Kabanata 47:
Philippines.
After almost three years, we're back – for good, here in the Philippines. Hindi namin inanunsyo ang pagdating namin nila Clive kaya umuusok ang ilong ni Clyde sa galit sa akin atmarahil, kung wala lamang kami sa harap ng parents niya ay baka sinungitan na ako ni Clyde.
"Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo naman ng pamangkin ko!"
Pinagkaguluhan nila Eunice, Frences at Gienelle si Clive na tila walang pakialam kung sino man ang humalik at bumuha sa kaniya. Basta siya, kakain ng cookies.
"You should have told me that you're coming home!" mariing bulong ni Clyde habang nasa kusina kami at kumukuha ng pagkain.
"Surprise nga, di ba?" I smiled and planted a kiss on his lips. Napabuntong-hininga na lamang siya anda ng pagsuko.
Two days ago pa lamang ng umuwi siya ng Pilipinas. Ang una naming plano ay sabay-sabay kaming uuwi pero kinailangan si Clyde sa ospital kaya napaaga siya. Ang usapan naming ay babalik siya para sunduin kami sa Canada pero napagtanto kong hindi practical kung ganoon kaya walang pasabi sa kaniyang nagbyahe kami ni Clive kasama ang nanny nito pabalik ng Pilipinas.
Nang sumunod na araw ay naging abala na kami ni Clyde. I don't know what's with him pero kahit na sobrang abala niya sa ospital ay nagagawa pa rin niyang i-check kami ni Clive ng madalas – lalong lalo na ako.
"Amber, where are you?" was his message to me. I rolled my eyes at nakita iyon nila Jess and Mariz.
"Si Clyde again?" Jess asked. She's pregnant again.
"Alam mo feeling ko, alam ni Clyde na may nanliligaw sa'yo, eh." Si Mariz sabay subo ng ilang piraso ng fries. "And speaking of manliligaw..." inginuso niya ang likuran ko.
Hindi ko na nilingon dahil alam ko na kung sino ang naroon lalo na kung ang pagbabasehan ay ang mga nagniningning na mata ng mga naroong nurses para sa kanilang break.
"Can I sit here?" pero umupo na siya bago pa man ako makasagot.
"You don't eat here, Xander." I said as he chooses the vacant seat beside me. He's one of the neurologists at Telpace Medical Hospital. He's good looking in a rugged way most of the times but in times of duties, para rin siyang si Clyde na super linis tignan na lahat ay nasa ayos.
"Well, there's no harm in eating here especially that you eat here." Ngumiti siya at kumindat kaya binato siya ni Mariz ng fries na nagpakunot sa noo niya.
"Doc Xander, baka lang naman nakakalimutan ninyo na may anak at may Dr. Claudio na iyang si Amber. In short, taken na kaya bawal ng ligawan." Natawa ako kay Mariz. Kahit talaga ano'ng mangyari, team Clyde pa rin siya.
Ngumit si Xander. "Iyong asawa nga ay naaagaw pa, iyon pa kayang hindi kasal?" nilingon ako ni Xander at tumingin sa relong pambisig. "I forgot that I still have an appointment five minutes from now. I have to go. See you around."
Pinanood lang namin siyang tumayo at dahil nakatingala ako sa kaniya ay muntik na akong mahulog sa inuupuan ko ng bigla siyang dumukwang palapit sa akin para bumulong.
"Should I take you away from him, Mary Amber?"
Isang irap ang isinukli ko sa sainabi niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Xander pero sa nakalipas na taon mula noong hingan ko siya ng tulong na mahanap si Clyde ay hindi na naputol ang komunikasyon namin.
We don't communicate too often pero hindi lilipas ang buwan ng hindi siya nagpaparamdam. Nagpaparamdam in terms like what he did earlier. Pero kahit na ganoon ay hindi ko naman in-entertain ang kung ano mang ipinahihiwatig niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...