A/N: Congratulations! Nanalo ka ng iPhone X! Charot! Anyway, congrats dahil narating mo ang part na ito (I hope, nabasa mo na yung lima) dahil ito na ang last part ng buong series ng Deliriously Handsome na binubuo nila Andrae, Arthur, Dwight, Irving, Terence at Claudio. This is the end of my first series.
Sa mga nagalit dahil hindi nabasa ang buong kwento ni Drae (binura ko kasi maldita talaga ako), hanap nalang kayo sa bookstore. Meron pa yan. Tiwala lang.
Lastly, hello sa mga masisipag mag-comment at mag-vote! Some of you ay nakaka-chat ko at ang sarpa ninyong kurutin minsan. Haha Charot lang. Love ko kaya kayo (kurutin). Sa mga silent readers, for those who hated Amber, sa may hate kay Author, Merry Christmas! Ho-Ho-Ho! Thank you sa inyong lahat! Srsly, thank you!
EPILOGUE
10 years later...
"Happy 10th wedding anniversary!"
"Ay puta!" anang nagulantang na si Clyde.
Kagagaling lang niya sa ospital na pag-aari nila. Uso ang dengue at karaniwang tinatamaan ng sakit ay mga bata. Palibhasa kung saan-saan nagsususuot. Kaya ngayon, kahit na nakapangako siya sa asawa na lalabas silang mag-anak para iselebra ang ika-sampung taon ng kasal nila ay hindi iyon natuloy sa dami ng pasyenteng inaasikaso nila sa ospital.
"We still have an hour to celebrate your wedding anniversary, Dad. Come on! Sunduin mo na si Mommy dahil nagtatampo na iyon." Ani Hunter, ang isa sa kambal nila. Sa likod nito ay ang kakambal na si Archer at ang Kuya Clive nila.
"Wala naman ang Mommy ninyo pero kung makabati kayo ng happy anniversary wagas."
"Sunduin mo na si Amber. Noong malaman noon na parating ka na ay nagkulong na sa silid ninyo." Ani Drae habang kumakain ng barbeque. Sinilip niya ang pool area at tulad ng hinala niya ay naroon nga ang mga ito.
Dalawang araw na siyang hindi nakakauwi at muntik pang mapangatluhan pero pinilit talaga niyang makauwi ngayon kahit na parang wala na siyang ka-lakas lakas dahil sa sobrang pagod mula sa pagtatrabaho.
"Yo!" ani Irving habang papasok at karga ang bunsong anak na si Sean na tulog na tulog na. Isang oras na lamang kasi at alas dose na ng gabi.
"Good evening, Uncle! Happy anniversary!" humalik sa pisngi niya ang pamangkin na si Elle kasunod nito ang kakambal na si Dash na naka-akbay sa nakababatang mga kapatid na sina Kieran at Keira na halos kasing tanda nila Archer at Hunter.
Inilibot niya ang paningin sa pool area. Kumpleto sila tulad ng nakaugalian.
Drae is with his wife Meg and their kids Thea, Andrew Moriss and Adriel Calix. Pare-parehong naglulunoy sa pool ang mga bata.
Si Art ay nilalandi ang asawa sa isang sulok. Ang mga anak ng mga itong sina Claudette, Blake, Spade at Primrose ay kasama ang dalawang anak na babae ni Irving at Fayelin na sina Skylar at Cerys.
Si Dwight ay kainuman si Terence habang si Rin at Rei ay inaayos na muli ang lamesa. Ngumiti sa kaniya si Rin at kumaway nang mamataan siya.
Theon and Zeke – Terence and Reichelle's sons were preparing some punch near the pool area.
Napailing na lamang siya sa mga anak ni Terence. Masyadong magagaling pagdating sa alak at pagkain. Mukhang hindi mahihirapan si Terence kung kanino ipapamahala ang mga Hotel and Restaurant na pag-aari ng mga Monroe.
"Dad?" untag ni Archer sa kaniya. Ito ang bunso nila... sa ngayon.
Ginulo niya ang buhok ng kambal at sabay pang sumimangot ang mga ito na ikinatawa lang niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts (DH 6 || Completed)
RomanceDeleriously Handsome Series 6: Clyde Telpace Nagsimula sa isang buwan ng pagsusubukan... Nauwi sa taon ng iwasan. Two hearts that chasing a different path... Two persons having the same fate. Kailan matatapos ang habulan? At kailan magsi...