TEASER

39K 677 17
                                    



Amber likes Dwight since she was ten years old. Puppy love lamang daw iyon dahil bata pa siya. She doesn't care. Wala naman talaga siyang pakialam sa opinyon ng iba. She'll live her life the way she wanted for as long as she have the wings to fly freely.

Simula kasi nang magkaisip siya ay parati ng ipinapaalala sa kaniya ng mga magulang na pagdating niya sa tamang edad ay ikakasal sila ng anak ng kaibigan ng Papa niya. Iyon ang tumanim sa mura niyang isip na dala-dala niya hanggang sa magdalaga siya.

She's a rebel, wild and wanted to be free. Nakita niya ang sarili niya sa katauhan ng batang si Dwight kaya hinangaan at pinangarap niya itong makasama habang buhay. Tulad niya, wala rin kasing pakialam si Dwight sa iba, he's a bad boy too. Wala itong pakialam kahit kanino - kahit sa kaniya. Iyon ang malungkot na katotohanan.

And there's Clyde. Ang kakambal ni Dwight at ang exact opposite nito sa halos lahat ng bagay na palaging nakabuntot sa kaniya o di kaya naman ay bigla na lamang sumusulpot na parang kabute.

Habang busy siya sa kahahabol kay Dwight ay busy naman si Clyde sa paghabol sa kaniya. She's used to it. Hindi na lang niya pinapansin si Clyde kahit na minsan ay sobrang inis na inis na siya sa presensiya ng binata. Madalas pa nitong ipamukha sa kaniya na ito lamang ang lalaking magmamahal sa kaniya, ang lalaking hindi kailan man aalis sa tabi niya, the man who will forever be her knight.

But she's not a damsel in distress. Hindi niya kailangan ng isang Claudio Telpace sa buhay niya dahil may nakatakda na para sa kaniya.

Then, her wedding day came. Ang akala niya ay handa na siya para doon pero hindi pa rin pala. She wanted to escape. She wanted to be save and the only person who can save her no longer cares for her and he doesn't even remember her anymore.

Bakit ba kasi palaging nasa huli ang pagsisisi?

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon