Kabanata 1

40.7K 614 42
                                    




"Go Clyde! Lakasan mo ang palo kundi, ako ang papalo sa'yo!" medyo nasamid pa ako sa lakas ng pagsigaw ko. Alam ko naman kasi na hindi niya tatamaan iyong bola tulad ng hindi niya tinamaan iyong dalawang nauna.

Pumalakpak pa ako nung maka-strike three na pero hindi pa rin niya tinamaan. Paano nga bang tatamaan ni Clyde iyong bola gayong hindi naman siya si Clyde?

"Woo! Uwian na! Talo!" sigaw ko pa bago sinalubong ang mga players ng baseball. Iyong iba ay masama ang tingin sa akin dahil masaya akong natalo sila at iyong iba naman, malamang sa malamang ay nagtataka kung bakit ako naroon.

Hindi ako madalas pumunta sa practice game ng baseball team ng school namin dahil bukod sa mainit na maalikabok pa at higit sa lahat, bakit ko papanoorin si Clyde? Minsan lang talaga akong manood,  kapag alam kong naroon si Dwight o di kaya naman ay si Dwight ang naglalaro bilang ang kakambal nitong si Clyde tulad na lang ngayon.

"Nice game!" tinapik ko pa ang braso ni Dwight na basang basa ng pawis. Pero kahit na ganoon ay mabango pa rin ito.

"Ba't nandito ka?"

Nginitian ko lang si Dwight na nauna ng naglakad palabas ng baseball field.

"Huwag mo akong sungitan at baka may makahalata sa'yo na hindi ikaw si Clyde." inabutan ko pa siya ng Gatorade bago siya pumasok sa locker nila.

Kahit baliw ako kay Dwight, hindi naman ako pabayang mag-aaral lalo na at hindi naman ako genius na tulad nung kambal na iyon kaya kailangan kong mag-sunog ng kilay sa pag-aaral kung gusto kong makapasa.

Malapit na ako sa classroom nung makasalubong ko si Clyde na tumatakbo. As in si Clyde. May dalang notebook at ballpen na naka-ipit sa polo nito at magulo ang buhok.

"Mahal! Ihahatid na kita sa klase mo."

Nakakapangilabot talaga ang mga lumalabas sa bibig ni Clyde. Kaya siguro kahit magugunaw na ang mundo at siya na lang ang natitirang available na lalaki ay hindi ko pa rin siya papatulan. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na papakasalan ko si Clyde at araw-araw kong maririnig ang ka-corny-han niya.

"Mahal your face! Ayusin mo nga iyang buhok mo. Hindi bagay sa'yo ang messy look dahil hindi naman ikaw si Dwight!"

Bahagya siyang yumuko sa harap ko while wearing his annoying smile. At para matapos na ang lahat, inayos ko na ang buhok niyang medyo kulot sabay tampal sa pisngi niya pagkatapos.

"Sarap mo talagang magmahal! The best!"

We're already eighteen and yet, ang childish-childish pa rin ni Clyde. Bagay lang talaga sa kaniya ang pangarap niyang maging Pediatrician. Iyong mga bata lang kasi ang ka-level ng ugali ni Clyde. Sa walong taon naming magkakilala, hindi ko pa siya nakitang nagseryoso.

Unlike Dwight na umibig, nasaktan, at nagmu-move on na.

Pagpasok ko sa room ay naupo ako sa pinakaharap. I adjusted my glasses and takes off my bullcap. Hinayaan ko lang na lumadlad ang lampas balikat kong buhok na kulay pula.

"Amber ko,"

Tinignan ko ng masama si Clyde na nakadungaw sa pinto at nakangisi.

"Ano na naman? Umalis ka na nga!"

"Tsk. Mami-miss mo rin ako. Sa akin ka rin babagsak, tandaan mo iyan!" At nag-flying kiss pa siya.

"Bwisit talaga." Bulong ko habang hinihimas ang braso ko. Feeling ko kinilabutan ako sa ginawang 'yon ni Clyde, e. Nakakainis talaga 'yung lalaki na 'yun.

Palabas na ko ng campus nung maka-receive ako ng text galing sa Kuya Kahel ko. Sunduin ko raw si Sunny sa school as if naman may sarili akong sasakyan. Kung minsan mahirap din na nag-iisa kang babae sa inyong magkakapatid. Tulad ko, kung ituring ako ni Kuya Kahel, akala mo lalaki rin ako. Nung isang beses nga nakipag-body-body sakin eh ang laki pa naman nung lalaki kaya ayun, sa sahig ako pinulot.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon