33

1.4K 44 0
                                    

Jomel's POV

"alalayan na po kita tita..." pinagmamasdan ko kung paano alalayan ni Mantha ang aking ina. Puno ng sinsiridad ang kanyang mga kilos. 

hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kanilang dalawa ngunit nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko yung tungkol sa pagtatrabaho ko. Hindi ko pa rin nasasabi kay mama yung tungkol dun. Alam kong hindi siya papayag pero kailangan ko talaga 'tong gawin.

habang na sa kotse kami ni Mantha ay tahimik na natutulog si mama sa back seat. Nakita ko ang pasulyap-sulyap ni Mantha sa kanya kaya hindi ko naiwasang magsalita.

"magfocus ka nga sa pagdadrive mo..." 

kumurba ang ngiti sa labi niya at dahil dito ay nagwala nanaman ang mga paru-paro sa aking tiyan.

"nasabi mo na ba sa kanya?" napatigil ako sa pagiimahinasyon nang magtanong siya. 

"hindi pa eh." tumingin siya sa front mirror upang makita niya kung tulog o gising ba si mama.

"bakit kasi dun mo pa napiling magtrabaho?" may halong inis ang boses niya.

"eh wala kong mahanap na ibang trabaho eh buti nga pinayagan ako ng daddy ni Adrian..."

"pasensya na hindi kita natulungan sa paghahanap ng trabaho ha?" 

"ano ka ba! ako nga dapat magpasalamat sayo kasi tinulungan mo ako kay mama, ilang araw ka na ring absent dahil sa akin. Nahihiya na nga ako sayo eh..."

sa totoo lang ay napakabuti niyang tao, napakaswerte ko at naging kaibigan ko ang mga tulad nila. Itinuring talaga nila akong parang bunso ng grupo.

"ayos lang iyon, hindi kita pwede iwang mag-isa at isa pa alam kong nalulungkot ka nitong mga nakaraang araw..."

sumang-ayon ako sa sinabi niya. Tama siya, hindi niya ako hinayaang mag-isa lalo na ang mama ko. Lagi niya rin pinagagaan ang loob ko.

"pero kailangan mo ng sabihin sa mama mo ang tungkol dyan, maiintindihan ka niya. Nag-usap na kami kahapon..."

dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang magtaka.

"ano pinag-usapan niyo? Baka mamaya ay sinisiraan mo na ako kay mama ha?" biro ko.

"hindi ah! Sabihin nalang natin na malapit lang talaga ako sa mama mo..."

...

"dito na ko Mel, ingat ka..." 

nakababa na si mama at kami nalang ang naiwang dalawa sa labas ng gate.

"maraming salamat ah? Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating nung araw na inatake si mama..." 

lumapit siya sa akin at ginulo ang aking buhok.

"sige na, sabihan mo ako pag nasabi mo na sa mama mo..." sumakay na siya ng kanyang kotse at ilang saglit pa ay umalis na siya.

pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si mama na nakaupo sa sofa. Tinabihan ko siya at niyakap.

"pasensya na anak kung hindi kita madala sa magagandang lugar, ni hindi ko nga mabili ang mga gusto mo..." 

nalungkot ako ng marinig ko iyon. Nakakalungkot dahil alam ko na gusto niyang mabigay sa akin ang lahat pero naiintindihan ko naman iyon.

"ayos lang ma, salamat kasi pinalaki mo ako at inalagaan mo ako ng maayos..." hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya.

"ma, payagan mo na ako magtrabaho. Hindi ko naman papagurin ng sobra ang sarili ko. Magpahinga ka na muna sa kakatrabaho. Ayaw kitang mapagod dahil ikaw nalang ang mayroon ako. Ma payagan mo na ako..."

My Heroin : I'm Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon