Kabanata 2

24.9K 535 38
                                    




"Mama, aalis na po ako! Sabay na 'ko kila Papa!" dumampot na lang ako ng toasted bread sa mesa at uminom ng juice bago mabilis na sumunod kila Papa at Sunny na nauna ng lumabas.

"Kumain ka muna, Amber!" sigaw din ni Mama. Hindi ko alam kung nasaang sulok ng bahay si Mama. Hindi ko naman siya nakita sa kusina, baka nasa banyo.

"Sa school na lang po!" sagot ko nalang. Pasigaw ulit. "Pasabay, 'Pa."

"Bakit ka dito sasabay?"

Nilingon ko si Sunny. Hindi tulad ng pangalan niya ang pagkatao niya dahil lahat sa kaniya ay malabo. Malabo ang mata, malabong kausap, at malabong 'di magsungit. Ipinaglihi yata siya ni Mama sa sama ng loob, eh.

"Na-miss ko ang amoy ng kotse ni Papa, eh." dumukwang ako sa harap and kissed my father na nakangiti lang habang inaayos ang seat belt.

"'Sus. It's either inaway mo si Kuya Clyde or ayaw kang pasakayin ni Kuya Dwight." naka-ingos niyang sabi. "Nine pa pasok mo, eh."

"Hindi ba pwedeng gusto kong mag-advance study for our lessons later?" kahit kailan talaga nakakainis itong si Sunny. Hindi talaga bagay sa kanya ang pangalan niya. Dapat 'gloomy' nalang ang ipinangalan sa kanya nila Mama, eh.

"How's your study, Amber?" noong malapit na kami ay tanong ni Papa.

Fifteen minutes away lang naman mula sa bahay ang University na pinapasukan ko. Ayoko lang sumabay kay Papa at Sunny dahil masyadong maaga ang pasok nila. Pero ngayon, wala akong choice dahil alam kong hindi umuwi si Dwight. Ayoko naman makisabay kay Clyde dahil doon sa nangyari kahapon.

"Okay lang naman po. I'm starting to enjoy it. Nakakainis lang talaga kapag mid-term at finals. Ang daming kailangang aralin. Sabay sabay halos lahat ng subjects."

Tumawa si Papa. "That's good to hear. Kapag wala ka na sa school, mami-miss mo iyong mga ganyang pagkakataon." bahagya pa akong sinulyapan ni Papa sa rearview mirror. "By the way anak, when do you want to meet my friend's son?"

Sabi na eh. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong sumabay kay Papa sa pagpasok. Palagi niyang inuungkat iyong tungkol sa mapapangasawa ko raw. Akala ko hindi na uso ang arrange marriage, akala ko lang pala.

"Sa graduation ko nalang. Baka mamaya sobrang gwapo pala nung anak ng kaibigan nyo at pikutin ko nalang edi hindi ako naka-graduate." biro ko nalang kay Papa. Sa totoo lang, hanggat pwede, iiwas ako.

Lihim akong nagpasalamat nang makita ko na ang gate ng eskwelahan. Mabilis akong bumaba ng kotse ni Papa para na rin makaiwas kung may follow up question pa si Papa at syempre, kinurot ko muna ang pinkish na pisngi ni Sunny. Wala lang. Gusto ko lang siyang pinipikon.

Sa aming tatlong magkakapatid, si Sunny talaga iyong masasabing tisoy. Kapag nabilad sa araw hindi umiitim at namumula lang ang balat nya. Nakakainggit minsan kasi kami ni Kuya Kahel, kayumanggi talaga ang kulay. Pumuti lang ako dahil hindi ako masyadong naglalalabas kapag mainit at dahil na rin sa mga whitening soaps.

Past eight palang at nine thirty pa ang pasok ko kaya nagpunta na lang ako sa canteen para mag-breakfast.

"Hi babe! Wala ka pang klase?"

I rolled my eyes upon seeing Baxter. Kasama niya iyong isa niyang ka-team sa basketball at hindi tulad ng madalas na ayos nila kapag nagkikita kami na naka-jersey, ngayon ay sobrang presko nitong tignan sa uniform ng school kahit na medyo may pagka-bad boy ang dating ni Baxter dahil sa hikaw sa kaliwang tenga at nakabukas na polo.

"Meron. Paalis na nga ako, eh." kahit nagugutom ako, titiisin ko huwag lang akong kulitin ng bakulaw na 'to.

"Kadarating mo lang kaya." sabay akbay niya sa akin na mabilis kong tinanggal.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon