March 9, 2015
Dear me,
Sabado. Dapat ngayon , nagpapa kasarap ako sa pagtulog . Malamang nga sa mga oras na 'to tulog pa 'ko nito e. Pero hindi. Andito ako ngayon sa office at kasama si boss na nasa loob ng kanyang mahiwagang kwarto. Mukha ngang agitated e. Kagabi pa 'to e. At speaking of kagabi, alam niyo bang mag girlfriend pala 'tong mama na 'to? Aba kaganda e! Wala akong masyadong alam sa babae pero ang alam ko, mabait at maganda siya. Nahiya nga 'ko, hindi ko kasi siya pinapasok nung magsabi siya na gusto niyang makausap si Sir Philip. Ay hindi ko pa nasasabi name ng boss ko no? Siya si Philip Ace Marte. At ang girlfriend niyang maganda ay si Arva Rodriguez . Nakangiti nga lang lagi kahit pinag hintay ko siya ng 5 minutes.
Ayon nga, paglabas ni babae, andoon pa rin si Sir. Susko! Alas siyete na at andoon pa din sa loob kaya nagpa deliver na lang ako ng pagkain. Gutom na kaya ako, tapos alangan naman na umuwi ako tapos siya andito , diba?
So 'yon nga, hindi ko alam ang gustong pagkain kaya tinext ko muna si Martha na aking source of knowledge ko dito. Sabi hindi naman picky si Sir sa pagkain basta wala lang bawang. Wow. Hindi raw picky sa lagay na yan ah? So , nag order na lang ako ng Chicken at Spareribs tsaka 5 rice at dalawang tall ice tea sa Pamana Restaurant .
Pagkadating , pinasok ko yong pagkain tapos sabay alis ng walang lingon lingon ! 😝😅
Habang kumakain, inayos ko na yong next schedule niya para sa Monday.
Siguro mga past nine , at sa wakas lumabas na rin si sir . Madilim ang mukha 😓.
After 10 minutes sumunod na rin ako bumaba pero bago ako bumaba nagpa tawag ako ng taxi kay manong .At ngayon nga, andito na naman ako sa hindi ko malaman na dahilan. Basta niya na lang ako tinawagan at sabi , " office, now " edi syempre nagmadali ako! 😭😖
At ito nga |Ay tawag ako. Sige babush!
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomansaFenylyn Rose S. Magdua. Nagsimula sa isang online diary. E-Pad. Hanggang sa.. Nagsimula sa isang pag uusap or pag uusap nga ba? Hanggang sa.. Paano kaya ito magtatapos? -- Siguro dahil na pagod na ko sa kakatunganga sa kanya. I finally decided-my...