Kabanata 41:
It's been a week since I last saw Clyde. Isang linggo na lamang din at ikakasal na kami ni Drae and I wonder kung alam ba ng ina niya ang tungkol sa gagawin naming ito ni Drae.
"Hindi mo pa rin ba pwedeng sabihin sa akin kung bakit kailangan pa nating umabot sa pagpapakasal para lang makawala ka sa babaeng tinutukoy mo?" I asked Drae.
We are having dinner at the moment and Drae doesn't seem like he's with me. Kapag tinatanong ko ay puro monosyllabic lamang ang isinasagot sa akin and it's bothering me a bit.
"Can we not talk about it? I want to bury it inside my head and talking about it won't do any good." He just said as he continues eating.
I didn't push the idea. Kahit kating-kati na akong malaman kung ano mayroon sa Diane na iyon ay nirerespeto ko pa rin ang desisyon ni Drae na ilihim kung ano man ang natuklasan niya sa tungkol sa Diane na iyon.
Pinagmasdan ko si Drae na tahimik na kumakain. He's not in his usual self. Ilang araw ko na iyong napapansin sa kaniya and everytime I'm noticing him being like that, I can't help but rolled my eyes.
Ibinaba ko ang kubyertos. "Alam mo ikaw," panimula ko na kumuha ng atensiyon niya. "Kung makaasta ka, parang pinipikot kita." Sabay irap ko sa kaniya.
Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at sumimsim ng tubig. "Sorry. I just don't know if this will really work." Ani Drae kasunod ng paghilot sa sentido.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Don't tell me you're going to back out?!" medyo napataas na ang boses ko. "You can't, Drae! Kung mayroong dapat mag back out sa ating dalawa ay ako iyon."
Pumalatak si Drae at tila napapagod akong pinagmasdan. "Will you lower your voice?" he sighed. "Tuloy ang kasal."
"Then, bakit ganiyan ka kung maka-asta?" isang irap na naman ang ibinigay ko sa kaniya.
"Kung minsan napapaisip ako kung mahal mo ba talaga si Clyde o ano, eh." Bago pa ako makahirit ay nagsalita na ulit siya. "Hindi ka ba naaawa kay Clyde? His parents are keeping him away from you, Amber. Ilang araw na siyang bantay-sarado dahil –"
"Nasaan si Clyde?"
Kumunot ang noo ni Drae. "Hindi mo alam?" umiling ako. "Well, hindi ko rin alam kung nasaan siya. Even Dwight didn't know where he is."
Mula nang ihatid ako ni Drae sa bahay hanggang sa ngayon na matutulog na lang ako ay laman pa rin ng isipan ko ang huling sinabi niya.
Where's Clyde? What exactly is going on? Sa loob ng isang linggo'ng hindi pagpapakita ni Clyde sa akin ay ngayon ko lang napagtanto na may mali sa nangyayari.
Hindi normal na basta na lamang mawawala si Clyde. Sigurado ako na may dahilan siya. Hindi rin ako naniniwala na hindi alam ni Dwight kung nasaan ang kakambal niya. I know them too well. Pareho silang tuso at palaging tila isang tingin lang ay nagkakaintindihan na. And if there's one thing I should keep in mind, iyon ay ang pinaplano ng kambal. I know, they're up to something. They're up to something.
"You look gorgeous in your wedding gown, Madame! The simplicity of the gown accentuates your natural beauty!" anang bakla habang tinitignang mabuti ang wedding gown na suot ko na tila hinahanapan ng mali.
"Thanks." Na sinundan ko ng bahagyang ngiti.
"You don't look happy, Madame. May LQ kayo ni fafa Andrae?" bulong ng bading at bahagyang sinulyapan si Drae na busy sa cellphone niya. I don't mind if he's busy. Wala rin akong pakealam kung ano ang isipin ng makakakita sa amin.
Hindi na ako nag-abalang sagutin ang pang-iintriga ng bakla. Some of their staffs are eavesdropping – I can sense it. Sino ba naman kasi ang hindi? Drae is one of the most sought-after engineers in town! He's already an achiever at the age of twenty seven. Idagdag pa na gwapo ang loko kaya agaw atensiyon talaga.
"Oh my God! Ang ganda mo lalo sa gown mo!" mula sa pinto ay nilingon ko si Meg na nakakapit sa braso ng kapatid na si Terence. Sa likod ng magkapatid ay sila Art at Dwight na pawang nakasimangot.
"I can't believe you're marrying Drae." Ani Dwight. Bakas na bakas ang disgusto sa tinig niya at alam kong hindi iyon biro.
"Me, too." Segunda ni Art na nagtaas pa ng kamay tapos ay dumiretso sa couch na naroon.
Inirapan ko ang dalawa. "Tapos na kayong mag-fitting?" sa halipay tanong ko.
"Yup!" si Meg ang sumagot habang palapit sa akin. "I don't really like the bridesmaids dress, medyo mabigat kasi. Pero kung ito ang isusuot ko, okay lang." ani Meg. Sa mga mata nito ay nabanaag ko ang lungkot. Posible kayang –
Mabilis kong pinalis sa isipan ko ang ideyang biglang pumasok sa akin. Imposible iyon.
"Alam mo kasi Berting," ani Art na ang tinutukoy ay si Meg. Calling Meg in different men's name is their endearment to her. "Hindi naman kasi dapat gown ang suot mo kundi barong!"
Habang patuloy na tinutukso nila Art at Dwight si Meg ay natuon ang atensiyon k okay Drae na may bahagyang ngiti sa mga labi habang nakatitig sa dalagita.napabuntong hininga na lamang ako.
Umupo ako sa tabi ni Drae at bumulong. "Wala ka ng pag-asa." Na nagpakunot sa noo ni Drae. "And she's too young for you. A minor, Mr. Andrae Knudsen." Tudyo ko pa.
"She's eighteen already." Mariing bulong ni Drae. Halata ang pagkabalisa.
"Hoy! Maglayo nga kayong dalawa!" ani Art.
Tinawanan ko lang pero noong makita ko ang matamang titig ni Meg sa amin ay muli akong bumulong kay Drae. "Why don't you smile at me a little? Your little subject of interest is glaring at me. Come on!" I even kissed Drae on his cheek.
Nang muli akong bumaling sa mga audience namin ay ang nakasibangot na mukha ni Meg ang bumungad sa akin at ang madilim na mukha ni Dwight. Umiling ako kay Dwight at sana ay makuha niya ang mensahe ko na wala itong dapat ipangamba.
After the fitting, nagkanya kanya na ng alis ang ibang nagsukat ng mga damit. Kami nila Drae, Dwight, Art, Terence at Meg ang naiwang magkakasama.
"Let's grab some pizza. Mamamatay na 'ko sa gutom!" reklamo pa ni Art na inakbayan si Meg na nasa tabi nito at sapilitang hinila palabas. Sinundan nila ang dalawa hanggang sa kami ni Dwight ang mahuli.
"Are you really going to do this?" ani Dwight habang pigil ako sa braso.
"Where's Clyde, by the way?" sa halip ay tanong ko. Dwight clenched his fist, tapos ay namulsa at huminga ng malalim.
"He's starting to remember, Amber. Can't you wait a little bit longer? Kapag ikinasal ka kay Drae, lalong hindi magiging kayo. Come on, Amber! It's been fifteen years! Ganoon katagal mo ng pinapaasa si Clyde and now that both of you are almost there, bigla ka nalang bibitaw? Why, because he can't remember you? That's bullshit!"
"Don't bullshit me! Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin kung nasaan si Clyde?"
"Sabihin mo muna sa akin na hindi ka magpapakasal."
"Okay. Hindi ako magpapakasal."
"You're kidding me." Umiiling na saad ni Dwight. "Nahihirapan na nga ako sa asawa ko, dumadagdag pa kayong dalawa."
"Do I look like I'm kidding here?"
Namulsa muli si Dwight at pinakatitigan ako. Staring at his deep blue eyes always reminds of Clyde although Dwight's eye is a little bit darker.
At tulad ng inaasahan ko, alam nga ni Dwight kung nasaan si Clyde. He told me his whereabouts and in exchanged, I told him my plan – syempre, hindi kasama ang tunay na rason ni Drae. Kahit medyo naiinis ako kay Drae this past few days ay hindi ko naman makakalimutan ang mga naitulong niya sa akin. And he's been a good friend to me ever since I met him.
And three days before my wedding day, I had my bachelorette party together with my closest friend and colleagues where I did what I shouldn't did.
w'P B
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...