Kabanata 42.

17.9K 482 18
                                    

A/N: Muntik ko na makalimutan 'to. Busy kasi. Sorry na. Haha. Comment and vote after reading! Para ma-inspire naman ako. Wala na ngang jowa wala pang comment. Hahaha

Kabanata 42:

"Oh my God, Amber! You're really getting married!" tili ni Mariz. Mas mukha pa siyang excited kaysa sa akin. Well, hindi naman kasi talaga ako excited sa kasal namin ni Drae because I was more than worried on what's going to happen.

"I really thought it's you and Clyde at the end." Sabi naman ni Jess. "I mean, I can still remember kung paano ka niya bakuran back in our school days that even Baxter and James didn't make it to the first base."

Umismid ako at sumimsim sa hawak kong wine. "It's not because of Clyde but because I really don't like your husbands."

Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kanila na once upon a time ay binunto-buntutan ako ng mga asawa nila. Kung sa bagay, they're happily married now and had their own kids. Jess and James have two while Mariz and Baxter have one.

"Amber! Amber!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lilac. Ano'ng ginagawa ng pinsan niyang chismosa sa party niya? Who invited her and who let her entered this private room my friends rented for this party?

"Lilac! What are you doing here?"

"Ay grabe! Syempre, makiki-join. But don't worry, may dala naman akong regalo para sa'yo na sigurado akong mae-enjoy mo ngayong gabi."

Wala akong nagawa. Matapos kong maipakilala si Lilac sa ilang naroon ay nakuha kaagad niya ang atensiyon ng mga kaibigan ko. Hindi naman iyon kataka-taka, knowing Lilac, she's a real feeling close to anyone.

At sa isang bachelorette party, hindi mawawala ang mga macho dancer.

"Here! Drink this!" sabay kuha ni Lilac sa hawak kong kopita ng alak at pinalitan iyon ng hawak nitong baso. "Ako ang nag-mix ng drinks na iyan pati na rin iyong iba. Pero syempre, special ang sa'yo."

"Thanks!" I said. If there's another thing Lilac is good at, iyon ay sa pagmi-mix ng alak.

Nakakailang shot na ako ng ibinigay na inumin ni Lilac at halos puro tawanan na ang nagaganap sa buong kwarto. Kung hindi ako nagkakamali ay wala pa kami sa tatlumpu pero dahil na rin siguro sa alak kaya sobrang naging magulo na ang paligid especially that the theme of my bachelorette party is bunnies go wild at night.

Si Mariz ang may pakana kaya kahit may anak na ang ilan sa amin ay nakasuot pa rin kami ng bunny costumes in red, black and gray. Tanging ako lamang ang nakasuot ng puting bunny costume at ang suot kong bunny ears ay may Swarovski crystals pa.

"Mommy's and single ladies, are you ready for the main course?!" sabay na sabi ni Mariz at Lilac sa mikropono na umani ng tilian mula sa mga naroon. Si Jess ay niyugyog pa ako sa balikat na tila ba nanggigigil na.

"Ipasok na iyan!"

Kasabay ng anunsyong iyon ni Lilac ay ang paghatak sa akin ng kung sino paupo sa nag-iisang single red couch na naroon sa pinakagitna ng silid at ang pagpailanlang ng sexy back ni Timberlake.

Kailan pa nagkaroon ng single couch sa gitna? Kailan nila inilagay at hindi ko man lamang nakita?

Nagtilian ang mga kaibigan ko at halos mabingi ako sa lakas ng mga tili nila nang pumasok ang limang kalalakihan na ang tanging suot lamang ay leather short shorts at silky black tie with their mask on.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon