Jomel's POV
naging maganda ang unang araw ng trabaho ko, medyo nakakapagod pero masaya dahil winelcome nila ako na sa team at tinuruan din nila ako nang mga dapat gawin. Hindi ko nakita si Adrian sa buong oras ng pagtatrabaho ko ngunit naisip ko din na sa lawak nitong building ay imposible na magkita kami.
paglabas ko ng building ay nagulat ako nang salubungin ako ni Mantha.
"oh bakit ka nandito?" tanong ko.
"susunduin ka syempre..."
"bakit mo ba 'to ginagawa?" hindi ako naiinis sa kanya ngunit gusto kong linawin dahil naguguluhan na ako sa mga ikinikilos niya.
hindi siya sumagot at mukhang nalungkot ito sa sinabi ko kahit na wala naman dapat ikalungkot.
"ano ka ba, hindi ako galit. Ayaw ko lang na ginagawa mo 'to, naabala ka na ng sobra dahil sa akin..." inakbayan kita upang iparamdam na hindi ako galit.
"gusto ko naman 'to eh at isa pa nangako ako sa mama mo na ihahatid sundo kita..."
kaya pala ako pinayagan ni mama magtrabaho dahil may pinangakuan na siya ni Mantha na ihahatid sundo ako. Hays! Bakit ba tinatrato pa rin akong parang bata ni mama?
"hayaan mo na yun si mama, ayos lang ako kahit hindi mo ko ihatid at sunduin."
nabigla ako ng hawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Nagkatitigan kami at sa oras na iyon ay hindi ko alam ang balak niyang gawin ngunit nararamdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib. Inilapit niya paunti-unti ang kanyang mukha hanggang sa maglapat ang aming mga labi. HIndi ako makagalaw, hindi ako pumalag. Lalong lumakas ang tibok ng aking puso. Nakaramdam ako na parang nag-iinit ang aking mukha. Inilayo niya ang kanyang mukha at tinignan ako. Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko...
hindi kaya may gusto siya sa akin?
...
Mantha's POV
narito ako ngayon sa office ng journalist club upang sabihan ang mga members kung anong gagawin namin sa darating na sports festival. Next week na iyon gaganapin at kami ang nakatoka sa documentation ng mga mangyayari sa tatlong araw na iyon. Magiging busy kami ngayon araw hanggang sa sports festival kaya hangga't maaga pa ay hinati ko na ang mga gagawin namin at pagtapus nun ay dinismiss ko na sila habang ako ay naiwan upang iligpit ang mga papel na nakakalat sa table. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si George. Itinuloy ko lang ang aking ginagawa at hindi siya pinansin.
"may gusto ka pala kay Jomel..." pinapakinggan ko lang siya pero hindi ako makatingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay nakokonsensya ako. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero anong magagawa ko?
"sabi ko na nga ba... sinungaling ka. Ang sabi mo sa akin noon hindi ka nagkakagusto sa lalaki pero palabas mo lang pala iyon..."
hindi ko napigilan ang sarili ko at humarap sa kanya.
"hindi ko din ineexpect na magugustuhan ko siya, hindi ko piniling magustuhan siya. Sana maintindihan mo ako George, kaibigan kita hindi ba?"
natulala siya ng ilang segundo, nakita ko ang pagbuo ng mga luha sa mata niya bago ito tuluyang pumatak,
"Hindi ka niya gusto! Ang gusto niya si Adrian! Naguguluhan lang siya dahil sa mga pinapakita mo sa kanya..."
natahimik ako at napaisip sa sinabi niya. Inalala ko yung nangyari nitong nakaraang araw. Hinalikan ko siya pero hindi siya pumalag o umalma sa ginawa ko. Kung wala siyang naramdaman sa halik na iyon ay itutulak niya ako at sasaktan pero hindi naman siya ginawa kaya anong ibig sabihin nun?
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...