Jomel's POV
pagpasok namin sa loob ng isang fast food restaurant eh mas lalo kong naramdaman ang tensyon ng dalawa at nagkikibuan silang dalawa. Ano ba talagang problema nilang dalawa? Ano bang meron sa kanila?
"eto yung pera ko, isang fried chicken with rice lang sa akin.." inilabas ko ang pera sa aking bulsa at inilapag sa lamesa.
"wag na Mel, libre ko na..." tugon ni Mantha.
"ako na, ako na rin oorder..."pagpepresinta ni Adrian.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ng ngayo'y nagtititigan.
"ok lang ba kayo?" tanong ko ngunit hindi nila ito pinansin.
"sige ikaw bahala,.." sabi ni Mantha.
multo lang ba ako ha?
...
tahimik lang kaming kumakain at hindi ako mapakali dahil hindi naman kami ganito pag kasama namin yung iba. Para tuloy kaming mga kumakain sa burol sa sobrang tahimik namin.
"magkaaway ba kayo?" actually kanina ko pa talaga gustong itanong iyon pero hindi ako makahanap ng tyempo.
Napatingin silang dalawa sa akin at sabay na umiling.
"eh bakit parang anytime magsasapakan kayo sa mga tinginan nyo?"
nagkatinginan silang dalawa at sabay na huminga ng malalim.
"wala iyon, sige na kumain ka na..." tugon ni Mantha.
pagtapus nun ay kumain na sila a hindi na ako pinansin. Natapos kaming kumain na hindi man lang kami nakapagkwentuhan. Ewan ko pero naninibago talaga ako sa mga ikinikilos nila kaya sinubukan kong kulitin ang isa sa kanila
"oy Adrian ok ka lang ba?" hinawakan ko ang kanyang tenga pero nagulat ako ng pumiglas ito at nakita ko ang naiirita niyang ekspresyon na ngayon ko lang nakita.
"oh anong problema? galit ka?" hindi siya sumagot sa tanong ko kaya lumayo ako saglit sa kanya upang magtanong kay Mantha.
"anong nangyari kay Adrian?" tumingin muna siya kay Adrian na ngayo'y walang pakialam sa mundo bago sumagot.
"hayaan mo siya, mamaya kakausapin ko nalang siya..."
...
Adrian's POV
pag-uwi ko ng condo ay agad akong dumiretso sa aking kama at humiga. Tinignan ko ang aking cellphone kung nagtext ba sakin si Rica ngunit wala. Tinignan ko rin ang kung nagmessage si Jomel ngunit hindi rin siya nagtext. Siguro ay nagtataka rin siya kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit, naguguluhan ang utak ko. Dumagdag pa 'to si Mantha. Bakit ganun ang ikinikilos niya sa harap ni Jomel. May gusto ba siya kay Jomel? Posible kaya iyon?
maya-maya pa ay tumawag si Mantha..
speaking of my devil friend..
"nandito ako sa baba ng condo mo, inom tayo..." pagtapus nun eh binaba na niya yung tawag.
inuutusan niya ba akong bumaba?
...
"oh bakit pumunta ka pa dito? Nahatid mo ba si Mel sa kanila?" pagkita ko pa lang sa kanya eh binungadan ko na agad siya ng mga tanong. Tumawa naman ito at umakbay.
"mag-inom tayo, matagal na rin tayong hindi nakakapagbonding eh..."
ngumisi lang ako at naglakad na kami sa bar na malapit sa condo. Pag-upo namin ay um-order na kami ng aming iinumin. Pagdating ng alak ay nagsimula na kaming magkwentuhan. Nung una ay tungkol pa sa school ang pinag-uusapan namin hanggang sa mapasok sa usapan si Jomel.
"kaklase mo si Mel hindi ba?" tanong niya. Tumango lang ako at bago lumagok ng alak.
"edi palagi pala kayong magkasama?" may nahihinuha na akong sunod na sasabihin niya pero hinayaan ko nalang at tumango nalang ulit sa tanong niya.
"may alam ka bang paborito niya?" sa puntong iyon eh nagdadalawang-isip na ako kung sasagot pa ba ako o hindi dahil para bang nakakaramdam na ako ng inis.
"wala eh, bakit?"
"wala lang tinatanong ko lang kasi palagi kayong magkasama hindi ba?" nakahinga ako ng maluwag dahil sa tugon niya. Akala ko kasi ay iba ang sasabihin niya.
"kamusta na pala si George, bakit hindi siya ang inaya mo mag-inom?" tanong ko. Napayuko ito. Sa aming anim kaming tatlo ang pinakaclose dahil sa magkababata kaming tatlo pero kasi nitong nakaraang buwan lang eh umamin sa aking si George na may lihim siyang pagtingin kay Mantha. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang tungkol dito pero base sa reaksyon ng mukha niya eh sigurado akong alam na niya.
"hindi kami ok ngayon... May nangyari kasi..." hindi ko nalang siya pinagkwento dahil sigurado akong hindi komportable para sa kanya ang ikwento ang tungkol doon.
"ganun ba, next time ayain din natin yung iba para makapagbonding tayong lahat kasama si Mel..." iniba ko na ang topic dahil napansin kong parang nalungkot ito.
ano kayang nangyari sa kanila?
"sige..." pinagdikit namin ang aming mga baso at sabay na uminom.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
My Heroin : I'm Addicted To You
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...