Kabanata 18.

15.2K 471 28
                                    


"ARE YOU ALRIGHT? Mukha kang pusang 'di maihi." I chuckled though alam ko kung bakit siya nagkakaganoon.


He glared at me. "You're not helping."


Papasok kami sa bahay. Sinundo ko siya dahil ang sabi nila Papa, tawagin ko daw si Clyde para sa amin na mag-lunch.


Hindi ko naman talaga gusting biglain si Clyde pero pakiramdam ko kasi, I'm being unfair to him. He's like an open book to me while I'm hiding a lot of secrets from him that even my relationship with him is still kept hidden from my parents. So, without informing him, I told my parents that we're dating.


I held her hand and he intertwined his fingers automatically to mine. It has always been like that. Para bang pati ang bahagi ng katawan namin ay alam na ang gagawin sa isa't isa.


"Relax. Para namang hindi mo pa kilala sila Papa." I smiled at him because I swear, parang matatae na siya ngayon.


Pagkapasok sa bahay ay nadatnan namin si Kuya at Sunny na nanonood ng basketball. Ngumisi lang si Kuya kay Clyde habang si Sunny ay walang pakialam at itinaas pa ang paa sa center table.


"Clyde, let's talk."


Pareho pa kaming nagulat nung biglang magsalita si Papa mula sa likuran namin. Bahagya lang din niya akong sinulyapan tapos ay dumako na kay Clyde ang mga mata niya.


"Papa, kumain muna tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Ani Mama na mula sa kusina ay sumungaw. She's holding a bowl of rice. "Halina kayo at kakain na."


The lunch has been awkward. Hindi nagsasalita si Papa kaya lalong naging tensyonado si Clyde na pakiramdam ko, maging ang paglulon ay mahirap sa kaniya. Si Kuya Kahel at Sunny ay nag-uusap tungkol sa pag-aaral ni Sunny. Si Mama naman ay kaswal lamang na kinakausap kami ni Clyde kaya paminsan minsan ay nagsasalita kami.


I didn't know that he'll react like this. I mean, he's always so full of himself. At close din naman siya kay Papa kahit na papaano dahil madalas din sila sa amin ni Dwight at Kuya Axel nila. Pero ngayon, tensyonado talaga siya.


"Have you told Clyde about him, Amber?" Papa asked all of a sudden.


Napahinto sa ere ang kamay ko na may hawak na tinidor. Hindi ko inakala na babanggitin ni Papa ang tungkol doon ngayon lalo na at sinabi ko sa kaniya na huwag magbabanggit ng kahit ano tungkol kay Drae sa harap ni Clyde dahil gusto ko na sa akin mismo manggaling iyon. Ngayon, lahat ng mga mata ay sa akin nakabaling, naghihintay ng isasagot ko.


I look at him. His brows creased and his eyes' asking me silently. Napalunok ako then avoided his stare.


"Hindi pa po, 'Pa. I want to talk to Clyde about him after his exams... sana. Pero dahil nabanggit na po ninyo, maybe we'll talk about that matter later."


Siguro ay napansin na rin ni Kuya at Sunny ang tension kaya tumahimik na sila pagkatapos kong sabihin iyon.


God! Napag-usapan na naming ang tungkol sa bagay na ito. I told them not to be so hard on Clyde pero si Papa... I don't know. Wala siyang sinabi noon tapos ngayon ay ganito!


"'Pa, mag-boyfriend lang naman sila. That doesn't mean na magpapakasal na sila kaagad." Sa unang pagkakataon ay nakialam si Kuya. "And you know Amber. Malaki na iyan kaya alam na niya ang ginagawa niya. Besides, hindi naman ibang tao si Clyde." Mahinahong hayag ni Kuya.


Ipinatong ko ang isang kamay ko sa hita ni Clyde. I wanted to give him an assurance that everything is fine. But when he looks at me, I saw hurt in his ocean-like eyes.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon