OUR ONE MONTH ended and I don't know what we are today. Basta ang alam ko lang, nilalandi ako ni Clyde at the moment. Hindi man lang mahiya sa mga kapatid niya! Akala mo higad na kanina pa nakakapit sa akin.
"Claudio!" Nanggigigil na bulong ko sa kanya habang pilit na itinutulak siya. Nasa bahay nila kami and yet, ganito ang inaasta niya! Wala talagang hiya!
Since malapit na ang vacation, kaya pwede na kaming magpapetiks petiks nalang dahil halos tapos na rin naman kami sa mga requirements for graduation.
The three of us will receive a Latin honor and Clyde will receive the highest one. Di ko talaga inakala na ganoon katalino itong Claudio na 'to! Para kasing hindi naman siya nag-aaral although madalas ko siyang makitang may dalang libro. Pero kasi, kadalasan ginagawa lang niyang patungan o kaya ay unan.
"Stop moving your head, Frences!" Ani Eunice na naka-upo sa carpeted floor nila habang itinatali ang buhok ng kapatid habang nanonood sila ng Barbie.
"Sa attic tayo?" Bulong ni Clyde na ikinalaki ng mga mata ko.
God! Bakit noong sabihin niya ang salitang "attic" ay may ibang bagay akong naisip? Ganito ba talaga kapag halos nagkakitaan na ng lahat-lahat ang isang babae at lalaki? O ako lang ang ganito karumi mag-isip?
"Anong attic? Kakain na tayo." Mula sa likod nila ay sabi ni Ate Bianca, ang pinakamagandang Ate nila Clyde. Buhat nito ang isa sa kambal na si Gienelle.
"Done!" Anunsyo ni Eunice.
"Si Gienelle pa." Ani Ate Bianca at ibinaba sa tabi ni Eunice si Gienelle. "Ikaw Claudio umayos ka." Baling nito kay Clyde saka kumindat sa akin.
Nag-init ang mukha ko dahil doon kaya kinurot ko ng pinong-pino si Clyde sa braso at tinakpan ang bibig. "Bwisit ka! Umayos ka nga!" Gigil kong bulong.
Noong dumating si Dwight na kasama si Rin ay noon lamang umayos si Clyde. The twin, Frences and Gienelle run towards the two. It seems like the twin likes Rin. Nakatingin lang ako sa kanila habang may sinasabi si Rin sa dalawang bata.
I don't really know what they are up to but the way Rin and Dwight acted seems like fake. Para bang hindi naman talaga sila totoong magkasintahan.
May mga pagkakataon na nakikita ko silang magkasama sa campus. Hindi nila iyon alam at lalong hindi ko sinadya. Nagkakataon lang talaga. At sa tuwing makikita ko sila, palagi na ay parang hindi sila magkakilala kung umakto o kaya naman ay parang naiilang sa isa't isa.
Noong una, gusto ko talagang ilayo si Dwight kay Irinea. She reminds me of Clarissa and I really thought that Dwight approached her because of that fact. I saw how Dwight gets broken and I don't want to see him on that state again. But there's something with this Irinea that I couldn't figure out.
Ah basta! Malaki naman na si Dwight kaya bahala na siya sa buhay niya!
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...