Kabanata 30.

16.7K 404 18
                                    

A/N: Baka kasi magtampo na naman si Clyde at sabihin huli na nga sya, wala pang POV . So Clyde, this chapter is solely dedicated to you and to your wounded heart. May bayag ka. Alam namin 'yan. :)

***

Kabanata 30: CLYDE


"GET OUT! I'll send the money to your account." I said to the private investigator that I hired to find Amber's location. But fuck! Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.


I look at the photos on the table. Amber looks happy while walking in a park with her fiancé and she's fucking pregnant! They look happy while I am miserable for fucking seven months now!


Nilamukos ko ang mga litrato at itinapon sa basurahan bago nagpasyang lumabas ng opisina para sa isang conference meeting na dapat ay si Dwight ang a-attend pero hindi na naman nila alam kung saan nagsuot ang kakambal kong iyon kaya ako ang pinakiusapan ni Mommy na um-attend in Dwight's behalf.


Paglabas ng opisina ay nakasalubong ko si Eunice. "Kuya C, okay na. Dumating na si Kuya Dwight. Male-late lang daw – "


"Good. I'll leave, then." Tuloy-tuloy kong nilagpasan si Eunice na may nagtatakang tingin and knowing how nosy she is, kaya hindi na ako nagtaka na kasama ko siya sa elevator.


"Mukha kang bagong tuli, Kuya. Did something happened?" anito na sinisilip ako mula sa gilid habang nakakapit sa isa kong braso.


"Bakit, nakita mo ba ako nung bagong tuli ako?"


"Tsk. Ang sungit naman! Dinaig mo pasi Kuya D sa kasungitan ngayon, ah!" reklamo nito. "Siguro, kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi masungit tayo." Parinig pa nito sa kaniya.


Nang bumukas ang elevator ay marahan kong itinulak si Eunice palabas.


"Kuya C!"


"Stop being nosy or I'll tell mom about you and that car racer."


Nang tuluyang sumara ang elevator ay pinindot ko ang ground floor. I want to see it with my own eyes. I called Dad's secretary to book me a flight to Canada, ASAP. Dumiretso ako sa school and pass all the necessary requirements for the school semester. Hindi ko pa na-finalize ang ilan doon pero bahala na. Hindi naman ako mawawala ng matagal. I just wanted to see them with my own eyes.


I don't like using our connections but when necessary, hindi ako nagdadalawang-isip. Katulad na lamang ngayon na ayaw akong payagan na umabsent ng matagal kaya ipinaubaya ko na sa tao namin ang pakikipag-settle sa school.


"Everything is settled, Mr. Telpace. They will send everything to you while you are away. That way, hindi ka mahuhuli sa klase at hindi mo na rin kailangang maghabol pagbalik mo ng Pilipinas."


"Thank you, Jona." Iyon lamang at pinatay ko na ang tawag.


If you have the money, everything will go smoothly. Napailing na lamang ako. My mother will surely scold me after this. Nasa lahi na yata namin ang pumapalpak sa mga babae. Nasimulan ni Kuya Axl, sinundan ni Dwight at ngayon ay ako.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon