Jomel's POV
napakabilis ng araw, dahil sa sobrang busy sa farm ay hindi ko namalayang malapit na pala ang pasukan. Matapos kong makuha ang huling sahod ko ay nagpaalam na ko kay papa na babalik na ako sa aming bahay. Balak niya sana akong bigyan ng allowance ngunit hindi ko iyon tinanggap.
pagbalik ko sa Maynila ay bumili na ako ng mga gamit na gagamitin ko sa pasukan.
"oh dumating ka na pala, magpahinga ka na dahil maaga ang klase mo.." Sabi ni mama habang nilalapag ko ang aking mga dala.
"sige po, matutulog na po ako.."
...
nagising ako ng maaga dahil sa sobrang excited. Sa wakas makakapag-aral na rin ako sa eskwelahan na isa sa mga sikat na eskwelahan sa buong bansa.
Nakakaramdam ako ngayon ng magkahalong kaba at excitement habang nag-aayos ng aking gamit.
dahil sa sobrang excited ay medyo napaaga tuloy ang dating ko. 8:00 a.m. ang simula ng klase ko eh 7:30 a.m. palang.
dahil nga maaga pa ay naglibot-libot muna ako sa buong building. Napakalawak pala ng eskwelahan na ito. Ang building na iniikot ko ngayon ay building palang ng senior highschool. Napakaraming building dito at napakaganda ng mga disenyo nito.
dahil sa pagkawindang sa aking nakikita ay hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako. Nagkabungguan kami at dahil malaking tao ang nabangga ko ay natumba ako.
tumayo ako at tinignan ang lalaki.
"pasensya na.." yumuko ako bago umalis.
tinignan kong muli yung lalaki na ngayo'y na estatwa sa kanyang pagkakatayo.
anong nangyari dun? Ayos lang ba siya?
...
nang malapit na magsimula ang klase ay umakyat na ako papunta sa classroom at pagpasok ko ay mukhang kakaunti nalang ang pwesto.
ng makakita ako ng libreng upuan ay agad ko iyong pinuntahan.
sakto namang pag-upo ko ay ang pagpasok ng professor. Nagpakilala ito sa amin, ang sunod naman na nagpakilala ay kami at pagtapus nun ay nagsimula na agad siyang magdiscuss.
grabe nagdiscuss agad siya. Hindi man lang nagkwento ng buhay niya. Ganito ba talaga pag pang mayamang school?
kahit na medyo na culture shock ako ay pinilit ko pa ring maintindihan ang mga itinatalakay ng professor then after nun ay nagpagawa siya ng essay patungkol sa topic na iyon. Napakabilis ng pangyayari at para bang takot na takot siyang mahuli sa lesson hahaha.
mabuti nalang pagtapus ng klase niya ay may bakanteng oras kami na thirty minutes.
pagtayo ko sa aking upuan ay nabigla ako ng itinaas ng aking katabing lalaki ang kanyang isang paa at ipinatong iyon sa upuan na kaharap niya.
"Mr. Rivera right?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.
ngayon ko lang na realize na siya pala yung lalaking nakabanggan ko kanina. Bakit parang pamilyar yung mukha niya? Nakita ko na ba siya dati?
"akala ko miss.." at nagulat ako ng humagikgik ito.
nakakatawa ba yun? Ang weirdo naman ng lalaking 'to..
tinapik ko ang paa niya dahil nauubos na ang oras ko.
"tumabi ka nga, hindi ka nakakatuwa.."
natameme siya sa sinabi ko at iyon na ang naging tsansa ko upang makahakbang.
paglabas ko ng classroom ay agad kong hinanap ang canteen. Dahil sa daming pumroseso sa utak ko ay nagutom ako.
hanep siguro mga professor dito. Mukhang mapapalaban ako kaya kailangan ko kumain.
ng mahanap ko ang canteen ay agad akong naghanap ng makakain. Napakadaming pagpipilian dito at nakakaramdam ng excitement ang aking tyan sa mga nakikita ko ngayon.
"isang pork chop nga po.." biglang may sumulpot na lalaki sa tabi ko at sinabi iyon.
napatitig ako sa kanya dahil mukhang pamilyar ang mukha nito. Chinito at maputi...
ng mapatingin ito sa akin ay nagulat rin siya.
"uyy ikaw ba yan Mel?"
hindi ako nakasagot dahil hindi ko siya makilala.
"ako 'to si Mantha! Yung sa may resort.." dahil sa sinabi niya ay agad kong naalaa ang pangyayaring iyon.
"ahhh natatandaan ko na!" tugon ko sa kanya.
"sabi na nga ba at magkikita tayo dito.." sabi niya.
"hindi ko rin inexpect. Kaya pala pamilyar ang mukha mo.." tugon ko.
"ay teka nakabili ka na ba ng pagkain? Tara pili ka na dyan libre ko.." sabi nito. Natuwa naman ang mga intestine ko dahil sa sinabi niya.
...
"kamusta ka na? Hindi na tayo nakapag-usap pagtapus nung araw na yun ah.." sabi nito habang kumakain.
"kaya nga eh.. Naging busy rin kasi ako sa part time ko.." sagot ko naman
"akala ko hindi na kita makikita eh. Alam mo bang hinanap kita sa facebook kaso hindi ko mahanap account mo.."
hindi ko alam pero namula ako dahil sa sinabi niya. Sino ba naman kasi ako hindi ba?
"hahaha ganun ba, ano bang pangalan ng account mo at ako nalang mag-aadd sayo.." nilabas ko ang aking cellphone at ibinigay ito sa kanya.
pagtapus niyang i-type ang kanyang account ay in-add ko ito at saka bumalik sa pagkain.
"i-chachat nalang kita mamaya ah.. pero bago pala iyon nakita mo na ba si Adrian?"
napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ng marinig ko ang pangalang Adrian.
parang pamilyar ang pangalan na iyon.
"sinong Adrian?"
"Si Adrian.. Yung nag-aya sayo uminom nung gabing yun.."
muli ay nagflashback sa akin ang mga pangyayari nung gabing na sa resort kami.
Ahhh! Si Adrian.. Yung kaibigan niya.. Hindi ko matandaan ang itsura niya ngunit ang mga pangyayaring iyon ay naaalala ko pa. Yung lalaking iyon...
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...