Adrian's POV
nakatingin lang ako sa blangkong upuan sa aking tabi at iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, kung tama ba na sabihin ko. Kung ganun din ba ang nararamdaman niya para sa akin.
Alam kong mali 'tong nararamdaman ko pero ayaw kong lokohin ang sarili ko. Alam kong nagugustuhan ko na siya, alam kong sa una palang parang may mali na.
dumating na ang professor sa unang klase namin ngunit hindi siya dumating, hinintay ko siya hanggang matapus ang klase namin sa umaga ngunit wala siya.
"hindi pa rin ba siya nagrereply?" tanong ni Kyle. Hindi ko siya sinagot at nanatili lang na nakatitig sa aking telepono.
"wala din si Mantha ngayon, feeling ko hindi rin siya papasok ngayon..." sabi ni George.
naisip ko na baka magkasama sila ni Jomel ngayon at dahil dun ay hindi ko maiwasang mainis. Naaalala ko kasi yung out of town namin.
napakagat labi ako bago ko i-dial ang cellphone number ni Mantha. Nung sinagot niya ito ay lumayo muna ako sa mga kaibigan ko at humanap ng tahimik na lugar.
"na saan ka ngayon?"
"narito ako sa ospital..." dahil sa narinig ko ay nakaramdam ako ng kaba.
"kasama mo ba si Jomel ngayon?" ilang segundo siyang tahimik bago sumagot.
"oo..." napahinga ako ng malalim dahil naisip ko na baka may nangyari sa kanya.
"ayos lang ba siya? May nangyari ba sa kanya?"
"nakaconfine ang mama niya ngayon sa ospital..."
napatigil ako saglit dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari ngunit iba ang lumabas sa aking bibig.
"saang ospital yan?"
"ayos na ang mama niya, kailangan nalang magpahinga..."
kumunot ang noo dahil parang ayaw niyang malaman ko kung na saang ospital sila ngayon.
"sabihin mo kung na saan kayo."
narinig kong nagbuga siya ng hininga bago sumagot.
"oo na itetext ko sayo."
...
Mantha's POV
"your mom has anemia and ito yung dahilan kung bakit siya hinimatay but your mom is fine. Mamaya ibibigay ko sayo yung reseta ng mga gamot na iinumin niya. Kailangan niya lang magpahinga ng mga dalawang araw dito para maobserbahan pa namin siya..." narinig kong sabi ng doktor kay Jomel at pagtapus nun ay iniwan na siya nito at naiwan kaming dalawa.
humarap ito sa akin at huminga ng malalim.
"sa tingin ko kailangan ko na talaga maghanap ng part time..." ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Alam kong nag-aalala siya sa mama niya at naiisip niyang wag na siya pagtrabahuhin. Sigurado akong nahihirapan siya ngayon.
lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ako sigurado kung mapapagaan ng yakap ko ang nararamdaman niya ngayon pero gagawin ko ang lahat para lang hindi siya maging malungkot.
narinig namin ang boses ng mama niya kaya lumingon kami sa kanyang higaan. Gising na ito ngunit halata pa rin sa mukha niya ang pagod.
"kamusta na tita? Ang sabi ng doktor kailangan niyo pa daw magpahinga ng dalawang araw dito sa ospital..." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito.
"salamat iho sa paghatid sa akin dito sa ospital at pagsama kay Jomel..." ngumiti ako ng marinig ko iyon.
"ayos lang po iyon, ang importante po eh maayos na kayo ngayon..." tugon ko.
tumayo ako at nagpaalam sa kanila na bibili muna ako ng pagkain.
Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong pamilyar na lalaki. Hindi ko nakita ang kanyang itsura dahil nagmamadali ito pero parang kilala ko ang itsura niya.
hindi ba daddy yun ni George?
umiling ako at nagpunta na sa malapit na mini mart upang bumili ng pagkain. Hindi kasi kumain si Jomel mula kahapon dahil siguro sa sobrang pag-aalala ng mama niya.
pagtapus kong bumili ng pagkain ay bumalik na ako ng ospital, na sa tapat na ako ng kwarto ng mama ni Jomel ng marinig kong parang nag-ussap sila at may kausap silang ibang tao.
"hindi ko pwedeng ipaubaya sayo ang anak natin kung may sakit ka. Hindi mo siya maaalagaan ng maayos..."
sa tingin ko ay papa ni Jomel iyon. Ang alam ko ay hiwalay na ang magulang niya pero hindi ko alam na may koneksyon pa pala sila ng papa niya
"maayos lang kami pa, hindi mo na kami kailangan intindihin kasi maghahanap na ako ng trabaho..." sagot ni Jomel
"anong magtatrabaho!? Hindi ka magtatrabaho! hindi ko hahayaang mapunta ka dyan sa papa mo..." sigaw ng mama ni Jomel.
"Ma naman, hayaan mo akong magtrabaho. Magpahinga ka nalang sa bahay..."
"hindi ka magtatrabaho!" sabay na sigaw ng magulang ni Jomel. Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto bago muling magsalita ang papa ni Jomel.
"tandaan mo 'to Noralyn, sa oras na may mangyari sa anak natin. Kukuhanin ko siya sayo. Tandaan mo yan.."
nakaramdam ako ng yabag papalapit sa pintuan kaya tumakbo ako at tumalikod. Narinig ko ang pagbubukas ng pinto at nilingon ko ang lalaking nakatalikod sa akin habang naglalakad palayo.
dahan-dahan akong lumapit sa kwarto at sumilip. Nakita ko si Jomel na nakaupo sa upuan at tulala gaya ng mama niya.
"kain na po kayo, may dala po akong pagkain..." napatingin silang dalawa sa akin nang magsalita ako.
umayos sila ng upo. Inilapag ko na ang mga binili kong pagkain.
"maghahanap ako ng trabaho ma, kailangan kong gawin 'to." narinig kong sabi ni Jomel at lumabas na ng kwarto. Napatingin ako sa mama niya na ngayo'y natulala at hindi nagsasalita.
"uhm tita kumain po muna kayo. Hindi pa po kayo kumakain simula kahapon, susundan ko lang po si Jomel..." sabi ko at nagpaalam na sa mama ni Jomel.
hinanap ko siya sa bawat parte ng ospital ngunit nakita ko siya sa rooftop. Nakatingala lang siya at walang imik. Nilapitan ko siya at kinalabit.
"bumalik ka na sa kwarto at kumain ka na. Hindi ka pa kumakain..." hindi siya sumagot at nanatili sa kanyang pwesto pero maya-maya din ay nagsalita siya.
"ayaw kong sumama kay papa pero ayaw ko ding mahirapan si mama, kaya gusto kong magtrabaho..."
inakbayan ko siya.
"sabihin mo yan sa mama mo, sigurado akong maiintindihan ka niya..." tugon ko.
"salamat Mantha..." ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat at sabay kaming tumingala sa langit.
ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso.
ang sarap sa pakiramdam na magkalapit kami ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngunit hindi ito ang tamang oras.
sana sa tamang panahon masabi ko sayo...
...
Adrian's POV
"bakit ba kasi kayo sumama? manggugulo lang kayo sa ospital eh.." inis na sabi ko habang nagdadrive.
napagdesisyunan kong bumisita sa mama ni Jomel pero malakas ang radar ng mga kaibigan ko at nalaman nila ang gagawin ko kaya sumama rin sila.
"syempre nag-aalala din kami para kay Jomel. Kaibigan din namin siya no." sagot ni Kyle.
"malapit na ba tayo?" tanong ni TJ.
"ito na yun..." sabi ko. Dumiretso kami sa parking lot ng hospital pero bago kami makapagpark ay napatigil ako ng makita ko ang papa ni George na sumakay sa isang sasakyan na nakaparke.
bakit narito ang papa ni George?
"wuy bakit ka tumigil?" tanong ni Brent.
umiling lang ako at ipinarke na ang kotse.
To Be Continued..
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...