Mantha's POV
nakatulala lang ako sa bench sa labas ng kwarto ni Jomel kasama ang iba pa naming kaibigan. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Nagsisi ako na hindi ko siya sinundan sa ospital at hindi ako ang unang nakakita sa kanya.
inisip ko kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya at unang pumasok sa aking isip ay si George.
hindi ako papayag Mantha. Hindi ako papayag na maging kayo...
dahil sa galit ay hindi ako nagdalawang isip na lapitan si George at kwelyuhan ito.
"hindi mo ba talaga titigilan si Jomel hah!?"
nagulat siya sa aking ginawa ngunit pilit niyang tinatanggal ang aking mga kamay sa kanyang kwelyo.
"kailan mo ba ako titigilan hah!?"
"ano bang sinasabi mo Mantha! Wala akong alam sa sinasabi mo!"
inawat na ako ng iba pa naming kaibigan.
"wag mo na akong kakausapin kahit kailan! Kalimutan mo ng naging kaibigan mo ako!" dahil sa galit ay nasabi ko iyon.
kita ko ang pagbuo ng mga luha sa kanyang mata at pagtapus nun ay umalis na siya.
"ano ka ba pre! Bakit mo sinabi yun kay George? Wala kang pruweba na siya yung gumawa nun.." sabi ni Kyle.
"pre kumalma ka muna" sabi ni Brent.
hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak
"hindi ko alam ang gagawin pag may nangyari sa kanyang masama..."
...
Adrian's POV
"nakilala niyo po ba yung dalawang lalaki na nakita sa CCTV?" tanong ko sa pulis na aking kausap.
"nakita ang mukha nila sa CCTV, hinahanap na namin ang dalawang lalaki na iyon..."
"bigyan niyo po ako ng update pag nahuli niyo na..." at pagtapus nun ay ibinaba ko na ang tawag.
Nakatingin lang ako kay Jomel na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog. May balot ang kanyang ulo ng tela at mukhang malubha talaga ang nangyari sa kanya. Mabuti na lamang at nakita ko siya sa comfort room.
hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit nila iyon ginawa.
nung napanood ko kasi yung review ng CCTV ay naisip kong may dahilan kung bakit nila iyon ginawa dahil hindi naman sila kinausap ni Jomel.
sino kaya ang may gawa nun?
napatigil ako sa pag-iisip ng bumukas ng malakas ang pinto at nakita namin ang mama ni Jomel.
"anong nangyari sa kanya!?" agad itong naluha habang lumalapit kay Jomel. Lumapit ako sa kanya at hinimas ang kanyang likod upang pakalmahin siya dahil naalala kong kakagaling niya lang ng ospital nitong nakaraang apat na linggo.
"hinihintay nalang po namin ang resulta, magiging maayos po si Jomel tita wag po kayong mag-alala..."
nakaramdam ako ng habag habang tinitignan ko ang mama ni Jomel. Ramdam ko kung gaano kamahal si Jomel ng mama niya.
"pasensya na anak..."
"hindi po kayo ang may kasalanan tita, wag nyo pong sisihin ang sarili nyo..." lumapit pa ang iba kong kaibigan upang pakalmahin ang mama ni Jomel.
maya-maya pa ay may pumasok na isang lalaki at nagulat kaming lahat kung sino ito.
Yung daddy ni George. Nagulat rin siya ng makita kami ngunit hindi niya kami pinansi at lumapit sa mama ni Jomel.
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...