ako ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. Sa tuwing naiisip ko iyon ay nag-iinit ang aking mukha at para bang sasabog ako.
bakit ba napakabait niya?
narito na ako ngayon sa tapat ng kompanya ng daddy ni Adrian. Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya upang iparating na narito na ako. Ilang saglit pa ay nakita ko na siyang naglalakad palabas ng building. Nakaformal suit ito at ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa itsura niya tuwing na sa eskwelahan kami at nakasuot siya ng uniporme.
nang makita niya ako ay nilapitan ko siya.
"ready ka na ba?" natawa ako sa sinabi nito at sabay kaming pumasok sa building.
Napakalawak ng loob nito. Para bang isa itong five star hotel dahil sobrang classy at sosyal nito. Malalaki ang chandelier na nakasabit sa lobby ng building. May mga nadaanan din kaming offices na napakalawak. Umakyat kami sa elevator at nakita kong pinindot ni Adrian ang pang-limang palapag. Pagbukas ng elevator ay sinalubong kami ng mga empleyadong busy sa tapat ng mga computer. Mukhang sobrang busy nila at ang iba ay nagmamadali pa sa paglalakad habang may hawak-hawak na mga papel ngunit nang makita nila si Adrian ay napatigil silang lahat at yumuko ang mga ito. Nagulat ako sa respetong ipinakita nila kay Adrian.
pumasok kami sa isang malaking opisina at nakita ko sa dulo nito ang isang lalaki na hindi katandaan at napakamatipuno. Siya na siguro ang daddy ni Adrian dahil hawig sila.
"dad, siya po si Jomel yung sinasabi kong magpapart time sa atin..."
tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, humawak siya sa kanyang baba na para bang nag-iisip ito.
"do you know how to use computer?" tanong nito.
"yes sir but I can only do basics..." sagot ko.
"it's ok, your seniors here will guide you to your work, nakita mo ba yung mga tao sa labas? Sila yung mga sinasabi kong seniors mo. Dun ka magtatrabaho..."
"ok sir."
"I'm going to ask for a permission of the school first since you are a scholar but anyway Adrian can walk you around so you will be familiar in the workplace..."
yumuko ako at nagpaalam na kami sa kanya.
Nilibot ako ni Adrian sa bawat parte ng building. Nalaman kong isa palang gaming company ang company ng daddy ni Adrian. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang chief development ng kanyang daddy na chief executive officer ng kompanya.
honestly hindi ko siya masyadong pinakinggan nung binanggit niya yung ibang trabaho sa company dahil nakakahilo siya pakinggan.
Sa huli ay dinala niya ako sa kwarto na kung tawagin niya ay 'research team'. Anim lang silang naruon sa loob at mukhang busy sila.
"guys siya yung magiging intern niyo ngayon..." napatigil sila nang marining nila ang boses ni Adrian. Nginitian nila ako at kumaway.
"sure na ba yun sir? Eh hindi ba sabi mo balak mo siyang maging--" napatigil yung lalaking magsasalita nang takpan ng babae yung bibig nito.
"wag niyo siyang intindihin sir, sige na po maglibot-libot muna kayo kasi busy po kami..." sabi nito,
nagtaka ako sa naging akto nila pero hinayaan ko nalang at lumabas na kami.
"ano ayos ba?" tanong nito.
"kakausapin ko muna si mama tungkol dito.."
"hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?" hindi ako umimik. Nagvibrate ang aking cellphone nung tinignan ko ito ay nakita ko ang pangalan ni Mantha. Pinapabalik na niya ako ng ospital.
"pasensya na Adrian pero pinapabalik na ako ni Mantha sa ospital. Salamat kasi binigyan mo ako ng trabaho hah?" nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng building.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...